Sa paggising ng kalawakan ay
kurap ng langit ang nagparamdam
sa kaluluwang nangungulila
kahit alam niyang katabi naAng hinahanap, isinisigaw ng
damdamin, ng pusong bitin
sa kailangang aruga na
hindi kailanma'y maibibigaySa paglipas ng panahon,
lumiliyab ang apoy, sumisiklab,
lumalawak at di na maapula
dahil sa pag ulila;At sa sa pangungulila ngang iyo'y
Dumating ang sukdulan ng mga
Hindi gustong mangyari't maranasan
Ang natatanging kamatayan:Palaging kinukuha at
binibitawan ng liwanag
Binabato, pinupulot at
binabatong muli papalayoHanggang mawala na sa karagatan
ang batong nagsilbing pag-asa
ng nag-aasam na puso, nag-aasam
na maranasan kang muli