001
"CONGRATS, Reign! Ang galing galing mo talaga!" Nilingon ko agad si Ate na may hawak na maliit na bouquet ng bulaklak at inabot sakin.
Binatukan naman agad ako ni Kuya kaya sumimangot ako at sinigawan siya, "Bwisit ka!" Tumawa naman siya. Bonak talaga.
Kakatapos lang ng awarding ceremony ng RSPC at luckily nakapasok ulit ako. This is my last year kaya nakakatuwa kasi nakapasok pa ko, kala ko nga hindi na kasi ang gagaling ng mga kalaban ko tsaka ganda lang naman ang laban ko.
"Kuya, bakit ka ba nandito? Ba't di mo kasama babae mo?" Tanong ko nang humarap ako sa Kuya kong babaero. Madalas kasi wala siya sa mga okasyon dahil nga sa mga babae niya pero ngayon nakakagulat, nakakapang-wow.
"Pass muna ko don. Bagong buhay," Sagot niya na ikina-irap ko.
Hindi ko na sila masyadong nakausap pa nang biglang dumating ang adviser ng school paper namin at kinausap ako. She just congratulated me at nakipag-picture lang kami sa buong participants na ka-school mates ko.
Sinunod naman nila ang top five winner per category. Though nakakaawa lang talaga kasi top three lang naman ang magpoproceed sa Nationals. Bakit pa kailangan nilang isama yung fourth and fifth? Para saktan, ganern? Harsh naman nila.
By rankings ang ginawa nila, dahil first ako nandoon ako pinuwesto sa gilid, holding a medal and a certificate. May itinabi silang lalaki sa akin, he was tall kaya hanggang leeg niya lang ako. I always recognize him, he's also last year's second placer. His name was.. Theodore.
Matagal ko na siyang nakikita simula siguro first year pa ako, third year siya, at magkaparehas kami ng category na nilalabanan. Gusto ko nga sana siyang kaibiganin pero mukha siyang snob at masungit kaya wag na lang. Minsan nastalk ko na siya at famous sa sarili niyang school kaya isang malaking WOW na lang sakaniya kasi di ko din naman siya reach.
Pogi sana sungit lang tsaka di naman abot. Mamaya mabroken pa ko.
He's two years ahead of me at senior high na siya ngayon. It's my last year being a junior at last year ko na din as a journalist, unlike him na diniretso niya hanggang SHS.
After the picture taking, lumakad na ako paalis when a manly voice called me, "Top One."
Ako yon diba? Ako si Top One diba? O baka hindi nag-aassume lang ako?
Tumigil pa din ako sa paglalakad at dahan-dahang lumingon. Para di masyadong pansin mamaya mapahiya ako kasi di pala ko tinatawag.
Nang makalingon ako ng tuluyan, nakatayo doon si Poging Theodore na seryoso ang mukha at nakatingin sakin. Nanlaki ang mata ko at itinuro ang sarili ko. Naglakad siya palapit sakin.
Eto na ba yun? Diba pag naglalakad palapit sayo ang lalaki, meaning n'on aamin siya o di kaya hahalikan ka? Diyos mio, fourth year pa lang ako pero sige kung siya, papakiss ako pogi niya naman pwede na magpalahi.
BINABASA MO ANG
Reigning Over You
RomanceTheodore hated being the second best. Moreover, he despises the fact that he's always losing from a girl ever since elementary! Now that the girl he loathed appeared again right before him, he'll make sure he's the superior one. Theodore's never goi...