Pagdilat ng mata
Hinahatak sa kawalaan
Pagpikit ng mata
Hinahatak ng kawalaanPaghinga paloob
May nakahawak sa ulo
Paghinga palabas
Pinukpok hanggang duloLumulutang sa ere
Hindi na mawari
Nahuhulog pabilis
Paglapag nasa kalyeNaglalakad, nalulula
May nauulol: ang diwa
May kumakahol sa labas
Sa panaginip, nagpupumiglas