005
NAGPAPADYAK ako sa inis habang nakaupo sa isang upuan ng swingset.
Matapos ko kasing mabadtrip kanina sa bahay, dumiretso ako dito sa playground ng subdivision. Call it immature and all, pero mas lalong sumakit lang ang ulo ko nang asarin pa nila ako.
Honestly, I don't believe in fubus. Para sakin, hindi yon ang solusyon sa buhay. It's not an option for my kind of lifestyle. I'd rather be lonely forever and take care of my nieces and nephews than to have relationships that I couldn't take care of because I don't want any commitments.
I think na all people should be able to commit to relationships. Kasi yun tayo ginawa eh, to love someone at magbunga. I'm more of the settle down kind of girl.
Pero don't get me wrong, hindi ako oppose sa mga taong agree sa mga ganoong klaseng lifestyle. It's just my own morals, we all have different morals na pinaniniwalaan naman eh.
Ngayon ko lang napansin ang suot ko, I was still wearing the same dress I wore yesterday at the club. Mukha namang napunasan at natanggalan ako ng makeup ni Manang kagabi kaya hindi ako nanglalagkit.
Since I was a kid, we had Manang Elsa to babysit us everytime dahil madalas wala sina Mom due to their business. Malaki ang tiwala ko kay Manang at close kami. Same kay Kuya Will na halos buong pagkabata ko ay nandoon na din siya.
I'm so lucky to have them. They're families.
Medyo calm na ako kaya itinulak ko ang sarili ko gamit ang paa ko para gumalaw ang swing. I was all alone at wala pang mga bata kaya masarap magmuni-muni at magkunwaring nasa isang music video na madrama.
I heaved a sigh.
"Oh, malungkot ata tayo ngayon?" Napaigtad ako sa gulat nang biglang may magsalita. Tumingin ako sa gilid ko at nakitang si Engineer Elias pala iyon.
Nakalimutan kong nasa iisa lang pala kaming subdivision na tinitirhan!
"Engineer!" I bid na ikinanguso niya at umupo sa tabing swingset. May kasama siyang aso, it was that German Shepherd breed at puppy pa kaya ang cute noon.
Nilagay niya sa hita niya ang aso niya, "Akala ko ba nasa first name basis na tayo?"
I chuckled, "I forgot... Aki. Okay na?"
He smirked habang hinahaplos ang balahibo ng aso niya, "Better. Bakit ka nga ulit malungkot?"
I pursed my lips at mas nilakasan ang pagduyan sa sarili, "Hindi naman kaya. Chismoso ka eh,"
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero tumawa pa din siya. May binulong siya pero hindi ko maintindihan kaya hindi ko na lang tinanong kung ano yun.
BINABASA MO ANG
Reigning Over You
RomanceTheodore hated being the second best. Moreover, he despises the fact that he's always losing from a girl ever since elementary! Now that the girl he loathed appeared again right before him, he'll make sure he's the superior one. Theodore's never goi...