4: Flustered

205 6 4
                                    

"Kamusta ka na diyan?"


Ngumiti ako kay Papa na ngayon lang nagka-oras para kausapin kami ngayon via Skype. Thank God, hindi bumagal ang internet namin ngayon dahil palaging ganon ang scenario sa amin eh.


"Ayun, I survived the whole school year!"


Nanliit naman ang mata ni Papa sa akin, dahilan para magtanong ako sa kanya ng, "Bakit? Totoo naman eh!"


Maya-maya'y ang panliliit ng kanyang mga mata ay unting-unti napalitan ng mapaglarong ngiti para mainis ako sa kanya. I knew it.


"Ano 'yung nababalitaan kong palaging napunta dyang lalaki, ha? Ikaw anak ha..." panloloko niya sa akin na kulang na lang ay mag-teleport na siya dito at saka tusukin ang aking tagiliran.


I immediately rolled my eyes dahil umiiral na naman ang pagka-atechona ko, pero imbes na tumigil na siya sa pang-aasar sa akin, tumawa naman lalo si Papa sa aking ginawa.


"Sana naman si Neil ang tinutukoy ni Mommy ano, Janella?" Dagdag pa niya. I groaned at him.


"Pa... alam mo namang best friend lang kami! So it's impossible for him to fall—"


"Eh, ano ngayon? Sabi ko lang naman bumibisita hindi nanliligaw! Nabibingi ka na ata, Ela!" Natatawang komento pa niya sa akin.


"Defensive mo ngayon ah!" Nakangisi pa niyang dagdag at umirap ako sa kanya.


"Pa naman!"


"What?! Sinabi ko lang naman eh!"



Umirap na naman ako bago ako tumingin sa bintana at dinamdam ang malamig na simoy ng hangin ngayong gabi, buti nga't hindi na ganong kainit ng panahon eh.


"Pero come to think of it, anak... sa mga kinekwento ni Mommy mo sa akin, nagiging dalaga ka na nga." Seryosong komento ni Papa sa akin, causes for me to look at the screen once again.


I let a sarcastic laugh, "Ano bang akala mo sa akin, Pa? Tomboy?"


"Eh paano ba naman, wala namang kinekwento ang mommy mo sa akin na may manliligaw na ba sayo o may napupusuan ka na!"


"Study first nga po, di ba? Saka boyish man akong gumalaw pero pusong babae pa naman ito, kahit isa itong pogi na na-trap sa pambabaeng katawan!" Sabi ko at napailing na lang si Papa sa akin kaya napatawa ako.


"Ayayay! Malala ka na nga, anak."


"Pero syempre, joke lang 'yun haha!" Binigyan naman ako ni Papa ngayon ng isang matalim na tingin that causes for me to be quiet.


Saglit akong napatahimik pero balak kong magtanong ngayon tungkol sa tinanong ko rin kay God noong bago ako matulog "Tanong ko lang po..."

xoxo, Janella [revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon