1: Panunukso

637 13 19
  • Dedicated kay Neil Camaligan
                                    

4 years ago...


"Ela!" Napamulat na lang ako dahil may nagyugyog sa aking balikat dahilan upang sumakit ang ulo ko nang kaunti. Nakita ko lang ang isang anino ng lalaki at namataang si Neil lang pala.

"Leche ka, Neil" sabi ko na lang sa kanya at mahinang pinalo siya sa braso.

Paano ba naman ang ganda na ng panaginip ko eh! Pero nagulat ako sa mga nakita ko dito sa classroom dahil kaming dalawa na lang pala ang natitira dito.

Inilapat pa niya ang kamay sa kanyang dibdib na parang siya pa ang may kasalanan, "At ako pa ang sasabihan mo niyan, Ela? Pasalamat ka na lang at ginising kita," sabi pa niya sa akin as he took my bag and I slowly stood up. Malapit na kasing matapos ang school year namin as grade 8 students, kaya wala na kaming gaanong kabigat na gawain sa amin since I already finished all my school works.


Mga bandang alas-kwatro y media ng hapon (4:30 pm) na rin kaming lumabas ng classroom. That guy? Is Joshua Neil Rodriguez, kaklase ko na yang mokong yan ever since when we were little. Madaming nagkakagusto dyan dahil pogi 'yan. Lumalaban rin yan sa iba't ibang klase ng contest sa amin- in other words, laman ng stage na siya.


"Nga pala, may sasabihin nga pala ako sayo..." panimula pa niya as I closed the classroom door. Pero ramdam ko naman ang pagkabilis ng tibok ng puso ko, syempre sino ba naman ang hinding kakabahan kung ganon ang sinabi sayo.


Kasi malay mo, negative agad ang sabihin sayo, di ba?


"Di ba... close kayo ni Lily?" Tanong niya sa akin. I nodded to him, ang tinutukoy niyang Lily ay ang kanyang nakakabatang pinsan na shiniship kaming dalawa, ewan ko lang din kung bakit ganon na lang yun kiligin kapag nakikita kaming dalawa na magkasama. "Ano kasi..."


"Potek naman, Neil. Sabihin mo na nga!" iritado kong sabi sa kanya, arte-arte eh!


Bumuga muna siya ng hangin bago magsalita muli, "Si Lily ay papunta na sa America..."


"So...?" Tanong ko sa kanya, nakita ko na ngayon sa kanyang singkit na mata ang lungkot nang sinabi na niya ang mismong dahilan, "And her family will be staying there... for good."


My lips were only parted para sumagot sa kanya, pero walang ni isang boses ang lumabas sa akin at tila bumagabag ito sa aking puso.


Tinuring na rin niya kasi si Lily na parang nakakabata niyang kapatid, since he has no sister. I took a deep breathe and managed to smile at him, "Wag ka nang malungkot... I'm sure magiging maayos naman ang buhay ni Lily doon." Sabi ko na lang sa kanya as I pat his shoulders, para naman gumaan ang kanyang loob.


"Hay ano ba yan! Ang drama ko masyado." Pagpapatawa pa niya sa akin.


I shook my head and said, "Baka gutom ka lang. Tara na nga!" Kaagad ko siya hinihigit at sabay na kaming lumakad papunta sa 7-11 na malapit lang sa aming school.


Thankfully, nilibre niya rin ako ng ice cream, kaya tipid din ako sa baon ko hehi #buraothacks

xoxo, Janella [revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon