Chapter 3
Natulala ako sa laki ng academy na sinasabi ni Mama. Ganito pala ito kaganda, akala ko isa lamang itong maliit na school. Hindi halata na isa itong paaralan, mas nagmumukha kasi itong palasyo sa taas.
"Aly, anak. Simula ngayon dito ka na mag aaral." Nilingon ko si Mama sa tabi ko at nginitian.
Nang makapasok na kami sa papasukan kong paaralan, nakita ko ang mga estudyanteng, mukhang walang pakialam sa iba. May sari-sarili silang mundo.
Ilan lamang ang napapalingon sa gawi namin at ang iba naman ay patuloy lamang sa kanilang ginagawa.
Merong nag lalakad habang may kausap, meron namang nag babasa na may dalang libro. Mukha talaga itong normal na academy.
Nag patuloy na lamang kami sa paglalakad habang ako ay patuloy na namamahangha sa ganda at laki nito.
Hindi ko namalayan na nandito na kami. Huminto kami sa isang silid na nagmumukhang opisina. Pumasok kami sa loob nito at may namataan akong babaeng nakaupo sa tapat ng magarang mesa.
"Allysa." Tawag ng babae kay Mama. Tumayo ito at lumapit sa amin.
Hindi na din siya nagulat sa pagdating namin na para bang alam niya na ito at sinabi sa kaniya ni Mama.
Naguguluhan kong tinignan si Mama na ngayon ay yakap na ang tumawag sa kaniya ng 'Allysa'.
"Ate." tawag ni Mama sa babae na ngayon ko lang napansin ang itsura.Magkamukhang magkamukha sila ni Mama. Sopistikada ang dating at mahahalata mo ang katarayan sa kaniyang mga mata. Nang mas pinokus ko ang aking mga mata ay parang naging pamilyar siya.
"Anak." Nilingon ako ni Mama na ngayon ay tapos ng yakapin ang babaeng kamukha niya.
"Ma, sino po siya?" Tanong ko sa kaniya. Pinalapit nya ako sa tabi nila.
"Aly, Si ate Alliyah, tita mo. Ate, si Alyana anak ko." Nginitian niya ako at hinila upang magyakap kami.
"Ang laki laki muna, huli kitang nakita noong pitong taon ka lamang." Naalala ko na siya yung babaeng laging bumibisita saamin na laging may dalang mamahaling bag.
Umupo kami sa isang upuan. Magkatapat kami ni Mama at nasa harap naming pareho ang tita ko.
"Ate, tama ka. Dapat simula pa lang dito ko na siya pinag-aral." Nilingon ko si Mama sa sinabi niya. Simula pa lang dito na niya ako pinag-aral? Ayos lang naman ako sa una kong pinasukang paaralan.
"Nasabi ko na sayo ito noong pitong taong gulang palamang siya. Noong may aksidenteng nangyari."
Napa isip tuloy ako kung ano ang sinasabi ni tita na aksidente. Naalala ko na. Ito yung kalaro ko ang aking pinsan. Ngayon ko lamang naalala si tita. Siya pala yung nanay na lagi kong kalarong pinsan.
Nasa bahay kami ni Mama nang biglang dumating yung pinsan ko kasama si tita. Naka dress silang pula. Terno pa sila dahil sa pagkaka alam ko noon siya pa lang ang anak ni tita na babae. Ganitong oras sila pumupunta kaya hindi na ko nagulat pa.
Tumingin sa akin si Ashley at ngumiti. Kitang kita ang mga bungi niyang ngipin.
Tumakbo sya patungo sa akin at bigla niya akong niyakap.
"A-al-yana. Laro tayo." Medyo putol putol niyang banggit pagdating sa pangalan ko.
Naglalaro ako kasama siya. Nang bigla na lang siyang pumalahaw ng iyak dahil natalo ko siya sa isang laro na 'bato bato pik.'
Nagtataka ko siyang tinignan. Lagi naman siyang natatalo pero ngayon lamang siya umiyak.
Habang tinitignan ko siya ay biglang may lumabas sa kaniyang mga kamay na puting bagay na matitigas at matatalim. Nagulat ako dahil sa bilis nag pangyayari.
Sa sobrang takot ko ay napapikit na lamang ako. Muntikan na akong matamaan nang may biglang humarang na puting bagay na nagsisilbing harang upang hindi ako matamaan.
Sa halip ay tumama ito sa ilang bahagi ng bahay na naging resulta ng pagkabasag ng mga bagay.
Dali-dali silang pumunta sa amin dahil na rin sa narinig na pagkabasag na nagmula sa kinaroroonan namin.
Pagdating nila ay natulala muna sila dahil na rin sa gulat. Natauhan lamang sila nang mas lumakas ang iyak ng aking pinsan.
Agad-agad na nagtungo sila sa amin. Binuhat ni tita ang aking pinsan at ako naman ay pinatayo ni mama at tinignan kung may galos bang natamo. Mahahalata mo kay Mama ang pagkabahala. Nagkaroon lamang ako ng kaunting sugat sa aking kamay na wari ay napaso ito.
Nag-usap sila habang nakatingin saamin. Nakaupo ako kasama ang pinsan ko na nakahiga sa aking kandungan habang kumakain ng candy.
Bati na rin kami at nag sorry sa isa't isa. Sinusuklay ko ang kaniya buhok upang mas makaramdam siya ng kaginhawaan.
Hindi ko marinig ang pag-uusap nila subalit mahahalata sa kanilang mukha na tila sumasang-ayon sila sa isa't isa.
Napabalik ako sa aking katinuan nang marinig ang pag-uusap nila sa aking tabi.
Nakatulala ako habang prinoproseso pa rin sa aking isipan ang nangyari sa nakaraan.
"Ate, iiwan ko sa pangangalaga mo ang aking anak, sana ay maprotektahan mo siya at maalagaan." Gulat akong napatingin kay Mama. Anong sinasabi niya, iiwan niya ako dito.
Nilingon ako ni Mama ng mapansin ang aking pagkabigla." Anak, iiwan kita dito dahil alam kong mas maproprotektahan ka nila at matuturuan ng tamang paggamit sa iyong kakayahan."
"Ma, anong pinagsasabi mo." tanong ko sa kaniya dahil na rin sa pagkabigla.
"Mag-aaral ka na dito, dahil dito ka nararapat." Ito ba ang sinasabi niya na ililipat niya ako kung saan ako nararapat.
"Tama ang iyong Mama, Ally. Nararapat ka dito, maaalagaan ka namin dito." Lumingon ako kay tita. Nakakunot ang aking nuo dala ng sobrang pagtataka.
"Ano po bang nangyayari?" Tanong ko sa kanila dahil sa kalituhan. Hindi ako mapanatag. Parang may mangyayaring hindi ko alam.
"Dito ka nararapat anak. Ang mga tulad nating may kakayahan ay nararapat dito. Tayong natatangi... " Gulat akong lumingon sa kaniya.
"Tayong natatangi sa ibang mortal. Tayo ay hindi normal na tao." Pagpapatuloy niya.
"M-ma." Yon lamang ang nasabi ko dahil sa pagkabigla.
"Tulad ka namin anak, ang mga nag-aaral dito ay hindi ordinaryo. Sila ay katulad mo rin, Naiiba ka sa ibang mga tao. Naiiba tayo sa ibang mga tao." Pagsasalaysay niya.
Gulat akong tumingin sa kaniyang mga mata.
"Ma, hindi ba sinasabi mo sa akin na kalimutan na ito, na hindi ito totoo. S-sabi mo sa akin na hindi yon nangyari.
"Pero kahit anong gawin ko ay nakatakda na ang lahat. Wala na tayong magagawa pa..."
"Tayo ay elimental sorcerer. Sa mundo natin ay may pangkat tayo. Mayroong wizard, witch, demon at elimental sorcerer.
"Lahat tayo ay may tungkulin. Nakasalalay sa atin ang kinabukasan. Maaari ang ating mga kakayahan ay magamit sa mali. Ang mga dark elemental ang ating malaking kalaban. Kailangan mong mag-ingat dito, pinapaalalahanan na kita."
"M-ma ano ba? Ayos lang tayo non eh. Simple lang pero bakit nagkaganito." Pagkaka-usap ko sa kaniya.
"Kahit anong gawin ko. Nakatakda na, anak eh." Nangungusap ang kaniyang mga mata.
"Kaya ngayon pa lang pinapaalalahanan na kita. Maaaring nasa paligid lang ang mga masasama. Mag-iingat ka." Pagpapaalala niya sa akin na wari ay naranasan niya ito.
YOU ARE READING
Finn Academy: Where Magic Is Allowed
FantasyA girl once lived peacefully with her mom. Suddenly, her mom transfer her to a new school. Out of a blue, she told her that she is not a ordinary girl. What happened to her when she's seven years old back then is true. They lived in a different worl...