Hi sam!?

235 6 1
                                    

Anne

5:45

bago magsix pumunta na kaming bar napagkakantahan namin ni K dahil magaayos pa kami...

biglang tinawag si K ng pinsan niyang si Ian

"Karylle... nandyan napala kayo!" hinila kami ni Ian

"teka teka! kung makahila ka naman Ian.. matatanggal na braso namin ni anne eh.."

" ay sorry! kasi hinahanap kayo ng kaibigan ko!" sabay tanggal ni Ian ng kamay niya sa kamay namin ni k

"Sinung kaibigan ba yan at hinahanap kami?" tanong ni k kay Ian ..

"Ung may birthday! si jhong barkada ko.." sagot ni Ian

"ah! bakit kami hinahanap?" tanong ulit ni k kay ian.. habang ako natatawa lang sa paguusap ng mag pinsa, anak si Ian ni tita edith at siya rin ang nagbibigay ng raket sa amin.. mabait naman si Ian kahit mayaman hindi siya mayabang kaso play boy siya kaya di pa rin ako bilib sa kanya!

may isang lalaking lumapit sa amin habang naguusap ang magpinsan..

"pre! sila ba ung kakanta sa party ko.." ah siya siguro si jhong!

"oo pre! si K pinsan ko at si Anne girlfriend  ko(tinignan ko siya ng masama) este girl na friend ni K" nagtawanan pa ang mga loko.. lagi kasi akong niloloko ni Ian pero mabait naman siya sakin alam ko na nagbibiro lang siya kaya di ko nalang pinapansin..

"hello girls!" tapos nagsmile siya samin

pinasunod naman kami ni Ian para daw ipalam sa amin kung anu ang kakantahin ni k at igigitara kong songs ..

after 15 minutes nagsimula ng dumami ang mga tao, di mo ipagkakaila na mayaman si jhong dahil lahat ata ng mga bisita niya ay sosyal at magandang manamit.. ung tipong mamahalin ang mga suot at parang pagnadumihan mo eh mas mahal pa sa buhay mo.. iba talaga pag pang mayaman na party..

nagsimula na si k kumanta at habang kumakanta siya ay naggigitara ako..

pagkatapos ng tatlong kanta nagbreak muna kami ni K dahil may apat na kanta pa..

7k ang bayad sa amin, okay na din un .. buti di kuripot si jhong sabagay mayaman nga pala siya..

"K cr lang ako ah" nagpaalam ako kay k baka hanapin ako eh..

"ah sige sige.. hanapin ko lang si Ian" sagot naman niya sa akin sabay umalis na siya

nagtungo naman ako sa cr dahil ihing ihi na ako baka magkasakit pa ako sa bato.. hahaha

habang papunta ako sa cr ang dami kong nakikitang naglalandian, naghahalikan kulang nalang gawin nilang hotel tong bar eh.. haaaaay grabe naman tong mga mayayaman na to! di makatiis ...

aray!!! biglang may bumanggang lalaki sakin di naman mukang lasing pero nabangga ako wala rin naman hawak na cellphone...

"ay! I'm sorry miss" nagsmile siya sakin

"ah! okay lang basta sasusunod tumingin ka sa dinadaanan mo" sagot ko sa lalaki..

"paano ako titingin sa dinadaan ko eh nakakabulag ang ganda mo" aba loko to ah

. nakuha pangmagbanat di naman ako kinilig..

"sige sige na sir" aalis na sana ako bigla niya akong hinawakan sa braso..

"wait lang! anu name mo at no. mo?" tanong ng lalaki at may pasmile smile pa ang loko..

"sorry wala akong name at number .. bye" gusto ko nasanang umalis pero hawak pa rin ng lalaki ang braso ko..

ayaw bitiwan ng loko!!!

"please!  di kita bibitawan kung di mo sasabihin ang name mo pati number mo" muka ngang di ako bibitawan ng loko,  kaya kumuha ako ng papel sa bag ko at ballpen at sinulat ang pekeng name ko at pekeng number mukang play boy ang loko eh kaya peke ang isinulat ko..

pagkatapos ko isulat sa maliit na papel inabot ko na sa loko..

"hi 'SAM' ako nga pala si vhong " pag papakilala ng loko..

anu ba ang sinulat ko..

'Sam 092346......' hahaha ok ba? naging sam si anne ok, lang na di ko binigay ang real name ko at number.. panigurado lalandiin lang niya ako!

binitiwan niya ako sa pagkakahawak at sabay umalis na ako... tapos pumasok na ako sa cr!

pagkatapos ko magcr bumalik na ako sa stage at tinapos na namin ni K ang apat na kanta..

pagkatapos nun binigay na ni jhong ang TF namin tapos umuwi na kami K dahil maaga pa kami aalis dahil nga babantayan namin ang bahay ni tita edith..

after 1 hour  nakauwi na ako, masaya akong sinalubong ng mga kapatid ko, alam niyo kung bakit dahil may pasalubong ako hahaha..

"hi ateeeeeeee" sabay sabay nilang bati sakin may kasama pangkiss di ba ang sweet nila..

habang kumakain sila kwenento ko na rin ung about sa pagbabantay namin ni K sa bahay ni Tita edith, sinabi ko na 3 days akong mawawala at syempre binilinan ko na si jasmine dahil nga 3 days ako mawawala at binigay ko na rin ang pera para sa allowance nila ng 3 days


pagkatapos kong makipagkwentuhan sa mga kapatid ko at magligpit ng mga kalat nila hahaha...

umakyat na ako sa room ko para matulog dahil super napagod ako sa maghapon..

hihiga na sana ako ng biglang may nagtext..

from: 0922-------

hi sam aka anne hahaha

nagtataka ako kung sinu ang nagtext dahil ang alam ko ang sinabihan ko lang  ng 'sam' ang name ko ay ung lalaking makulit sa party ni jhong kanina at ang alam ko maling number ang binigay ko sa loko..

kaya tinext ko siya!

to: 0922-------

sinu ka?

fr: 0922------

vhong :)

to: vhong

paano mo nakuha no. ko?

fr: vhong

di ba nga binigay mo kanina hahaha ...

to: vhong

loko.. san mo nga nakuha? mali ung binigay kong no.

fr: vhong

hahaha alam ko! kaya nga tinanong ko kay jhong ang real name mo at ang number mo ;)

to: vhong

ah! okay .. wag ka na magtext good bye!

fr: vhong

sige good night babe :) hahaha love u babe <3

aba baliw tong lokong to ah! tinawag niya akong babe .. di ko na siya nireplyan dahil bukod sa inaantok na ako, ayaw ko rin makipagtext sa walang kuwentang tao..

pinikit ko na ang mata ko para makatulog na ako...

Vote

Play boy meets Good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon