Back to the present day. . .
Pagkababang-pagkababa ko, doon ko nakita ang isang familiar na mukha na minsan ko nang minahal at naging kaibigan... si Neil.
I gave him a warm smile as a sign that I already forgive him. Dumirecho na ako sa platform para hintayin ang parents ko na pumunta sa akin para suotan ako ng aking medal na natanggap ko this school year. As soon as the other parents were arrived, tumingin muna akong saglit sa aisle ng aming gymnasium at mas lumaki ang ngiti ko nang nakita kong papunta na sina Mommy at Papa sa pwesto ko.
"Naks! Ang galing naman ni Janella, parang hindi umaabsent noon para pumasyal sa mall kasama ang tropa, ano?" Bungad agad ni Papa sa akin at nawala ang ngiti ko saka inirapan ko siya, ano ba naman yan? Graduation ko ngayon pero nanlalait pa sa akin!
"Ano ba naman 'yan. Panira ka ng moment, Pa!" Bulong ko saka tumawa naman siya, "Biro lang! Eto naman parang atechona ka na samantalang hindi naman ako maarte!" Sabi pa niya at tumawa na lang kaming dalawa, binigay ko na sa kanya ang medal ko at sinuotan na niya ako habang si Mommy naman ang siyang nagpicture sa aming dalawa.
"Pero seryoso, I'm so proud of you. Good luck to my future Nurse Janella Granja," sincere na sinabi ni Papa sa akin at pumunta naman si Mommy sa aming dalawa ni Papa.
After Papa's incident, naging okay naman ang lahat and ngayon sinusunod na ni Papa ang lahat ng bilin sa kanya ng doctor para maiwasan ang masyadong stress sa trabaho. And yes, my dad is still working in abroad dahil mataas kasi ang sweldo doon kesa dito pero wala namang hassle dito sa situation namin dahil planado na lahat ni Papa ang lahat.
I am even grateful dahil nakaabot talaga si Papa sa aking graduation at hanggang sa birthday ko ay naka-stay pa rin siya dito since 'yun naman ang nakalagay sa contract niya na 9 months ang stay niya dito sa Pilipinas.
Pagkatapos picturan kami ni Mommy, lumapit na siya sa aming dalawa ni Papa at napansin pa niya na parang maiiyak na ako kaya pasimpleng hinampas ni Mommy si Papa sa kanyang braso, "At ikaw naman Mahal, wag mo namang paiyakin ang anak natin sa araw mismo ng graduation niya!" Sabi pa niya at napatawa naman kami ni Papa, hanggang sa may pumunta na ngang official photographer ng aming school at kinunan kami ng family portrait.
As soon as the official photographer left us, tumingin ako sa mga ka-batch ko and they seemed to be awed by the scenario they have seen just now and napatingin ulit ako sa pwesto ni Neil, napansin naman nito ni Papa at saka nagsalita, "You know what? Ang tagal niyo ring hindi nagkausap ha."
Napatingin ako kay Papa, "Ha?" Tanong ko sa kanya at saka tinuktukan ako sa ulo, "Hakdog," nakangiting sagot niya lang at umirap ako sa kanya.
Maya-maya'y may nakita akong isang babae na naka-uniform at naka-suot na color red sash na may nakalagay na 'student usherette' na papunta na sa aming direksyon, "Ma, Pa... punta na po ako sa aming section. Maya na lang po ulit," sabi ko pa at tumango naman silang pareho, I gave them a kiss in their cheeks at dumirecho na ako sa aming section, habang sila naman ay in-assist na ng usherette.
Nang nakarating na ako sa aking upuan, hindi pa rin matanggal sa aking isipan na matatapos na talaga ako sa aking Senior High School student life ko. May mga nakikita ako dito na nagsisimula na ang iba kong kaklase na magselfie at hindi na iniintindi ang totoong nangyayari sa ginagawa namin ngayon.
"Hoy Janella!" Sabi ni Koleen para mapatingin ako sa unahan ko, "Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Sama ka sa selfie dali!" Masayang sabi niya sa akin at inayos ko na rin ang sarili ko para makapag-picture kasama sila. "Huy! Sali din naman ako sa frame hoy!" Sabi naman ni Nicole, ang kaklase ko pamula grade 11.
BINABASA MO ANG
xoxo, Janella [revamped]
Nouvelles"Lord, pwede po bang magbigay ka sakin ng sign kung magkaka-boyfriend po ako? Thank you po!" Some wishes will never be the same after Janella's dream revealed if she will have a boyfriend in the future. Will she accept the love of her bestfriend and...