Nagising ako sa init ng araw na humahakik sa aking pisnge,hinawakan ko Ang pisnge ko at Doon ko na pag tanto na tumutuko din pala Ang laway ko.
Hinimay ko ang mga nangyare kagabi,bawat pangyayari ay sadya namang napakasaya nag dulot ng kiliti sa aking puso.Ang sandaling matawag ang aking pangalan sa Entablado ay sadyang isang malaking achievement para saakin.
Muli ko ulit naalala Yung sandaling nag text saakin si Adrian.Binati Niya ako ng congrats at malamang babatiin ko din siya ng congratulations dahil pareho Lang din kami nag tapos.Nag hintay ako kagabi ng ilang saglit umaasa na mag rereply siya pero dahil sa sobrang pagod at antok ay nakatulugan kona ang pag hihintay.
Sandali akong bumangon sa pag kakahiga,hinawi ko ang kurtina na naka sangga sa binta ng silid ko.Idinungaw ko ang aking uko at sandaling nilanghap Ang sariwang hangin.
Talaga namang amoy na amoy Kona Ang unang araw ng vacation.Kasabay Ng huni ng mga ibon,banayad na pag sipol Ng hangin,mga taong abala sa trabaho at syempre ang usok na galing sa bawat bahay na naghihikayat sa Tiyan ko na kumain na.
"Good morning munti Kong paraiso" dumungaw muki ako sa bintana at sumigaw Ng malakas dahilan para tumingin saakin ang mga kapit bahay namin.
"Maganda gising natin ngayun Deviana ah!" Puna saakin ni Aling Rosita
"Opo Naman po aling Rosita,unang araw po to Ng baksyon ko eh" kilala ako sa aaming baryo bilang bungisngis,napupuna Kasi nila na kahit saang anggulo naka bungisngis ako,minsan daw napag kakamalan nila akong baliw dahil para daw akong may kinakausap sa lupa habang nag lalakad.
Dahil nga kumukulo na ang tiyan ko sa amoy ng mga pagkain ng kapit bahay ay dumretsyo agad ako sa kusina"oh Aiza nasa bukid na agad sina Mama?" Tanong ko sa babae kong kapatid
"Opo manang,kanina pa Tinanghali kana ng Gising"
"Nasan si Bunso?"
"Kasama Nina Mama Manang.Eto daw yung ulam" tiningnan ko ang ulam,kahit kelan talaga Alam ni Mama ang paborito ko.Omelete at pinag luto pa Niya ako ng sinangag.
Umupo ako sa upuan,nag init ng mainit na tubig sa takure habang hinihintay ko na kumulo Ang tubig ay nag lagay ako ng Sinunog na bigas sa tasa at nilagyan ng kaunteng asukal.
"Manang Manang Yung ininit mong tubig kumukulo na Hoy Manang" Dinig na dinig ko Ang boses ni Aiza
"Hala Hala Yung tubig ko,nasaan na saan" hndi ko namalayan na nakaidlip pala ako sa lamesa habang nag hihintay kumulo Ang tubig
"Nag puyat kaba kagabi Manang?"
"Hindi ako nag puyat napuyat ako"
"Bakit kanga napuyat Manang?" Inalala ko Yung Text saakin ni Adrian kagabi,nag hintay ako ng irereply niya kaya h di ako nakatulog ng maaga kagabi
"Manang bakit ka na puyat"
"Wala hndi ko din Alam Kung bakit" pag sisinungaling ko
Lumamig na Ang sinangag na niluto ni Mama.Kaya bibilisan ko na ang pag Kain.Maging Sina Cyndi na wiwirduhan saakin bakit daw paborito ko Ang Omelette eh simpleng Itlog na pinirito Lang Naman daw Yun.Pero para saakin masarap talaga siya Parang kapag kinakain ko siya matagal kona Yung natikman Parang hnfi pa ako sinisilang nakakain na ako Ng Omelette Kaya sobrang especial saakin ang Ulam na to,halos na pupurga na ako kakakain ng Piniritong Itlog.
BINABASA MO ANG
HULING PAHIMAKAS
FantasyCan love be resumed even if the hearts are dead? Is it possible to love again the second time even if your personality is no longer yours? Is it possible to go back to the past even if the outcome is painful? That is the story of Teo and Lily's life...
