Chapter 4

145 15 5
                                    

Chapter 4

"Sasamahan na lamang kita upang makabili ng ibang mga gamit mo."

"Lalabas tayo patungong bayan."  Saad niya at tumayo na.

"Ate, aalis na kami ni Aly. Ihahatid ko na lamang siya rito pagsapit ng dapit-hapon." Tumingin si Mama kay tita. Mga walo pa ng umaga kaya matagal-tagal pa kaming mag-sasama ni Mama. Siguro sasabihan ko na lamang siya pagdating namin sa aming paroroonan na mag mamasyal at magliwaliw muna kami bago umuwi.

"O, siya sige. Sulitin nyo na. Baka ma-miss ka ni Aly." Sabi niya habang tumatawa.

Lumabas na kami sa silid ni tita. Dumaan muli kami sa dinaanan namin kanina.

Pag tingin ko  muli sa mga estudyante ay ganoon pa rin sila. May sari-sariling mundo.

"Sa lugar na ito. May sarili tayong  pamilihan. Hindi maaaring pumasok ang mga outsider. Esklusibo lang para sa atin ito. Hindi alam ng mga tao ang lugar na ito. Kahit ang gobyerno ay walang ideya." Pag sasalaysay ni Mama.

Ibig sabihin kami lang ang nakaka alam nitong lugar. May ganitong lugar pala. Kung hindi lang ako nakapunta dito at hindi alam ang estado ko, iisipin ko na ilusyon ko lamang ito.

Pag dating namin sa bayan na tunutukoy ni Mama ay sadyang maaliwalas. Maganda ang sikat ng araw.  Sa halip na umuulan dahil sa pag pasok ng buwang augusto. Maaraw ito at maaliwalas.

Hindi katulad na normal na bayan. Dito ay masyadong mahinahon. Para bang bawal dito ang magugulo kundi ipapatapon ka. Siguro ang lahat ng tao dito ay may class.

Eligante din ang pananamit nila. Merong naka dress na hindi lalagpas sa tuhod. Merong naka jeans na katulad sa suot ko, meron ding may suot na mahahabang damit na aabot sa sa talampakan. Meron ding simple lamang ang damit.

May nakapulupot sa leeg nila na naglalakihang mga bato. Mahal siguro yon pag isinangla.

Ang mga babae ay nagpaparamihan ng mga eliganteng alahas. Ang mga lalaki naman ay pakinisan ng sapatos  at paputian ng mga magagarang damit.

Nilibot ko ang aking mga mata sa pamilihan na ito. Madaming nag titinda dito. Kadalasang nakikita ko ay mga damit. Mga alahas at palamuti.

May nakita akong mga armas. Mga nakahilerang dart. May mga espada pa. Mayroon ding mga libro na luma.

Huminto kami sa isang pamilihan ng mga damit.

"Mamili kana ng mga susuotin mo. Pang isang taon na sana. Hindi kasi kayo mamaaring lumabas at umuwi sa ordinaryong bahay. Maaari lamang pag pinayagan na kayo ng opisyal ng academy." Nagtataka ko siyang tinignan.

"Mamaya ko na lamang ipapaliwanag. Sa ngayon ay mamimili muna tayo." Tumango na lamang ako sa naging wika niya.

Nagsimula na lamang ako mamili ng aking damit. Kasalukuyan kong tinitignan ang isang pink ng dress na hindi lalagpas sa tuhod nang may nagsalita.

"Neng, bilhin mo na lamang yan. Nag iisa na lamang yan. Naubusan dahil sa ganda ng pagkakatahi at tela." Sinalat pa niya ang tela at pinahawak sa akin.

"Malapit na rin ang nakatakdang pag pasok ng nga estudyante sa academy. Magagamit mo yan pag may okasyon." Sabi niya at binitawanan ang  pagkakahawak sa tela.

"Ale, kailan po ba ang nakatakdang pag pasok sa academy. Mukhang malapit na rin dahil sa dami ng mga namimili dito." Sabi ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

May katandaan na rin siya. Siguro ay nasa pagitan siya ng kuwarenta hanggang sa singkwenta. Subalit kakakitaan mo pa rin siya ng kagandahan. Malinis ang pananamit niya at ang kaniyang mukha. Kaunti lamang ang makikita mong kulubot sa kaniyang mukha at katawan. Naka puti siyang damit at hanggang talampakan niya ito. Wala siyang gaanong alahas na suot.

Finn Academy: Where Magic Is AllowedWhere stories live. Discover now