Handa ka bang balikan ang nakaraan para masagot ang gumugulong katanungan na laging sumasagi sa iyong isipan?
Halos hindi ako makatulog kagabi sa sobrang pag iisip.Hindi ko sukat akalain na ganun nalang sila mag welcome sa mga scholar na gaya ko,nag taka tuloy ako sa sinabi ni Cyndi na nag ra rally ang mga scholar at iba pa dahil sa pag taas ng Tuition.
Kinaumagahan ay maaga ako nagising,mahigit isang linggo na kami ni Cyndi sa Baguio pero Hindi parin sanay Ang katawan namin sa sobrang lamig ng Klima dito.Kaya lumabas ako Ng Kwarto na balot na balot ng Kumot sabay umopo muna sa sofa para Gisingin Ang aking diwa.Ilang beses ko sinampal ko ng Apat na beses Ang magkabila Kong Pisnge para magising at ng Ready na akonkumilos nag luto na ako Ng umagahan namin ni Cyndi.Gaya Ng mga nakaraan,tulog pa si Cyndi 7:30 pa Naman Ang pasok namin at ngayun ay 6:04 palang Kaya may oras pa siya para matulog.
Dahil sa lamig ng panahon pinili Kong mag luto Ng almusal na may sabaw dahil na miss ko Ang Bulalo,bulalo Ang niluto ko.Habang niluluto ko Ito Hindi ko tuloy maiwasan maalala si Mama Yung mga panahon na tag ulan sa bukid kukuha siya ng mga nalaglag na mais sa maisan tapos siya niyang ilalahok sa pag luluto Ng bulalo.Minsan dadayo pa siya sa Palengke para bumili ng Karne na siyang ilalagay Niya sa Bulalo.Natatagtag talaga ang lamig lalot kapag sinisipsio ko ang Bone marrow ng baka tapos kapag Hindi makuha ang laman gagamitin Ang pinaka dulo ng kutsara na siyang magsisilbing taga sungkit sa laman Ng buto.
Ng matapos na akong mag luto ay nauna na ako kay Cyndi maligo dahil Alam kong ako na Naman Ang gigising sa kaniya.Mahigit sampung minuto din Ang itinagal ko sa banyo dahil sa sobrang lamig ay nag buhos,nag sabon,Nag shampoo nalang ako.pumanhik na agad ako sa kwarto apra mag bihis naka mahabang bistida naka t-shirt na white then naka chaleko Ang suot ko habang naka jelly shoes.
Pinuntahan ko si Cyndi sa kwarto niya at ginising siya sabay pumunta na kami sa salas para kumain."Alam mo Freny akala ko talaga Hindi Tayo naka pasok sa University"
"Ahhhh ako Rin" inaantok na tugon Niya
"Woy! ano kaba Freny antok na antok kapa ah! Nag puyat ka nanaman ba sa panonood ng Lakorn?"
"As usual gusto ko matapos Yung pinanood ko eh" antok nanamang tugon Niya
"Hayss Ewan ko sayo mamaya magigising Diwa mo sa lamig ng tubig" tinapos na namin Ang pag Kain Ng bulalo at hinintay ko siya sa salas habang nag hahanda siya.
Inayos ko ang gamit ko sa school pinag kanya kanya,bikinis Kona Rin kahapon Ang bisikleta ko dahil Alam ko marami Ang mayaman SA University nayun.Habang umiinom ako Ng gatas bigla ako nasamid Ng marinig Ang malakas na pag sigaw ni Cyndi" naaaaaàaaaa Freny Freny Freny" bulalas Niya,at ako Naman tong agad na tumakbo papunta sa banyo
"Oh oh oh anong nangyare sayo Freny"
"Frenyyyy bakit hindi mo nilagyan Ng mainit natubig Ang tubig kooooo" naalala ko Plano ko nga pala na Hindi sadya lagyan ng mainit na tubig Ang tubig niya dahil para magising Ang Diwa niya.
"Sorry Freny, hahahahhahaha," malakas na Bulalas ko
"Bukas na bukas ipapaayos ko tong Shower para mag labas man Lang ng maligamgam na tubig"
"Ehhhhhhh! Tskkk Bala ka na Jan ano Gising na Ang Diwa mo" Hindi ko sadya mapigilan Ang pag tawag ko"hahahhaha akala ko pa naman Kung ano bang nangyari sayo bilisan mo na Jan excited nako sa school." Matapos Ang sandaling iyun ay Lumabas na ako Ng apartment para Doon mag antay.Makalioas Ang ilang minuto ay Lumabas na Rin si Cyndi sa apartmen"oh Ayan mukhang nagising kana Freny"
BINABASA MO ANG
HULING PAHIMAKAS
FantasyCan love be resumed even if the hearts are dead? Is it possible to love again the second time even if your personality is no longer yours? Is it possible to go back to the past even if the outcome is painful? That is the story of Teo and Lily's life...
