Nakakatakot maramdaman
ang hilaw na katotohanan
Parang sinulid na binuhol-buhol
pagkatapos ay kakalaginMay ginhawa sa sakit
na dinudulot ng demonyo
Lalatay sa balat,
Guguhit sa lalamunan moNaibaling na sa iba ang
pusong pinagtagpi't tinahi
ng nagsugat-sugat na kamay dahil
hindi maalam gumamit ng karayomHindi na nakawala't nakaalis sa
tagpuang nagsilbing hawla
Na binabalik-balikan
Ilang ulit man lumisanPagbilang ng tatlo
Nakalisan na ako
Isa, dalawa
Isa.