CHAPTER 6: ARTEMIS

10 2 0
                                    

Maaga akong pumasok ngayon dahil ayaw kong ma-late sa subject ni Ms. Nadia at baka puro pagpaparinig na naman mula sa kaniya ang matanggap ko. Samantalang si Lukas, hindi ko alam kung papasok ba, kanina ko pa tinatawagan hindi sumasagot baka tulog pa ang mokong.

Makalipas ang 10 minuto dumating na ang aming professor. Nagcheck muna ito ng attendance bago umpisahan ang kaniyang klase.

"Montavius, where is your partner in crime?" — tanong nito.

"Ahh ehh hindi ko po alam, baka may sakit po." — pagpapalusot ko.

"May sakit mo mukha mo" — dinig kong bulong ng babae sa harap ko.

Hindi ba talaga ako bibigyan ng kapayapaan ng babaeng 'to, lagi nalang pinapainit ulo ko. Hindi pa ba siya nakakamove-on sa nangyari sa coffee shop.

"Wag mo ako simulan babaeng epal, hindi ko talaga alam kung nasaan si Lukas." — biglang depensa ko.

"Am I talking to you? Shut up, old man." — she rolled her eyes.

The audacity of this girl, talaga yatang sinusubukan nito ang pasensya ko.

"Para sa kaalaman mo, kung ano man ang nangyari sa'yo sa coffee shop hindi ko 'yun kasalanan. Ikaw ang biglang lumapit sa lalaki at gumawa ng eksena." — may diin kong sabi sa kaniya.

"MONTAVIUS TYRONE MILLER! Are you having your own discussion over there? Get out!" — sigaw ni Ms. Nadia.

Nagising ang kaluluwa ko sa naging sigaw ni Ms. Nadia. Sinamaan ko ng tingin si Triz, habang malawak naman itong nakangiti na para bang nang-aasar pa. Binitbit ko ang bag ko at nagtungo sa may oval ng university upang makapagpahangin at mawala man lang ang inis ko.

Nakita ko si Lukas na nakaupo sa isang bench at sinisipa-sipa pa ang mga bato. May nakaaway ba ang mokong na 'to bakit parang galit.

"Hoy bakit hindi ka pumasok? Anong ginagawa mo dito." — tanong ko.

"Late ako ng gising brad ehh, nagmamadali na nga akong pumasok para umabot sa subject ni Ms. Nadia kaso naharang pa akong ng mayabang na 'yon." — reklamo nito sabay sipa sa bato sa harap niya.

"Sinong mayabang? May nakaaway ka ba?" — natatawang sabi ko.

"Naalala mo 'yong nag-announce tungkol sa Founding Anniversary, 'yong lalaking mayabang na kung makapagsalita akala mo kung sino. Sinita ako kanina, sa susunod daw na ma-late pa ako ng pasok at makita niyang pagala-gala sa university sa oras ng klase, bibitbitin niya raw ako papunta sa prefect of discipline." — naiinis na paliwanag nito.

"You mean the student council president? Nako Manuel mali ka pa yata ng nakaaway, kakaladkarin ka talaga ni Ace patungo sa prefect of discipline 'pag nagkataon." — natatawang sagot ko.

"Ace ang pangalan ng gagong 'yon? Saka Tyrone, 'wag mo ako matawag-tawag na Manuel mas lalong nakakainit ng ulo. Saka bakit ka narito? Oras ng klase ahh." — tanong nito.

"Napalabas lang naman ako dahil sa babaeng epal. Sinimulan ako ehh, dahil sa inis ko napalakas yata boses ko. Ayon nagalit si Ms. Nadia, napalabas ako ng wala sa oras." — reklamo ko.

"Mukhang nakaganti na si Triz sa'yo ahh." — sabi nito na hindi mapigilang tumawa.

"Ewan ko sayo Lukas, tapos sasabihin mo ako may atraso d'on. No way!"

"Ano na gagawin natin nito? Nasaan nga pala si Karlo? Sabi ng trainor sa shooting range, mabilis daw matuto si mokong." — banggit ni Lukas.

"Nasa klase niya, kasabay ko kanina pumasok may exam yata sila. Sabi ko naman sayo, malaki maitutulong ni Karlo. By the way, dahil wala naman tayo gagawin punta tayo sa coffee shop." — yaya ko kay Lukas.

"Ano gagawin d'on? Oww 'wag mo sabihin kakausapin mo na 'yong waiter? Seryoso ka talaga Monty?" — tanong niya.

"Daming tanong Lukas, sumama ka nalang at tulungan mo ako kumbinsihin siya." - hila ko kay Lukas.

Pumunta kami sa coffe shop upang subukang kausapin ang waiter na tumulong sa babaeng epal. Nakita ko siya sa may counter na naghahanda ng mga order ng mga customer.

"Nasa counter siya Lukas, tara samahan mo ako." — hinila ko ulit si Lukas papunta sa counter.

"Kapag tayo natamaan ng lumilipad na tray sinasabi ko talaga sayo Monty." — pag-aalala niya.

Pumunta kami sa harap ng counter, napansin ko ang nakalagay sa name plate niya.  "Jean" ang pangalan niya. Sinulyapan kami nito gamit ang napakaseryoso nitong mukha.

"Anong order niyo? Kilala ko kayo, kung gagawa lang kayo ng gulo ulit umalis na kayo." — sabi nito.

"Ahh No. Oorder kami, dalawang slice ng cheesecake." — sagot ko naman.

"Akala ko ba, kakausapin mo 'di mo naman sinabi gusto mo manginain." — bulong ni Lukas.

"Ang hina talaga ng kokote mong ugok ka. Humahanap ako ng tiyempo, saka baka hindi niya tayo kausapin kung hindi tayo oorder." —pabulong kong sagot kay Lukas.

Inilagay ni Jean ang order namin sa tray at inabot niya sa akin.

"Humanap na lang kayo ng bakanteng upuan diyan." — sabi nito at akmang tatalikod na.

"Sandali, pwede ka ba makausap?"— tanong ko ng may kaba.

Humarap ito sa akin at humalukipkip ang kamay sabay taas ng kilay.

"May kailangan ba tayo pag-usapan? Sa pagkakatanda ko minsan lang kita nakausap, at 'yon ay noong gumawa kayo ng eksena dito sa coffee shop." — mariing sabi nito.

"Okay about sa nangyari humihingi ako ng pasensya. Pero pwede bang pagbigyan mo kami kahit 5 minuto lang, may proposal lang ako na baka magustuhan mo." — sagot ko.

Tinitigan ako nito sa mata ng ilang minuto bago siya muling nagsalita.

"Ok, hintayin niyo ko sa labas." — sabi nito.

Hinila ko si Lukas palabas upang doon na lamang hintayin si Jean.

"Kailangan natin siya makumbinsi kahit anong mangyari Lukas." — sabi ko kay Lukas na nakasandal sa pader ngayon.

"Well, if sa tingin mo may maitutulong siya. Aye! Aye! Captain." — sabi nito ng nakangiti.

Lumabas si Jean mula sa coffe shop, wala na ang brown na apron na suot-suot nito
kanina. Nakasuot ito ng plain white shirt at faded jeans, habang hinahangin naman ang hanggang balikat nitong buhok. Lumapit ito sa amin, at naglabas ng isang stick ng sigarilyo na sinindihan naman nito gamit ang lighter na galing sa bulsa niya.

"Anong pag-uusapan natin?" — sabi nito sabay hithit ng sigarilyo.

"Matagal ka na ba dito? Saka nag-aaral ka pa ba?" — tanong ni Lukas sa kaniya.

"Tatlong taon na ako dito. Hindi na ako nag-aaral, tumigil ako kasi kailangan ko suportahan ang pamilya ko. Graduating na sana ako ngayon kung may pera para mag-aral. Akala ko ba may proposal kayo? Bakit tungkol na sa buhay ko mga tinatanong niyo?" — iritableng tanong nito sabay hithit ulit ng sigarilyo.

"Trabaho Jean. Isang trabaho ang offer ko sa'yo. Limang libo sa tuwing kakailanganin namin ang tulong mo." — seryosong sagot ko sa kanya.

Natawa naman ito at lumabas pa ang usok sa kanyang bibig.

"Mukhang may mapapala rin naman pala pakikipag-usap ko sa inyo. Saka paano mo pala nalaman pangalan ko?" — tanong nito.

"Sa nameplate mo kanina." — mabilis kong sagot.

"Ahh ok. Jean Monique Gonzales nga pala. Kayo, baka gusto niyo muna magpakilala?"

"Montavius Miller, at ang isang 'to ay si Lukas. Jean Monique, nice name but from now on you'll be Artemis."

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nito sabay tapon ng sigarilyo at tinapakan ito.

The Thirteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon