Tagu-taguan Maliwanag ang Buwan1

3 0 0
                                    

Ngayon tayo'y nagtataguan
at ako ang taya, ika'y hinahanap
Nasan ka na kaya?
Nasan ka na kaya?

Sa pagmulat hindi namalayang
ika'y nakauwi na; Naisip na umuwi
na rin ngunit saan? Sapagkat ikaw
na ang naging tahanan

Sana'y ikaw ang naiwang nagtatago
Kaysa ako ang natirang naghahanap
Naghahanap nang tahanang uuwian
Ngayong wala ka na
hindi alam kung saan

Kung saan ang daan
sa isang libo at siyam
Ikaw ang nagsilbing kubo
sa ilang daang
Gabi at araw, matamis at mapait,
Pagpikit at pagmulat,
pagpikit at pagmulat

Ng mga matang naghahanap, naghahanap
ng isang anghel sa lupa na
tila di na matanaw
Sapagkat bumalik na
siya sa kinaroroonan
Sa lugar na walang matatanaw na ikaw

BatisWhere stories live. Discover now