Chapter 15
Mag isa akong papasok ngayong araw. Natapos na ang weekend, kailangan ulit namin pumasok.
Tulad ng dati ay hindi makasasabay sa akin si Ashley dahil kasama niya na yung mga elite.
Nagmamadali rin siya sa pag-alis mukhang may emergency na naman. Buti naabutan ko siya sa pag aayos niya. Sabay pa silang nag ayos ni Kleah. Maaaga din daw siya aalis dahil kailangan daw maaga sila. Sabay-sabay kaming kumain ng almusal. Pagkatapos naming kumain ay agad silang umalis.
Naligo na rin ako. Nagsimula akong mag ayos ng aking mga gamit. Ako na lamang mag isa kaya isinarado ko na ang dorm namin.
Nagsimula akong mag lakad mag isa. Kaunti lamang ang aking lalakarin dahil nandito na rin ang academy. Malamig pa ang simoy ng hangin dahil hindi pa sumisikat ang araw. Inayos ko ang kulay maroon kong jacket, mas hinila ko ito dahil sa lamig na naramdaman.
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Tumigil ang aking mga paa sa harap ng ng aming classroom. Pumasok ako sa loob. Sampu pa lamang kami, kulang pa ng anim. Labing anim kami sa klase. Ang iba ay nasa ibang room dahil alam na nila kung paano gagamitin ang kanilang kakayahan.
Umupo ako malapit sa dulo. Ako lamang ang nasa huli. Ang iba ay nasa gitna ang ilan ay nasa harap talaga.
Mas hinigpitan ko ang pagkakasuot sa jacket ko. Air conditioned ang room. Sana ay mas pinili ko ang black jacket na mas makapal.
Theater style ang room namin ngayon. Malaki ito para sa labing anim na estudyante dagdag ang isang guro. Unti unting sumikat ang araw kasabay nito ang pagdami namin.
Nagsimula ang klase namin ng makumpleto kami. Kadadating lang din ng aming guro. Si sir Dan.
"Goodmorning, class." He greeted
"Goodmorning, sir."
Ibinaba niya ang kaniyang gamit sa upuan. Pumunta siya sa harap ng mesa at doon sumandal.
"We don't have a class for today..."
Hindi pa natatapos sa pagsasalita si sir ng mag ingayan ang mga kaklase ko.
"Yes!"
"Hindi na tayo mapapagod pa."
"Wala tayong klase."
"Walang sakit ng katawan ang mangyayari."
Samut-saring ingay ang bumalot sa amin. Meron pang tumatalon at hanagis ang jacket na suot. Tumatayo pa ang iba. Napangiti pa ako sa reaksyon nila. Talagang nakakatuwa ang ganitong eksena. Hindi pa sana sila tatahimik kung hindi sila sinaway ni sir.
"Stop."
Agad na nagtahimikan ang aking mga kaklase. Nagsibalikan ang mga kaklase ko. Inayos rin nila ang kanilang sarili. Umayos kami ng upo. Pinustura ng isa't isa ang mga sarili.
"We can't conduct a traning as of now. But, i'll introduce some of weapon that commonly use in training or in a mission."
Napukaw ang intensyon ko sa pahayag ni sir. Mas maganda na ito kaysa wala kaming gawin. Mahaba haba din ang klase namin.
"Lahat kayo ay sana mag participate. All of you, umupo kayo sa harapan."
Agad-agad kaming sumunod sa gusto ni sir. Lahat kami ay gustong malaman kung ano-ano ang mga gamit ng weapon.
Hindi rin namin agad napansin ang mga dala ni sir. Pagka lapit namin ay nagsalita na agad si sir.
"Alam nyo na ang gamit ng dagger. Naituro ko na ito last time."
YOU ARE READING
Finn Academy: Where Magic Is Allowed
FantasyA girl once lived peacefully with her mom. Suddenly, her mom transfer her to a new school. Out of a blue, she told her that she is not a ordinary girl. What happened to her when she's seven years old back then is true. They lived in a different worl...