Chapter Six

212 37 1
                                    


Naalimpungatan ako, I checked my phone it's two – thirty five in the morning palang pala. Pinilit kong matulog pero kahit anong pikit ko gising na gising ang diwa ko. Lumabas muna ako sa kwarto para kumuha ng tubig sa kusina.

Tumambad sa'kin ang saradong pinto ni Kyst pagkabukas ko ng aking pinto, siguro ay tulog na tulog na iyon. Kaya tulad ng dapat kong gawin nagtungo ako sa kusina para kumuha ng tubig.

"Bakit gising ka pa?"

Muntik ko ng mahulog ang baso ng may nagsalita sa likod ko. May multo ba rito? Agad ko iyong nilingon hindi ko klarong makita si Kyst dahil sa madilim dito, ang tanging nagbibigay lang nang liwanag dito ay ang balcony sa may sala.

"Nauhaw lang." Sagot ko.

Lumapit siya sa'kin at binukasan ang ref, kumuha siya ng dalawang can beer.

"Sumunod ka sa akin." Aniya at naunang naglakad patalikod sa'kin. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko kung inaantok na ba ako, muka namang wala pang balak matulog ang katawan ko ay sinundan ko siya.

Ang couch na rating naka tapat sa malaking T.V. ngayon ay naka tapat sa may balcony ganun din ang center table niya. May nakapatong pang tatlong beer doon, na sa tingin ko ay mga wala ng laman.

"Join me, hindi yung nakatayo kalang dyan. Uminom kaba kahit beer lang?" tanong niya nang mapansaing nakatayo lang ako sa gilid ng couch.

"Uhm. Oo" inayos ko ang buhok ko bago umupo sa tabi niya. Umiinom naman ako ng beer mas madalas nga akong uminon ng beer kapag ka ako lang ang mag-isa sa apartment ko sa LA.

"How your life in Los Angeles" tanong niya sabay abot ng bukas na beer sa akin.

"It's good, mga pinoy rin ang mga katrabaho ko and also my manager." I looked at him and smiled.

"How about you wala kabang girlfriend. Bakit ayaw mo umurong sa kasal?" Tanong ko.

Uminom muna siya sa hawak niyang beer bago tumingin saakin. "I don't have girlfriend." He smirked at tumungin sa labas ng balcony.

Ibinalik ko ang mga tingin ko sa hawak kong can beer at lumagok. I looked at the silent city. Ang nagpapailaw sa siyudad at ang mga ilaw sa gusali at ilaw sa mga poste. Tumayo ako at lumapit sa railings I looked up in the sky napangiti ako. Ang gaganda nila.

Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang tahimik na lugar pati na rin ang malamig na hangin. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman it's so relaxing.

"Do you love nights?" He asked.

Dumilat ako at tumango, hinarap ko siya na ngayon,ay nasa tabi ko na at nakatingin sa mga bituin.

"Yes. It's peace and quit." muli akong tumingala.

"The stars that bloomed every night looking after them is like a heaven. Stress reliever ko sila." natawa ako nang bayagya sa sagot ko, tinignan ko siya.

Nakangiting nakatitig siya sa akin, kaya nailang ako. Umiwas ako ng tingin at tinutok nalang mga mata ko sa nag gagandahang ilaw dala ng malalaking gusali.

This is awkward bakit siya nakangiti r'yan anong nginingiti nya? Dapat na akong matulog mamaya kung ano pang masabi ko rito o baka may magawa na naman akong mali.

"Matutulog na 'ko." aambang aalis na ako ng higitin niya ako pabalik. Nasa likod ko siya nakayakap sa akin.

"Three minutes. Give me three minutes, Aelin."

Nanlaki ang mata ko nang tawagin niya ako sa pangalawa kong pangalan. Walang tumatawag sa akin ng ganun kaya hindi ako sanay.

Hinayaan kong ganito ang posisyon namin.

Unveiled Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon