chapter 46: Acquaintance Party

564 16 0
                                    

Klea POV

Napahinto ako sa paglalakad ng may humawak sa braso ko. Pinunasan ko muna yung luha ko bago siya hinarap at gusto ko na namang maluha ng makita ko si taylor na nag-aalala.

"What's wrong?" Umiling agad ako sa sinabi niya saka ako tumingin sa kasuotan niya na kinataka ko dahil pang-mayaman yung suot niya.

"Pano ka nagkaroon ng ganiyang damit?"

"Binili ko malamang, haha"

"Tapatin mo nga ako! Sa baryo ka ba talaga nakatira?" Halatang natigilan siya sa sinabi ko saka siya tumingin sa malayo. "Taga baryo ka ba o hindi?"

"Hindi!"

"What? How?"

"Gaya niyo tumutulong lang din kami sa mga taga-baryo!"

"Kami?"

"Oo, kami nina Rico at danny. Tinulungan namin ang baryo nila harvey at Marlon"

"Bakit iba suot niyo nun?"

"Masama na ba mag-suot ng ganun?"

"Niloko niyo kami! Nagpanggap kayong taga-baryo!"

"Hindi namin kayo niloko dahil hindi niyo naman kami tinanong!"

"Tsk" singhal ko saka tumalikod. Gusto ko na namang umiyak dahil hindi ko kilala yung taong gusto ko. Akala ko taga-baryo siya yun pala hindi.

"Sorry, kung napaniwala namin kayong taga-baryo kami, nauna lang kasi kaming pumunta doon kaya hindi niyo nakita yung tunay na kami!"

"Kahit na! Niloko niyo pa din kami!"

"Sinabi ko---"

"Tama na!" Mangiyak-ngiyak kong sigaw. Hindi ko na talaga napigilang mapaluha. Muntik na akong mapahikbi buti na lang natakpan ko agad yung bunganga ko.

"Hey, okay ka lang ba?"

"Leave me alone!" Narinig ko siya napabuntong hininga. Nakahinga ako ng maayos kasi umalis na siya yun pala. Ganun na lang gulat ko ng hawakan niya ako sa kamay. Akala ko umalis na siya, hindi ko magawang humarap baka makita niya akong umiiyak.

"Umiiyak ka! What's wrong?"

"I said, leave me alone!"

"No! I'll never leave you" hindi ko na alam gagawin ko. Haharap ba ako sa kaniya o ano? Hindi ko namalayan yung sarili kong naglalakad na pala ako palayo sa kaniya. Huminto ako sa tapat ng room naming naka-sara. Napahawak ako sa doorknob saka muling lumuha.

Bakit siya pa yung naging gusto ko, mommy huhu. Mommy bakit lahat ng sinabi mo totoo? Mommy, ang sakit-sakit pala! Parang natatakot na tuloy akong lumapit sa mga tao ngayon, huhu.

"Bakit ikaw pa!" Inis na sigaw ko. Wala namang makakarinig sakin dito dahil nasa gym lahat sila.

"Anong bakit ikaw pa?" Halos hindi ako makagalaw ng marinig ko kung kaninong tinig yun.

Kanina niya pa ba ako sinusundan?

"Sinusundan mo ba ko?"

"Sinabi ko naman na sayo na hindi kita iiwan, diba?"

Pesteng pag-ibig na pala ito!

The Cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon