Best friend

271 7 0
                                    

10:00 am

Umalis na si anne sa bahay nila upang makipagkita sa best friend niya na si K ..

nagtungo siya sa sakayan ng jeep at dahil nga tanghali na ay mahaba na ang pila sa sakayan ng jeep ...

halos kalahating oras din siyang pumila at dahil dun pawis na pawis siya umupo sa jeep na halos magkapalit na sila ng muka ng mga pasahero sa sobrang siksikan..

"oh sampuan sampuan!!! kunting usog naman pwede pa isa" napailing nalang si anne sa sinisigaw ng driver ng jeep..

pagkatapos punuin ang jeep ng driver .. ay agad naman umalis na ang jeep

halos kalahating oras din ang binyahe upang makarating si anne sa pupuntahan niya...

11:10 am

makikipagkita siya kay K sa isang restaurant sa cubao .. nagtungo muna siya sa cr upang makapag ayos na kaunti dahil sa sobrang haggard niya na tignan dahil sa pakikipag siksikan sa jeep at sa sobrang sikat ng araw...

pagkatapos niya magayos agad naman siyang pumunta sa restaurant na pagkikitaan nila ni K...

pagpasok niya sa restaurant nakita na niya si K na naghihintay habang umiinom ng ice tea..

agad naman kumaway si k ng makita niya si anne ..

"hi best" bati ni K kay anne sabay beso..

"hello best" sabay upo naman ni anne..

"anu best order na tayo" tumango lang naman si anne..

habang hinihintay nila ang order napagusapan naman nila ang about sa raket na sinasabi ni K kay anne..

"best ung about sa bagong raket.. anung raket ba yun?"

tanong ni anne kay K..

"ah.. un ba kailangan kasi ni tita edith ang magbabantay sa bahay niya eh.. alam mo naman na maraming gamit si tita edith di ba kaya kainlangan niya ng may mag babantay pupunta kasi siya sa tagatay pero 3days lang naman siya dun kaya 3 days lang tayo magbabantay ng bahay.." sabi ni K habang nakasmile kay anne..

"eh.. paano ang mga kapatid ko 3 days ako mawawala sinu magaasikaso sa kanila at di ba maraming maid sila tita edith bat hindi nalang sila magbantay.." pagdadahilan ni anne kay K dahil wala naman talaga mag aasikaso sa mga kapatid niya.

"nandun naman si jas ah.. siya nalang magasikaso sa mga kapatid niyo at 3 days lang un! sayang ung 6k best magbabantay lang tayo ng bahay may libre pang foods at ung about sa mga maids niya kasama niya sa tagaytay kaya wala talagang magbabantay ng bahay niya.." sabi ni K habang tinatali ang buhok niya..

"tag 6k tayo best" masayang tanong ni Anne kay K..

"aba matende best!  hati tayo dun anu ka abuso na un libre na ngang foods tapos tag 6k pa tayo.." nagtawanan silang dalawa..

"anu payag ka na best" tanong ulit ni K kay anne..

"oh sige na nga sayang din ang pera .. di ba dalawa ang raket na paguusapan natin anu ung isa?" pagtatanong ni anne kay k..

"ung isang raket mamaya na un.."

"ha? anu bang raket yan bakit agad agad" pagtatakang tanong ni anne..

"kailangan kasi ng kakanta at maggigitara sa party ng kaibigan ng pinsan ko .. wala kasi silang makuhang kakanta at magigitara kaya tinawagan ako ng pinsan ko.. syempre ako ang kakanta ikaw ang magigitara alangan naman ikaw ang kakanta" sabay tawa ng malakas ni K dahilan un kaya napatingin sa table nila ang mga kumakain.. dahil sa hiya na pa peace sign nalang siya..

"ang ingay mo kasi! ang sama naman ng ugali mo best maganda naman boses ko ah.. " sabay irap ni anne kay K nag smile lang naman si K..

"joke lang naman best! anu deal ka sa raket mamaya?" tanong ni k na di parin makamove on sa tawa niya..

dahil nga nanghihinayang si anne sa pera pumayag na siya..

magaling maggitara si anne pero kumanta hindi.. yun ang madalas na raket nila mag best friend kumakata si k habang naggigitara si anne sa party o kaya sa bar.. minsan nag momodel din sila dahil nga maganda sila at sexy kaya kinukuha sila mag model..

paraket raket lang sila wala silang permanenteng trabaho dahil nga di sila nakapagtapos ng college.. si k din ang tumatayong magulang sa dalawa niyang  kapatid na lalaki dahil ang mga magulang nila ay namatay sa aksidente..

kaya kahit anung raket pinapasukan nilang dalawa basta legal go lang sila..

mag best friend sila simula ng high school kaya parang magkapatid na rin ang turingan nila sa isat isa.. dahil nga parehas silang tumatayong magulang sa mga kapatid nila.. silang dalawa nalang ang nagdadamayan at nagtutulungan sa kahit anung problema..


pag katapos nilang kumain at magchikahan ay umuwi muna sila para makapag bihis dahil 6:00 pm panaman ang party..


vote

Play boy meets Good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon