Chapter 3

82 29 0
                                    

SANDRA'S POV

NAPABALIKWAS ako nang bangon nang maalala kung nakatulog pala ako kanina.

Asan ba ako? Bat nasa couch? Sino ang nagdala sa akin dito?,sunod sunod na tanong ko sa isip ko.

"Gising kana pala!" Napalingon ako sa baritonong boses na nasa likuran ko, Nakaupo  siya sa single sofa habang sumisimsim nang kape.

"Asan ako?" Tanong ko.

"Resto!" Walang buhay na sagot nito.

"Uuwi na ako." Sabi ko kaya tumayo to.

Hinawakan ako nito sa pulsuhan at walang sabi sabing hinila kung saan, Halos madapa na ako sa kakahila nito.

"Lucan bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko

Pero patuloy lang to sa paglalakad, parang wala itong naririnig kahit na anong pakiusap ko na bitawan ako.

"Lucan ano ba bitawan mo nga sabi ako." Galit na galit na humarap to sa halos manlisik ang mata nito sa galit, Halos mapangiwi ako sa sakit nang pagkakahawak nito sa pulsuhan ko.

"Let go of me, Lucan, nasasaktan ako." Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak dito.

"Nasasaktan ako lucan." Maluha luhang sabi ko tila napaso naman ito at binitawan ang pulsuhan ko, tumakbo ako palabas nang university, Nang makapara ako nang taxi agad agad akung sumakay.

Ganon ba siya sa akin kagalit?

Di kuna napigilan ang luhang kanina ko pang pinipigilan.

His Eyes at ang pagkakahawak niya nang mahigpit sa pulsuhan ko tanda niyon na talagang galit siya, I understand him! Umalis ako nang hindi man lang nagpapaliwanag sa kanya kaya ganun na lamang ang galit niya sa akin, I deserved that!.

IT'S saturday maya maya gaganapin na ang birthday party ni Tita agatha nasa balkonahe kami nina Sabrina.

Boring! Pa daw kasi sa party kaya napag desisyunan namin na dito muna tumambay.

" Why don't we bet later in the party?" Samantha suggest.

"Yeah! That's a good idea gawin nating exciting!" Tuwang tuwa na sabi ni Sabrina.

"Anong pustahan?" Tanong ko.

"And since you just came home from barcelona we will serve you  first at the bet." Sabi naman ni Lexxie.

"If you didn't do that pipili kami nang magiging date mo in one month" natatawang sabi ni Anicka.

"Ano deal?" Samantha asked.

"Okey game!" Sabi ko, nagapiran naman yung mga baliw.

"Okey!" sabi nito, tumayo si samantha at may kinuhang shopping paper bag.

"Ano yan?" Takang tanong ko.

Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko, nagsitawanan naman yung mga baliw.

"Oh my god! Two piece? Hell no! Pagagalitan ako ni kuya at daddy formal party yun." Umiiling na wika ko.

"Pumayag ka remember?" Natatawang wika ni samantha.

"Oh my god!" Kaya nagtawanan sila.

"Simple lang naman ang gagawin mo magtutwo piece ka at  kapag may lumapit sayo sasayawan mo!" Di pa nga naguumpisa pero kung maka tawa ang mga to wagas.

"Ano game?" Tanong ni Caryll.

"This is ecxiting!" Sabi ni Samantha

"Yeah right!" Lexxie agree.

CASSANOVA'S Series 2 [ DUKE LUCAN VILLIAFUENTE ] Where stories live. Discover now