IV: Bilang Kaibigan, Okay?

4 0 0
                                    

( Khione Cassandra's P.O.V.)

Simula ng last week na nilagnat si Eros, ang last ko siyang nakita nung hinatid ko siya pauwi with MM. Wednesday na at absent pa rin siya. Ang sabi pa naman ni Ms. Music, since 4th Year na kami, she expects us to perform next week na. Di pa kami nakakapag-practice ni Eros.

"KC, anong kanta yung sa inyo?"

"Uhm.. Sabi niya, Everything Has Changed. Gusto ko sana HSM."

"Haha, de pag-usapan niyo kung High School Musical Troy and Gabriella or Taylor Swift and Ed Sheeran!"

"Paano nga eh absent siya? Kamusta na kaya yun?"

"Puntahan mo sa bahay nila. Duh?"

"Eh? Ano ako? Girlfriend?"

"Sinabi ko ba? Alang-alang sa grades! Hahahahaha!"

Pagkatapos, iniwan niya ako. =_= Again, I say. What a bespren. Pero totoong nag-aalala ako kay Eros. Bilang kaibigan. Okay?

"Excuse me. May I call for Ms. Garcia?"

"Yes, Ma'am?"

"I called Mrs. Nieves because I needed to give her a letter from the office about their scheduled meetings since PTA Officer siya. But unfortunately, Eros is sick and she can't come. Will you please give this to her later?"

Ma'am was handing out an envelope. GREAT.

"Okay, Ma'am."

"Thank you, Khione."

"Okay po."

Haay. Tadhana, tadhana. =_= Bakit ako ang iyong pinaglalaruan? Hinintay ko namang mag-dismissal at pumunta na ako sa bahay nina Eros. Nasabihan ko naman si Mommy, alam niyang napag-utusan ako. Tinawagan ko siya kanina, tinukso pa ako kay Eros. Haayakuu.

"Tita? Tita.."

"Khione! Haaaay salamat naman."

"Bakit po?"

"Akala ko di ikaw yung magdadala ng letter dito eh. Kaninang umaga ikaw agad hiniling ni EJ na makita eh."

Gusto ko sanang sabihin kay Tita na 'Gusto ko rin po siyang makita. Nakakamiss kakulitan niya eh.' Pero awkward. Pinapasok nalang ako ni Tita sa kwarto ni Eros at nakita naming tulog pa siya. Nilapitan ko siya at si Tita naman pumunta sa kusina. Ipaghahanda niya raw kami ng pagkain.

Inikot ikot ko ang tingin sa kwarto ni Eros. Nakita kong may pic siya kasama ng pamilya niya at may pic namang mag-isa lang siya. May pic din na magkasama sila ng mga friends niya at.. Teka! Paano niya nakuha to?! May pic kasi ng batang babaeng naka White dress at may pakpak ng Angel. And yes. Ako ang bata. ~_~

Lumapit ako kay Eros at tinapik-tapik ko ang pisngi niya.

"Eros.."

"Hmmm."

"Eros Jann Nieves!"

"Yes Ma'am!"

Tinignan ko naman siya at napatawa nalang ako sa reaksyon niya. Eksdi lang!

"Sandra naman eh!"

"Haha! Grabe Yabang! Kung navideohan ko lang sana yun! Laughtrip! XD

"Ang sama mo! Tignan natin kung mahabol mo ako."

Bigla niya namang kinuha ang bag ko at tumakbo palabas ng bahay. Hala! Uy! Hinabol ko siya para makuha ang bag ko.

"Ibalik mo nga yan!"

"Weeeh. Weak si Khione!"

"Eros!"

"Ahahaha! Habulin mo ko!"

"Eros Jann, baka mabinat ka niyan!"

"And you care for me? Yiieeee!"

"No, I don't!"

"You just did! Ahahaha!"

Nung maabutan ko siya, di ko naman maabot yung bag kasi inangat niya ang mga kamay niya. Kung bakit kasi maliit ako. Aish.

"Akin na!"

"Nah-uh. Tell me the truth first!"

"Anong truth?"

Bigla niyang nilagay sa likod ko ang bag sabay hawak sa mga kamay ko. Parang nakayakap na nga siya eh. Haruu, Lord! Help me! Yumuko naman siya dahilan upang mapalapit ang mga mukha namin.

"Tell me you missed me."

"Huh! I didn't."

Bigla namang naging malungkot ang expression niya. Pwedeng bawiin yung sinabi ko? Haay. Bumitaw na siya sakin at binigay ang bag ko.

"Okay lang. Mahal naman kita."

At tuloy-tuloy na siyang naglakad papasok ng bahay. Frozen na ata ako? Sumunod naman ako sa loob para makapagpaalam na lamang kay Tita. Pero bago pa ako makapagsalita..

"Khione Cassandra, dito ka maghahapunan."

"Titaaa--"

"Aangal pa. Mommy na itawag mo sakin. Okay, dinner tayo!"

"Mama, mga trip mo. Hayaan mo na si Khione."

Hala.. ;( Khione na tawag niya sakin.

"Okay. Pero dito siya maghahapunan. Tinawagan ko si Kyla kanina."

"Okay po."

Dahil tinawagan ni Tita si Mommy, kumain nalang ako. Habang kumakain, tinitignan ko si Eros. Nagtampo ata.

"Tita, thank you po sa dinner."

"Mommy nga diba. Basta, welcome ka dito. EJ, hatid mo na si Khione. Mag-ingat ha."

"Di na po. Okay lang."

Nagtatampo pa si Eros sakin eeeehh..

"Hindi pwede. Gabi na. Bilis na. Bye, Nak."

Tapos hinalikan naman ako ni Tita sa noo. Lumabas na kami ni Eros. Di pa rin siya umiimik. Haish.

"Eros, kailangan na natin magsimulang mag-practice. Next week performance na eh. High School Musical nalang, ha?"

"Ikaw bahala."

Ahaaaaay. Nakita ko namang nag-start ng motorcycle si Eros.

"Sakay na."

Di nalang ako nagsalita. Sumakay ako sa likod niya. Hinawakan niya naman ang mga kamay ko at nilagay sa bandang bewang niya.

"Kapit."

Habang nag-dadrive siya, tahimik lang kami. Pagdating sa bahay, magpapaalam na sana siya ng pinigilan ko siya.

"Eros."

"Hmm?"

"I missed you. I'm sorry kanina---"

"Sshhh. I missed you rin."

Pinisil niya ang mga daliri ko at umalis na. Pumasok ako ng bahay at nagbihis na. Pagtingin ko sa phone ko, may message.

* Message Received: Klasmeyt_Eros Jann *

Hey.. I'll see you tomorrow. Sweet dreams.

*******************************************

Ewan ko ba. Napangiti ako ng mabasa ang message niya. I replied then went to sleep with a smile on my face.

* To: Klasmeyt_Eros Jann *

See you tomorrow. G'night Eros. :)

***************************

Unexpectedly, I Fell For Him.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon