"Together by a pencil , permanent by a pen "

140 10 0
                                    

April 15 , 2020

Andito kami ni Harvey sa harap ng dalampasigan , dito kase kami madalas tumambay mula pa noon . Dito kami nangako sa isa't isa at nagplano para sa aming hinaharap pero mukhang hindi na matutupad ang lahat ng iyon .. Sa isang iglap matatapos ang lahat .

"Ayvana please just give me one more chance ? " Pagmamakaawa niya sakin

"Hmm naalala mo ba noon lagi kitang tinatama sa mga mali mo... At natutuwa ako kase willing kang itama ko ang mga pagkakamali mo"

"Oo naman handa akong magbago kase mahal na mahal kita at ayong mawala ka , so please ? Isang pagkakataon pa "

"Natatandandaan mo rin ba na ganyan din ang sinabi mo noon ... Humingi ka ng isa pang chance dahil nahuli kitang may kahalikan na iba ? Samantalang ako iyong girlfriend mo hahaha"

"Alam ko mali ako , nadala lang ako noon . Pero pinigilan ko talaga ."

"Tinanggap kita noon at tinama ang pagkakamali mo . Eto pa hmm natatandaan mo ba yung panahon na itinanggi mo ako sa barkada mo at sinabing kaibigan mo lang ako...? Hahaha "

Tinitigan ko siya at hindi siya makatingin sakin .

"Sorry pero pinagsisihan ko naman iyon eh , masyado akong duwag para ipagsigawan na ikaw ang girlfriend ko"

"Ayos lang iyon naintindihan ko, syempre kailangan maganda , mayaman at sexy kapag pinakilala sa barkada diba ? Para naman hindi ka mapahiya . Kaya nga eto ako binago ko rin ang sarili ko sayo para maitama ang mali mo."

Wala  na siyang masabi kaya ako na lang ang magsasalita.

"Dito ... Dito sa tayong ito pinangako mo sakin na ako lang at wala ng iba pero b-bakit nagkaroon ng iba? " Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa damit ko para mapigilan ang iyak .

"Dito, dito mo din sinabi na ipaglalaban mo ako kahit kanino dahil walang makakahadlang satin ... Pero bakit nung pinagtabuyana ako ng pamilya mo ay hindi mo ako pinagtanggol? Hinayaan mo akong insultuhin nila ako .."

"Pero magulang ko sila love , hindi ko sila kayang kalabanin noon "

"Kaya nga ako parin ang nagtama sayo diba ?   Pinagtanggol ko ang sarili ko at ang pagmamahalan natin . Sa lahat ng pagkakamali mo narealize ko na ako lang pala ang lumalaban sa pagmamahalan natin .. "

I cant  . Hindi ko na nakayanan kaya hinayaan ko na lang tumulo ang mga luha ko na siyang sumisimbolo na mahina ako. Na kahit gaano ako kalakas para lumaban sa relasyong ito talo padin ako dahil wala na akong laban ...

"Promise avyana , this is the last time . Sa pagkakamali ko natuto ako . At thankful ako kase naging pambura ka sa buhay ko . Tinatama mo ang lahat ng mali ko at tinaggap ako ng buong buo . One more chance ? Pleasee nagmamakaawa ako"

"Ayoko na Harvey , wala na.. "

"Nabigyan mo nga ako noon ng maraming pagkakataon , ngayon pa ba? "

And i slap him .

" Oo binigyan kita ng maraming chance pero hindi naman habambuhay magpapakatanga ako sayo at paulit ulit kang papatawarin ! Tandaan mo ang tanga pag natauhan siguradong wala ka ng babalikan ! "

"Nagising ako at natuto na ko maging matapang . Isang pagkakataon pa please ? Sabay na tayong lalaban this time . "

"Oo naging pambura mo ako habang ikaw naman ang lapis . Kaya ko pang burahin lahat ng pagkakamali mo pero ngayong ballpen na ang ginamit mo . Hindi ko na kaya .. hindi ko na kayang itama . It made for permanent ."

"Nooo ! Pleaseee . Mahal mo pa ba ko? . Alam ko mahal mo pa ko ..." lumuhod na siya at mas lalong humahagulhol .

"Oo mahal pa kita , mahal na mahal . Pero hindi na pwede . Kagaya ng paggamit ng ballpen ay syang permanenteng katotohanan na magiging ama ka na at hindi ako ang ina ng magiging anak mo . Ayan ang katotohanang hindi ko na mabubura !"

"Papanagutan ko naman ang bata pero ikaw ang papakasalan ko .. "

"Ano yun? Kagaya lang na pinangako mo na ako ang bibigyan mo ng pamilya pero sa iba mo tinupad ? Ha!!! "

"Hindi ko kaya na mawala ka Avyana .. ayokoooo "

"Nakagawa ka ng mali ka'ya kaya mo panindigan ang kahihinatnan . Mahalin mo sila . Mahalin mo ang magiging pamilya mo . "

" Mahal natin ang isa't isa pero maging malaya na tayo.  Were just together by a pencil but permanent seperated  by a pen. "

Kindly vote , like and share ! 🥺💞

~Binibining Leziah 🥀🖤

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon