"The Broken Pitcher "

85 4 0
                                    

August 7, 2020


Wala akong maggawa at wala rin akong kasama kaya napagpasyahan ko munang maglakad lakad sa labas .

Nakakita naman ako ng street foods kaya eto na naman ang sarili ko at hindi ko mapigilan na bumili  ng bumili . 

Hindi magkamaaog ang sarili ko sa pagbili at pagpili

Sino bang hindi magugutom pag nakita mo ang mga ito HAHAHAHA

Nang masatisfied na ako ay naglakad lakad ako sa parke

Maraming bata ang naglalaro , mga tindera ng balot , lobo at mga laruan .

Sari sari ang mga narito dahil sa napakaraming tao

Sa di kalayuan nakita ko ang isang museum .

Sa kahiligan ko rin sa arts ay pumasok na agad ako

Hindi ko rin alam kung bakit gustong gusto ko ang mga paintings o mga drawings .

Basta may kaugnayan sa literatura at sining

Libre lang naman ang pagpunta rito kaya mas natuwa ako

Masayang pinagmamasdan ko ang mga paintings , halatang matagal na ito at maganda talaga ang pagkakagawa

Mga halaman , tanawin o di kaya ay mga hayop .

Ngunit napatigil ako ng makita ang isang painting ng babae.

Bigla na lang kumabog ng malakas ang aking dibdib ...

Dahil ang babaeng iyon ay kamukhang kamukha ko

Dahil ang babaeng iyon ay kamukhang kamukha ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Halo halong emosyon na ang naramdaman ko

Pagkatakot , pagkabigla at may kaunting pagkatuwa

Hindi kaya ako iyan ng unang panahon? HAHAAHHAA

Napatawa na lang ako sa aking naiisip , imposible naman na magreincarnate ulit

May isang lalaki naman na siguro ay kasing edad ko din

"Hi ? Can you take me a picture ? "

Nag aalinlangan pa siya pero wala na siyang naggawa kundi kunin ang camera ko

"Here po " pumuwesto na ako sa tabi ng painting

Siya naman ay nabigla at nanginig ng makita ako at ang painting .

Pagtapos magclick ang camera ay mabilis na inilapag nya ito sa sahig at tumakbo .

Nakakagtaka naman kung bakit sobrang ganon siya natakot .

Ang weird .

Kinuha ko na lng ang camera ko at tiningnan ito

Ayan mabuti na lang at ayos lalo na at hindi malabo .

Nasa bahay na ako pero ang nasa isip ko parin ay nasa painting ng babaeng iyon .

Hindi ko alam pero parang ang lungkot kung pagmamasdan ang larawan na iyon .

Kahit gabi na ay dun parin umiikot ang isip ko hanggang sa makatulugan ko ito .

"Napakagaling mo naman pala talaga sa pagpinta ginoo"

"Maraming salamat binibini sa iyong pagpuri . Kung iyong pauunlakan maari ba kitang ipinta ? "

"Ohh , gusto ko yan ginoo. Ikinagagalak ko na ako ay iyong maging paksa "

"Kung ganon umupo ka lang doon at huwag lang ngumiti "

Ginawa ko na nga ang utos niya

Kahit pa nakakangawit ay pinigilan ko ang sarili apra sa maging maganda ang kinalabasan nito

Mabilis naman siyang magpinta kaya nakahinga ako ng maluwag .

At ng makita ko ang tapos na gawa niya ay talagang nakakamangha .

Kuhang kuha niya ang bawat detalye .

"Napakagaling mo talaga ginoo . "

"Napakaganda mo naman binibini "

Parehas kaming napatawa

Ngunit nawala rin ang mga ngiti ko ng may  masamang  balak na siyang gawin sa  akin .

Hinapit niya ang katawan ko papalapit sa kaniya .

At pilit na hinuhubad ang aking kasuotan .

Tinulak ko siya gamit ang lahat ng aking lakas at tumakbo ng mabilis

Wala na akong takas dahil nahablot niya ang aking sayang pagkahaba haba .

Sinabunutan niya ako at hinawakan ang aking mga kamay

Sumisigaw ako ng saklolo pero walang nakakarinig

Patuloy lang siya sa pagnanasa sa akin habang ako'y umiiyak at puno ng galit .

"Wala dapat makaalam nito , naiintindihan mo?!"

At sinuntok niya ako sa aking tagiliran .

Nanghihina na ang aking katawan bago pa ako mawalan ng malay ay kita ko ang ngiti niya habang ako ay pinagsasamantalahan .

Nang imulat ko ang aking mga mata .
Tumambad sakin ang isang lalaki at babaeng tuwang tuwa sa akin .

Ng tuluyan na akong magising sa isang panaginip , narealized ko na ako talaga ang babaeng nasa painting . Pinagsamantalahan at pinatay ng pintor .

Ung kumuha ng litrato sa akin sa museum? Ay ang dating pintor ng painting at ang pumatay sakin . Kaya pala ganoon siya katakot ng makita ako at ang painting .

At iyong nakita ko ang isang babae at isang lalaki

O

Ang mga magulang ko

Iyon ang panahon na muli akong isinilang

Bilang

Jeanelle  sa bagong henerasyon

Ctto of pic

Vote, comment and share !!

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon