ANNE
5:00 am
Maaga akong gumising para maghanda ng almusal namin magkakapatid.. may lima akong kapatid si Jasmine 18 years old at second year college Bs. HRM ang course niya. si Jean 15 years old at 3rd year high school na siya. si erlie naman 14 years old 2nd year high school. ang panglima ko namang kapatid na si chezka 12 years old grade 7 at ang bunso kong kapatid na si janlyn 11 years old grade 6 na siya..
Ang dami kong kapatid no!!! kung nagtataka kayo kung nasan ang nanay namin at bakit ako ang naghahanda ng almusal ng mga kapatid ko dahil namatay na si mama 5 years ago kaya simula ng mamatay siya ako na ang tumayong magulang sa lima kong mga kapatid.. Namatay si mama dahil sa lungs cancer simula ng nagkacancer siya unti unti na ubos ang pera nami un din ang dahilan kung bakit ako tumigil sa pagaaral kaya hanggang 2nd year college lang ako..
Wag niyo nang tanungin ang tatay ko kung nasaan dahil hindi ko rin alam baka nasa Japan, america, Canada, London o kaya nasa Mindanao basta ewan ko kung nasan na siya ang huling kita ko sa kanya nung ipinanganak ni mama ang bunso kong kapatid...
Teka teka mamaya na ako makukwento masusunog na tong ilog na piniprito ko..
"good morning sa maganda ko ate" ang aga naman nagisin ng buson kong kapatid at nanguto pa..
"good morning baby girl ang aga mo naman nagising" sabi ko habang piniprito ang tatlong itlog
"eh.. nagugutom na ako ate" sabi niya sabay yakap sakin.. ang sweet talaga niya..
"sige malapit na tong maluto" tapos kiniss ko siya sa noo
Habang inaayos ko ang mga pinggan sa lamesa. Nagsibabaan na ang mga kapatid ko..
"good morning ate" bati nila sa akin ng sabay sabay..
"good morning girls! umupo na kayo para makakain na tayo at baka malate pa kayo" sabi ko sa kanila habang nagsasandok ng kanin.
"ate ung bill pala ng kuryente nasa ibabaw ng ref dumating kahapon.." paalala ni jas habang nagtitimpla ng kape
"ah sige babayaran ko mamaya tutal makikipagkita ako kay karylle mamaya dahil may raket daw kaming paguusapan" sabay kuha ko sa bill ng kuryente sa ibabaw ng ref..
"ate itlog nanaman ulam natin" reklamo ni jean habang tinitignan ang plato na may lamang pritong itlong..
"oo nga ate itlog ulit di ba yan din ang almusal natin kahapon pati ng sabado at linggo" dagdag pa ni erlie
"wala naman masama kung itlong ang lagi nating almusal ah.. ang aarte niyo kala niyo ba mayaman tayo" sabi ni chezka sabay subo ng kanin na may itlog..
"hoy!!! kayong dalawa wag kayong magreklamo sa almusal natin ah.. tama si chezka hindi tayo mayaman kaya wag kayong maarte kaya naman kayo nakakapagaral sa private school at kaya ako nakakapag patuloy ng college dahil yan kay tito bob kung hindi niya tayo pinagaaral nga nga tayong lahat okay kaya wag kayong dalawa feeling mayaman!!!.." pangangaral ni jas sa dalawa..
"sige tama na yan! baka bukas may raket ulit kami ni karylle hindi na itlog almusal natin hotdog at ham na.." sabi ko sa kanila
tahimik lang kaming kumakain habang tinitignan ko sila dahil naawa din naman ako sa mga kapatid ko alam ko nahihirapan din sila sa kalagayan namin buti na ngalang tinutulungan kami ni tito bob.. pinsan siya ni mama at wala naman siyang pamilya kaya pinagaaral niya ang mga kapatid ko. sa canada siya nagtatrabaho kaya malaki ang sahod niya...
dahil dun nakakapagaral sila sa private school at nakakapagpatuloy si jas sa college. gusto rin ni tito bob na ipagpatuloy ko ang college kaso 24 years old na ako at wala magtatrabaho saming magkakapatid kaya tinanggihan ko nalang..
natapos na kaming kumain at nagsiligo na sila dahil may pasok pa sila.. at si jasmine naman tinulungan ako maghugas ng mga pinagkainan namin dahil hapon pa ang pasok niya...
7:00 am
pumasok na ang mga kapatid ko pero lang kay jas dahil hapon pa nga ang pasok niya..
kaya iniwan ko na si jas sa sala dahil nanonood siya ng tv at naligo na ako dahil makikipag kita pa ako sa best friend ko na si Karylle "K" for short ..
BINABASA MO ANG
Play boy meets Good girl
FanfictionPagnameet ba ni playboy si goodgirl magbabago ba si play boy o magiging play boy nalang siya.. Abanga ang story nila play boy at ni good girl (VhongAnne story)