Chapter 5
Nandito na kami sa tapat ng hapag. Maaaga akong ginising ni Ashley. Tuwang tuwa pa siya nang makita ang katamaran sa mukha ko.
Pagkalabas namin sa silid niya ay bumungad sa amin ang aming nanay. Magkatulong sila sa paghahanda ng aming agahan.
Lumapit kami sa kanila.
"Ma."
"Mom."
Sabay na tawag namin sa kanila. Tumingin kami sa isa't isa ni ashley at humagigik. Napatingin di sa amin sila Mama at tita. Napangiti sila sa nadatnan na senaryo.
Kasalukuyan kaming kumakain ng aming agahan ng biglang may kumatok.
"Ako na. Pag patuloy nyo na lamang yan." Saad ni tita habang pinupunasan ang kaniyang labi. Tumayo na siya at umalis na.
Meron kaming egg, nuggets at fried chicken na natira kahapon. Ang iba pang natira kahapon ay inubos ni Ashley
Kagabi ay akala ko makakatulog na ako ng tuloy tuloy. Yun pala ay gigisingin ako ni Ashley at yayayain na kumain.
Tuwang tuwang hinila niya ako palabas ng kuwarto at pumunta sa kusina. Kinuha nya ang mga natira at kinain namin habang nanunuod ng movie.
Kaya in the end ay puyat ako at hindi nakatulog ng maayos.
"Maligo na kayo at magbihis. Ipapasyal natin si Alyana sa buong academy upang maging pamilyar siya at hindi na maligaw pa."
Tuwang tuwang sumang-ayon ang aking pinsan sa mungkahi ni Mama.
"Don't worry auntie, ako ang bahala kay Alyana." Sabi niya at hinila ako patungong silid niya.
Naunang naligo si Ashley kaya nandito ako naka upo sa kaniyang silid. Inililibot ko ang aking paningin nang huminto ito sa isang larawan na nasa tabi ng kama. Katabi ito ng lamp.
Lumakad ako palapit doon. Hindi ko napansin ito kagabi, siguro dahil na rin sa sobrang antok at gusto ng matulog. Gabi na rin kaya siguro hindi ko nakita.
Hinawakan ko ito at tinignan.
Picture ito ng mga magkakaibigan.
Lima sila lahat. Dalawang babae at tatlong lalaki.
Isa lamang ang kilala ko sa kanila, si Ashley lang na nasa dulo, sa kaliwa ko. Malaki ang pagkakangiti niya. Halatang tuwang tuwa at goodvibes.
Mahaba pa ang buhok niya dito, haggang siko niya ito. Kulay lupa ang buhok niya na hanggang ngayon ay maganda pa dina ng pagkaka-ayos. Naalala ko dati pang ganiyan ang buhok niya.
Katabi naman niya ang lalaking mukhang suplado. Hindi ito nakangiti. Matangkad din ito, mas matangkad pa sya sa pinsan ko na hanggang balikat niya lamang. Itim na itim ang kulay ng kaniyang buhok. May kaguwapuhan din itong taglay.
Bagay sila ng pinsan ko, may itsura din ito dahil maganda ang aming lahi. Base sa mukha ng lalaki ay may hindi magandang nangyari sa kaniyang araw. Naka akbay siya sa pinsan ko. Kaya pala napakalaki ng ngiti ni Ashley at parang goodvibes ay dahil dito. Sunod na tinignan ko ang nasa kabilang dulo.
Lalaki ito na may malinis na gupit. Kulay brown naman ang kulay lupa naman ang kulay ng buhok niya. Matangkad siya ngunit mas matangkad ang lalaking katabi ng pinsan ko. Ang laki din ng pagkakangiti niya. Mukhang playboy ang dating subalit kakakitaan mo din siya ng pagkaseryso.
Kung wala lang katabi na seryoso ang pinsan ko, iisipin ko na bagay sila.
Nilipat ko ang aking paningin sa babaeng nasa kanan niya. Itim naman ang kaniyang buhok.
Matangkad ito, magkasing tangkad sila ng lalaking katabi niya. Nakahilig ang lalaki sa balikat ng babaeng ito. Tinignan ko ang mukha ng babae, mataray ito at mukhang maarte. Masasabi kong maganda siya. Ang buhok niya ay nasa bahagi ng kili-kili niya.
Napadako ang mata ko sa lalaking nasa gitna. Bigla akong pinagpawisan sa itsura niya. Sa tingin ko ay siya ang pinaka seryoso sa kanilang lahat, na para bang pag nagkamali ka ay paparusahan ka kaagad.
Mukha siyang prinsipe. Ang tindig niya ay may owtiridad. Dark grey ang kulay ng buhok niya. Hindi siya nakangiti, ang kulay ng mga mata niya ay purong itim. Naka tingin ito ng deretso sa camera. Napatingin ako sa kaniyang ilong, pointed ito. Ang buong mukha naman niya ay napaka kinis na para bang mahihiyang tumubo ang mga pimples sa mukha niya.
Lahat sila ay may magagandang mukha. Pinagpala sa panlabas na anyo. Ang swerte swerte naman nila.
"Baka natunaw yan. Sige ka wala ka ng titignan sa susunod." Napalingon ako sa aking pinsan.
Sa sobrang pagkakatulala ko ay hindi ko siya napansin.
Ngumiti siya nang pagkalaki at nginuso ang lalaking katabi niya sa larawan. "Iba na lang, wag lang siya, insan. Halata naman na labidabs ko yan. Hindi nga lang kami pareho ng nararamdaman." Saad niya may halong lungkot ito pero 'di kalaunan ay himagikgik din. Halatang kinikilig.
"Wag kang mag-alala hindi ako interesado sa mga yan." Saad ko at tumalikod na, kumuha na ako ng tuwalya para makaligo na.
"Kaya pala nakatingin sa lalaking nasa gitna." Saad niya na may halong pang-aasar.
Napatigil ako saglit. Uminit ang aking pisngi sa naging saad niya.
Pinag patuloy ko na lamang ang aking paglalakad. Tumawa lang siya ng mapang-asar at tinukso ako hanggang sa makapasok na 'ko sa banyo.
Tapos na akong maligo. Inaayusan na ako ni Ashley. Naka robang puti ako. Blino-blower niya ang aking buhok na aabot sa aking siko. Kulay itim ito.
Hindi ko nakuha ang kulay ng buhok ni Mama. Siguro ay namana ko ito sa aking Ama.
Sunod naman niya ang aking mukha. Nilagyan niya lamang ako ng light make up. Naka lip gloss lamang ako. Ganoon din ang ayos ng aking pinsan.
Simple pero eligante pa din, ganto ang look naming dalawa parehas kaming naka t-shirt at jeans.
Kulay yellow ang pang taas ko samantala, ang jeans ko naman ay kulay blue. Sa kaniya naman ay purple ang kulay ng t-shirt, kulay white naman ang kaniyang pantalon.
Inilugay ko na lamang ang aking buhok. At bumaba na kasama ang aming pinsan.
Nasa hagdan pa lamang kami ay nabungaran ko na si Mama kasama si tita. Naka uwi na pala siya. Akala ko ay mamaya pa. Naka white long dress si Mama. Samantala, si tita ay naka pormal attire. May pupuntahan ata mamaya.
Kasalukuyan kaming naglalakad.
Pasalit-salit sa pag sasalita si Mama at tita. Minsan naman ay si Ashley ang nag sasalita tulad ngayon."Eto ang gymnasium sa academy. Dito kami pag may events or pag may bisita."
Malaki ito at malawak. Malinis din ito.
"Eto naman ang ang building for sorcerer. Dito ang building nyo Aliyah." Pahayag ni tita. Napatingin ako kay Ashley ng humagigik siya ng biglaan na para bang may naalala at kinilig. Hinayaan ko na lamang siya at pinagpatuloy ang paglalakad.
Madami din ang mga sa tingin ko ay estudyante. Bukas na kasi ang simula ng klase kaya sa palagay ko ay namamahinga na sila at naghahanda.
Meron ditong lumilibot din katulad namin. Meron pa nga kaming nadadaanan na kinakausap si Mama at tita. Meron din namang si Ashley ang kinakausap.
Isang ngiti at 'hi' lamang ang tugon niya. Sa tingin ko ay sikat si Ashley sa lugar na ito. Madaming bumabati sa amin, or should i say kay Ashley. Halos dito ay mga lalaking sa hinuha ko ay may gusto sa kaniya.
Hindi nga lang makapag palipad hangin. Sikat naman si Ashley kaya siguro ay alam nila ang lalaking kinahuhumalingan nitong pinsan ko. Gusto ko siyang makita para malaman ko kung ano ang nagustuhan niya sa lalaking iyon kahit mukhang hindi ito interesado sa kaniya.
Sa tingin ko ay mas bagay pa sila ng lalaking isa na ka-vibes niya. Playboy ngalang ang dating. Bakit hindi nila bigyan ng try, baka yun talaga ang para sa kaniya.
Napahagikgik ako sa naiisip ko kaya napatingin sa akin si Ashley. Nagtataka niya akong tinignan. Wala siyang kaalam-alam sa iniisip ko. Gusto ko ring makita ang lalaking iyon.
YOU ARE READING
Finn Academy: Where Magic Is Allowed
FantasyA girl once lived peacefully with her mom. Suddenly, her mom transfer her to a new school. Out of a blue, she told her that she is not a ordinary girl. What happened to her when she's seven years old back then is true. They lived in a different worl...