Sa kabila ng pangangailangan
ng hinahanap na pagmamahal
Ay kalakip ang itinatagong
Kalinga at pag-unawaKay tagal hinanap ng maglalakbay
ang diyamante na nasa karagatan
Sinisisid ang bawat dakong
makita upang
matutunang nasa maling
kabundukan lamangAng kaniyang pinakamamahal
Ang kaniyang hinahanap-hanap
Ang kumikinang na bato na bubuhay
muli sa kaniyang pusong naging batoAt kakabog iyon sa kasiyahan
sapagkat nahanap na rin ng bato
ang tanging mag-aalaga sa kaniya
Ang taong magpapahalaga sa kaniyaSapagkat sila'y ginawa ng langit
upang magmahala't mag-unawaan.
Muli tayong babalik sa
mundong ibabaw.
Matutuklasan kaya nila
ang isinulat ng langit?Kalauna'y malalaman ng
dalawa na perpekto sila,
kung matatagpuan
lamang ang isa't-isa