VII: I Want To Stay With You Longer.

2 0 0
                                    

( Khione Cassandra's P.O.V. )

"Kuya Darren, thank you po. Ate Zia, thank you din po."

"Anytime, Eros. Dalhin mo ulit sa susunod si Khione. She's a lovely lady."

"Thank you, Ate Zia. Ang ganda mo rin naman po."

Nag-hug naman sa akin si Yumi.

"Tita Khione, you'll be back. Won't you?"

"Of course I'll be back. For Yumi. I'll bring lots of Ice Cream for you."

"Pinky Swear?"

"Pinky Swear."

Umalis na kami ni EJ. Grabe. Parang ayoko iwan si Yumi. Huhu. Ankyut kasi. Pagkarating namin sa bahay nina EJ, labas palang alam na alam na namin na nasa loob na ang grupo.

"Eros! KC!" Salubong sa amin ni MM.

"Ang aga niyo ah? 1 palang diba?" Sabi ni EJ ng makita ang grupo.

"Eh.. Gusto naming maaga eh. May tinatago ata kayo eh." Sagot ni Claire ng may nakakalokong ngiti.

Nagtinginan naman kami ni EJ at sabay na sumigaw ng "WALA AH!"

"Eh anong ginawa mo sa bahay ng pinsan ni Eros, Khione? Hmm?" Tanong naman ni Jeff.

"Wala lang!"

"Wala lang ... Niwala ako? Doon ka raw kumain eh. And pinakilala ka?" Pahabol ni John.

"Anong masama sa dinala ko siya doon? Tsaka bakit may interrogation dito?" Naiirita nang sabi ni EJ.

Sabay sabay namang sumagot ang grupo ng "WALA!" at nag-unahang pumasok.

Tinapik ko naman ang balikat ni EJ dahil naiinis na siya.

"Haha. Cool lang, EJ. Smile okay?"

"Nung sinabi mo yun? Nawala yung bad vibes. I love you talaga, Khione."

Kinurot niya mga pisngi ko at tumakbo siya papasok ng bahay. Naiwan naman akong tulala sa labas.

"Oh? Bakit di ka pa puma-- KC! Your face is so red! Are you okay?"

"Huh? Ah. Oo. O-Okay lang ako."

"You sure?"

"Ah. Oo. Hehe."

Pumasok na kami at pinag-usapan ang pag-video. Mabilis lang at natapos na namin ang pag-video. Tinawag naman ako ni Tita para tumulong sa kanya sa pag-timpla ng juice pang-merienda. Nagluluto kasi siya ng Spaghetti.

"Khione dear, can you please give me some more sauce?"

"Nasaan po Tita?"

"Anjan ata sa taas."

Kinuha ko ang sauce mula sa cabinet at binigay kay Tita. Babalik na sana ako sa pag-pour ng juice glasses ng may nag-poke ng tagiliran ko at tumakip na kamay sa mga mata ko.

"Sino ba to?"

Narinig ko nalang ang pag-tawa ni Tita.

"MM? John? Claire? Jeff?" Bumitaw ang taong nasa likod ko at nakita ko si EJ.

"Hindi mo man lang minention pangalan ko."

"Sasabihin ko palang eh. Tampo agad."

"Ganun talaga. May nararamdaman ako para sayo eh."

Tinalikuran ko na siya dahil pakiramdam ko, namumula na naman ako. Ibinalik ko nalang ang atensyon sa pag-pour ng juice sa mga baso.

"Mauna na ko dun sa sala ha?"

Unexpectedly, I Fell For Him.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon