Chapter Five

216 38 1
                                    


"Papasok muna ako sa office. If aalis text or call me." si Kyst na kakalabas niya lang sa kwarto niya.

Hindi ako nag abalang tignan siya, nakakatutok lang ang mga mata ko sa t.v.

"Nakikinig kaba." may inis sa boses niya. Roon ko lang tignan.

"Yes. But I don't have your number." I said.

May kinuha siya sa bulsa niya, phone niya pala. Tumunog ang phone ko sabay kaming napatingin roon.

"Save my number. Call me." Utos niya bago lumabas sa condo niya.

Tulad ng sabi niya ay ginawa ko iyon sinave ko ang number niya at nagpatuloy lang manood sa netflix. Wala naman akong gagawin buong maghapon.

Buti nalang at pumasok ng trabaho si Miliano makakahinga ako ng buo rito sa bahay. Bawat sulok ay walang mabigat na hangin 'di tulad kapag nariyan siya.

Tumunog muli ang phone ko at nakitang si Richard ang tumatawag. Ang tagal na rin palang hindi ito nakakausap. Kaya agad kong sinagot ang tawag niya.

"Hey, Kalliste. Long time no talk ah, kamusta ka riyan? Kailan balik mo rito?" bungad ni Richard sa kabilang linya.

"I'm doing fine here. Bakit nga pala napatawag ka. Hindi 'bat madaling araw palang d'yan?"

"We're not in LA. Nasa China kami for fashion show, you should watch, we're live later." may saya sa tono niya.

"Okay, I'm going to watch it. Is Madame busy? Can I talk to her?"

"Hmp bakit naman siya ang gusto mong makausap?" Aniya sa kabilang linya.

"May sasabihin lang ako." Ani ko, I think this is the right time para sabihin sa kanila na mag reresign na ako. Hindi na rin naman ako makakabalik sa LA para makapag paalam sa kanila ng maayos.

"Okay. Madame! Si Kalliste hanap ka." Sigaw ni Richard sa kabilang linya kaya nailayo ko ang phone kong nakadikit sa tainga ko.

"Oh Kalliste, kamusta ka r'yan ipapasundo kana ba namin?" si Madame.

Napangiti ako. Gusto ko mang magpasundo sa inyo ay hindi na pwe-pwede.

"N-no Madame no need. A-no kasi."

"What? Anong ano kasi?"

"Hindi na ako babalik d'yan, Madame. I will send you my resignation letter via Gmail."

"What? What happened? Lumala ba ang kalagayan ng Daddy mo? It's okay if you'll leave muna for a month's basta magsasa--"

Pinutol ko siya sa pagsasalita.

"Hindi po. My Dad is doing fine, nakalabas na siya ng hospital and his resting now." I said.

"Oh ayos naman na pala eh. Bakit kailangan mo pang magresign?" Hindi ko maitatangging may inis sa tono niya.

"Haha. Maybe modeling is not for me, Madame."

"What the! What are you talking about!?"

"I will send you my resignation letter later. Ayaw na ni Daddy na umalis ako rito sa Pilipinas. Kailangan ko na rin matutunang patakbuhin ang negosyo namin. Kaya magre-resign na ako." Mahaba kong paliwanag sa kanya.

"Kalliste malaking sayang ito kapag tinalikuran mo."

"Alam ko.."

"And..You sure sa gusto mo?"

Hindi ko 'to gusto eh. Pero kailangan. Marahan akong tumango kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Yes, Madame thank you for everything."

Unveiled Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon