Chapter Eight

213 40 2
                                    


"Ayos ka lang ba? kanina ka pa tahimik." Nabalik ako sa katinuan dahil sa tanong na 'yon ni Miliano. Kaya dahan-dahan nalang akong tumango, nandito kami ngayon sa SUV niya papunta sa beach resort nila Owen, tulad ng napag-usapan namin kanina na pagtapos ng meeting nila ay roon na kami tuloy sa loob ng isang linggo.

Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Abigail kanina habang kumakain kami ng pananghalian. Base sa mga kwento niya kanina ay sobrang lapit talaga nila ni Miliano sa isa't-isa hindi ko maiwasan na masaktan bawat kwento niya ay may hatid na saya sa kanya. Hindi ko alam bakit ko hinayaan ang sarili kong makinig sa mga kwento nya, alam ko naman na masasaktan ko ang sarili ko.

Mukang hindi siya kuntento sa sagot ko. He kept staring at me and he hold my hand napaiwas ako tingin at itinuon na lamang sa bintana ng sasakyan.

"What's wrong, Love?"

Napabaling ako sa kanya at dahang-dahang isinandal ang ulo ko sa balikat niya at dahan-dahan din ipinikit ang mga mata ko.

"Wala naman sumama lang yung pakiramdam ko itutulog ko nalang muna ito." Habang ganun ang posisyon namin ay dahan-dahan naman niyang hinihilot ang kamay ko. Hindi naman talaga ako inaantok gusto ko lang na ganito ang ayos namin.

"Who's Abigail?" tanong ko kahit na nakapikit pa rin ako.

"Huh... why are you jealous on her?"

"Just answer my question!"

"Don't be mad. She's just my friend. Okay."

"Ex-girlfriend?"

"No she's not, I never courted her." Sagot niya "Just a... childhood friend" dugtong niya pa.

"Hmm... Okay I trust you." Tanging sagot ko na alam at tuluyan na munang maidlip saglit.

Sinalubong kami ng mga staff ng resort nang makarating kami roon

"Good evening Ma'am and Sir, this way to your room." Lumapit sa amin ang babaeng staff at itinuro niya kung saan ang magiging kwarto namin.

"Enjoy staying Ma'am and Sir." Ani nito bago kami iwan.

Mabilis dumaan ang oras. Kinabukasan, suot ang mustard yellow crisscross floral ruffles mini dress with a crisscross ankle strap flat sandal ay sabay kaming lumabas ni Miliano ng silid para kumain kasama ang mga kaibigan niya. Nang madatnan namin sila roon ay nagtatawanan sila na ngunguna ang malakas na halakhak ni Owen. Nang mapansin kami ay napatigil sila.

"Good morning po Sir and Ma'am halina't kumain na tayo." Formal na sabi ni Owen. Muling natawa ang dalawang dalaga na sina Natalie at Desiree maliban kay Abigail. Hindi ko nalang sila pinansin at naupo nalang para makakain na nagugutom na rin naman ako.

Puro pagkaing dagat at prutas ang nakahain sa harap namin ngayon. At dahil mahilig ako sa hipon, sinigang na hipon agad ang una kong kinuha 'tska sinimulan na kumain. Kahit kumakain ay hindi na tigil ang bibig ni Owen ka kadaldalang daming baon na kwento kaya naging maingay ang agahan namin.

Wala namang masyadong tao ngayon dito sa resort, tanging mga turista lang na galing ibang bansa ang nandirito at may mangilan-ngilang couple na kumukuha ng litrato sa ganda ng tanawin.

"Punta tayo sa kabilang bayan, bili tayo ng mga souvenir doon. Ano ayos lang ba sa inyo? Si Owen.

"Good idea yan, Owen." Sang-ayon naman nila Desiree.

"Ikaw, Abigail ayos lang ba sayo or papa-iwan ka nalang dito?"

Inaantay namin ang sagot niya, bago pa siya nagsalita ay tumingin muna siya kay Miliano kaya napatingin din ako sa katabi ko pero busy lang siya sa pagkain niya, na parang hindi nakikinig sa pinag-usapang plano.

Unveiled Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon