CHAPTER 11: A THREAT

0 0 0
                                    

Ginugulo ng mga nangyari kanina ang utak ko ngayon. Kung nahuli ko lang sana ang lalaking nakahoodie, baka alam niya kung nasaan ang taong pumatay sa tatay ko o baka siya mismo ang taong pumatay sa tatay ko. I almost got my revenge kung naging handa lang sana ako. Naglalakad ako ngayon patungo sa likod ng building ng college namin para makapagisip-isip. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ba ako sinusundan ng babaeng epal na 'to.

"Ano, late ka na nga nang dating hindi ka pa tutulong? Ang kapal din naman yata ng mukha mo." — dinig kong sabi nito habang nasa likuran ko at nakasunod sa akin.

"May mga nagbabantay naman na sa booth ano pang pinoproblema mo?" — singhal ko dito.

"So gan'on na lang 'yon? Kaya kayo nasasanay na walang ginagawa ehh. Kinukunsinti ang katamaran at mga palusot niyo." — sagot nito.

"Pwede ba 'wag ngayon, marami akong iniisip." — inis na sabi ko.

"Gan'on na ba karami para makalimutan mo na kayo ang naka-assigned sa booth ngayon? Ibang klase naman yata 'yan."

"PWEDE BANG BIGYAN MO AKO NG KATAHIMIKAN!" — biglang harap at sigaw ko sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, rinding-rindi na ako. Idagdag pa ang mga iniisip ko ngayon, at ang epekto ng ala-ala ng gabing 'yon. Nakita ko naman ang gulat sa kaniyang mukha at ang pag-atras ng kaliwa niyang paa.

Pabagsak akong umupo sa damuhan sa ilalim ng puno ng acacia.

"Where are your parents Triz?" — tanong ko habang nakatingin sa kawalan.

"A-ahmm nag-tatrabaho ang tatay ko sa isang kompanya at ang nanay ko ay nasa bahay. B-bakit?" — sagot nito ng may pagtataka.

"That's the reason kung bakit hindi mo ako maiintindihan. You still have them. Samantalang ako bukod sa butler ko, I have nothing. Kinuha na lahat." — nanggigilid na ang luha ko.

"I'm sorry. I didn't know." — nakayuko itong humingi ng pasensiya.

"It's really hard, you know. Ang mabuhay sa bangungot na patuloy kang hinahabol. Since that night my life became dark and miserable. Sa dinami-dami ng masasamang tao sa mundo, bakit ako ang kailangang parusahan? When an innocent child saw how his father was killed and the hardest part ay 'yong wala akong magawa kung hindi umiyak at tumakbo." — tumulo na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Naramdaman ko naman na umupo rin ito malapit sa akin. Napatingin ako sa kaniya at napansing nakatingin din ito sa kawalan.

"Minsan kasi hindi nakabase kung mabuti o masama kang tao. Sa mundong ginagalawan natin, kung sino ang may kapangyarihan at impluwensiya sila ang may kakayahang magdedesisyon kung mabubuhay ka o hindi. Sa mga katulad naming mga anak ng mang-gagawa kapag nawala ang taong kumikita ng pera hindi namin alam kung saan kami pupulutin." — sabi nito.

"Now I know kung bakit ang ilap mong tao. I didn't know you experienced such nightmare. Hindi ko sasabihan na ayos lang 'yan when it's clearly not. I just want you to know na valid ang galit mo, let it out. Basta 'wag mo hayaang sirain ka nito hanggang dulo." — dagdag nito bago tumayo at pinapagpag ang suot nitong faded jeans.

"Balik na ako sa booth. Sabihin ko na lang na may kailangan kang gawin. Bumalik ka nalang when you're ready." — lingon nito sa akin at ngumiti baka naglakad papalayo.

Tinatanaw ko lamang si Triz habang naglalakad palayo. I didn't know that this girl is capable of this kind of conversation. Kaya naman pala namin mag-usap ng hindi nagbabangayan.

Maybe you're right Triz, na kaya nilang diktahan kung mabubuhay o hindi ang isang tao. Ang pagkakamali nila, iniisip nila na walang kapalit ang kasamaan nila. I know that one day, the rage of the boy who lost his father will be the end of their evilness.

Bumalik na ako sa booth para tumulong sa mga kaklase ko. Nakita ko si Lukas na nakatayo sa harap ng booth, at mukhang may hinahanap. Nang makita ako nito, nakita ko ang pag-buntong hininga nito as a sign of relief. Anong problema ng lalaking ito?

"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap. Pumunta na sa college nila si Karlo."— bungad na tanong nito sa akin.

"Diyan lang, nagpahangin lang. Bakit ba? Parang alalang-alala ka naman?"— kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Nasabi sa akin ni Karlo, na sinubukan kayong barilin ng isang taong nakahoodie. Monty, nakita ko na rin ang taong 'yon, noong minsang nasa parking lot tayo. Now, it make sense kung bakit siya naroon ng araw na 'yon at nakatingin sa kotse niyo." — paliwanag nito.

Mas lalong kumunot ang ulo ko sa pagkalito at hinila ko si Lukas papunta sa gilid ng booth.

"What do you mean Lukas? At bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin 'to?" — may galit kong sabi sa kaniya.

"Hindi ko alam na ganito siya kabilis kumilos. Hindi ko sinabi sa'yo, dahil ayaw ko ng makadagdag pa ito sa iniisip mo. I want to do it with myself, ako nang bahalang tumuklas kung sino ang taong 'yon." — paliwanag nito.

"Lukas alam mo na kapag ganitong bagay, dapat sinasabi mo sa akin agad. Maaaring may kinalaman ang lalaking 'yon sa pagkamatay ng tatay ko. Pucha naman!" — singhal ko sa kaniya.

"I'm sorry captain. Hindi ko lang talaga alam na serious threat siya as of now." — depensa nito.

"Sa susunod na makita mo siya, tawagan mo ako agad o si Karlo. Hindi ko alam kung anong pakay ng taong iyon at kung bakit niya binaril ang sasakyan namin."

"Lukas there's something wrong with that person, kung balak niya kami saktan at patayin dapat kami ang binaril niya pero hindi, ang gulong lang ng sasakyan ang pinatamaan niya." — paliwanag ko kay Lukas.

"Do you think he's giving a sign? A threat?"
— tanong ni Lukas.

"Hindi ko alam Lukas. We should be careful starting today. If you notice something suspicious, beep me up. Hindi ko
pwedeng ipaubaya sa'yo ng mag-isa ang ganitong trabaho. Alam mong delikado ang mga taong ito." — banta ko kay Lukas.

Naalala ko na naman ang ngiti ng taong bumaril sa tatay ko. So evil

Bigla namang dumating si Triz na tumutulo pa ang pawis. Mukhang pagod na pagod ang babaeng ito sa pag-aasikaso ng booth. Ayaw man lang ba niya magpahinga?

"Nandiyan pala kayo. Just want to inform you na kailangan present kayo bukas. Darating daw ang mga shareholders ng university at ipapakilala sila ng school director in a short program at 9AM."

"Noted Triz. Pupunta kami." — nakangiting sagot naman ni Lukas.

Tumingin ito sa akin at nagtama naman ang aming mga mata at sa pagkakataong ito wala na akong makitang galit mula dito. Ngumiti ito sa amin bago magpaalam at tumakbo paalis. Naalala ko na naman ang naging pag-uusap namin kanina.

How can a girl be brave and impulsive yet so fragile and genuine? Far from my first impression of her, being weak and demure.

Interesting lady. Huh?

The Thirteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon