I: Lengyeeee. Ngiti Pa!

10 0 0
                                    

( Khione Cassandra's P.O.V. )

"Aiiisshh.."

"Oh? G'morning KC!"

"MM.."

"Anyare sayo?"

Kwinento ko sa kanya yung nangyari nga nang Sabado.. Di ko naman ineexpect yun eh! Huhuhu!

"And nanalo siya? >:)"

"Kasalanan kasi ni Tita eh."

"Pagkatapos nun?"

"Di na umimik si Eros. Hinatid niya ako sa labas ng bahay nila and he waited na maka-sakay ako."

"Awtsuuuu."

Tumawa-tawa lang si MM. Sakto namang dumating si Eros. Tumingin siya sakin and ngumiti. Umiwas lang ako. Spell AWKWARD. Umupo na siya sa pwesto niya which is unfortunately, BESIDE ME.

Dumating na rin ang mga classmate namin. Nagtataka sila siguro kung bakit di kami nagbabangayan. Haay. Ayoko siyang kausapin eeeh! Kainis na Glow Hockey yan! Nung mag-start naman ang classes, nanibago ang teachers sa katahimikan ko at ni Eros. Kapag tinatanong si MM, nag-kikibit balikat lang siya at tumitingin sakin at kay Eros tapos natatawa siya. =_= What a bespren..

"KC.. KC!'

Nakaramdam ako ng finger poking me. Seriously. Inaantok ako. Isa lang naman ang tumatawag sakin na KC.

"Mhia Millan. Inaantok ako."

"Recess na. Punta akong Cafeteria. Papabili ka?"

"Naaaah. I'm fine."

"Ok."

Dahil nagising na rin naman ako, inayos ko nalang ang buhok ko. Habang nagaayos ako ng buhok, may naglapag ng sandwich at juice sa desk ko. Pagtingin ko sa naglapag ng pagkain, si Eros.

"Kain, baka hindi na kita makita pag hindi."

Tumabi siya sakin at tinusok ang straw sa juice. Wow. Si Eros ba to?

"Ros--"

"Sabi ko, di ka makakapag-ayaw sa panliligaw ko, okay?"

Napa-tikom nalang ako ng bibig ko. Hala. Tinotohanan niya! He suddenly pinched my cheeks and handed me the sandwich he bought. Nagulat naman ako sa pag-pisil niya sa pisngi ko kung kaya't napatingin ako sa kanya. Tapos ngumiti siya. Lengyeeee. Ngiti pa!

"Bilis na. Baka pumayat ka eh."

"Heh!"

Kinain ko nalang yung binili niya at dumating naman si MM na kumakain ng Piattos. Nakita ko pang nagulat siyang may kinakain na ako tapos tumawa nalang siya. Kabaliwan niya talaga! Haaish!

Di ako makapagreklamo eh. ~_~ I just hope he doesn't do more.

Unexpectedly, I Fell For Him.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon