Ana POV
Gusto kong matawa sa mukha ni jake sa sinabi namin na hindi makakasama si jane samin.
Nang makadating kami sa bahay nila jane kinataka niya. Biglang bumukas yung van saka bumungad samin ang jane na ang sexy sa damit niya.
"Kyahhhh, namiss ko agad kayo, huhu" sigaw agad ni jane saka pumasok sa loob.
"Mag-iingat ka hija" sigaw ng katulong nila.
"Opo, yaya hehe" yun lang saka niya sinara yung pinto ng van. Sabay-sabay kaming napatingin sa mukha ni jake na hindi pa din makapaniwala na nandito si jane.
"HAHAHAHAHA" hindi na talaga namin napigilan na tumawa sa mukha ni jake na nakanganga na.
"What's funny?" Takang tanong ni jane na kinangisi namin.
"Akala niya hindi ka makakapunta so, kanina nakasimangot, ahem baka naman" natatawang sabi ni elle na kinatawa din namin.
"Anong ano naman?"
"Walang kiss?"
"W-wala, wala namang kami"
"Oo walang kayo! Pero may nararamdaman kayo sa isa't-isa! Tagal lang manligaw ni jake" namula agad yung mukha ni jane sa sinabi ni elle na kinatawa namin.
"Where's ana?" Takang sabi ni jane saka luminga-linga pero bago niya pa ako makita yumuko agad ako.
"Nauna na" rinig kong sabi ni elle dito.
"Ah eh? Sino nagsundo kay trace?"
"Ayun oh, yung driver malamang"
"Sayang naman may ibibigay pa sana ako kay ana"
"Talaga ano?"
"Secret mamaya na lang"
"Sige na"
"Gusto ko siya ang magbukas for sure magugustuhan niya"
"Daya hmp-----" naputol ni elle yung sasabihin niya ng mag-ring yung phone ko.
Anak ka ng!!
"Kanino yun? Ring tone ni ana yun ah" sigaw ni jane pero hindi ko siya pinansin. Tinignan ko yung phone ko ng si ate trisha yung tumatawag.
"Nandito na kami, asan na kayo?" Ni-loud speaker ko pa yung phone ko para marinig din nila.
"Malapit na kami!"
"Wait, bwiset ka ana nandiyan ka lang pala!" Sigaw ni jane saka ko siya natatawang tinignan.
"Peace, haha. Wait mo na lang kami sa loob" baling ko kay ate trisha.
"Oh, sige. Tumawag ba sayo si jenjen?"
"Ah? Hindi bakit?" Takang sabi ko saka tumingin kay elle na lumunok na pinag-kunutan ko ng noo.
"I'll tell you later"
"Ah oh, sige, bye" binaba ko yung tawag saka tumingin kay elle. "Tumawag sayo si jenjen?"
"A-ah, a-ano kasi--"
"Tell me" napalunok ulit siya saka tumango.
"O-oo, kanina lang"
"Oh, may problema ba?"
"Si ate trisha na lang tanungin mo dahil siya ang pinag-sabihan ni jenjen lahat" hindi na ako sumagot bagkus tinignan ko yung phone ko.
May problema talaga sila dahil hindi manlang nila sakin sinabi!
BINABASA MO ANG
The Cold Guy
Teen FictionWhat if you meet the man of your dreams? What if he wants someone else? What will heal you? Are you going to try again or just back off?