"Ako 'to... si...." Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin nang bigla siyang ngumiti na lang sa akin saka ginulo ang buhok ko before he left the restaurant.
I run after him hanggang sa napadpad ako sa isang magulong kalsada, pero nang malapit na ako sa kinaroroonan niya ay kaagad naman itong nawala sa paningin ko.
Bwiset.
I groaned and I only pursed my lips. Naman eh! That's the perfect time to meet this guy! Si Lord, magpapakita na lang ng sign, pabitin pa! Hindi pa rin ako nagpatinag na hanapin ang lalaking 'yun dahil ayaw kong ipalagpas ito.
I continued to run hanggang sa napadpad ako sa isang mapunong lugar at bigla na lang akong nawalan ng malay.
* * *
Hanggang ngayon, nakatitig pa rin ako sa isang bowl na puno ng gatas at may lamang Koko Crunch, ewan ko lang kung bakit ang bigat pa rin sa pakiramdam ko yung sinabi niya sa akin kagabi.
Baka nga si Natoy 'yun na mahal na mahal ako.
Ano ba naman 'yan, Janella? Magjo-joke ka na nga, corny mo pa. Susmaria.
"Huy, Ela may problema ka ba?" Tanong ni Mommy sa akin habang inuubos niya ang Tapsilog na niluto niya, that causes for me to wake up on my thoughts.
"Wala naman po..." sagot ko, pero di siya nasatisfied sa sagot ko.
"Wag mo akong pagtaguan, Ela. Ganyang-ganyan ka kapag malalim ang iniisip mo," seryoso pa nitong paliwanag sa akin.
Napabugtong hininga ako, bago kumain muli ng aking breakfast. "Tamo, tingnan mo nga ang sarili mo! Katatapos lang ng school year mo, pero namamayat ka na! Bakasyon na, kaya kumain ka nang marami!" Sermon pa ni Mommy sa akin at napa-iling na lang ako sa sinabi niya. I mean, hindi naman ako ganong kapayat, like duh!
Takaw-takaw ko pa nga eh. Nakaka-dalawang cups of rice kaya ako sa isang araw, kaya paano naman ako papayat niyan, di ba? Besides, ang wallet ko ang palaging namamayat kapag may pasok, so ganon na nga.
"Ma naman!" Walang buhay kong sabi, "Ay isa pa, Janella Granja!"
Mataray niyang pagtawag sa aking pangalan at pinandilatan pa niya ako, "Sumunod ka na lang." Sabi niya. Wala naman akong choice kundi sumunod na lang sa kanya, dahil siya naman ang nag-aalaga sa akin eh.
Yung daddy ko kasi nasa Saudi, isa siyang engineer doon and every 6 months lang siya nauwi dito sa Pilipinas para magbakasyon kasama kami. Pero syempre, may mga pagkakataong nagkakaroon kami ng tampuhan dahil minsan, hindi siya nakakarating sa bahay sa araw mismo ng mga birthday namin or kung hindi, yung mga recognition days namin. But then again, intindi na lang namin siya, kaya okay lang sa akin.
Wala dito ngayon si Kuya Andrei dahil may klase pa siya hanggang ngayon, actually dapat nga hindi na siya kasama sa mga magsa-summer class eh, dahil mataas naman ang average niya, puro uno nga eh... kaso may isa kasi siyang core subject na binagsak niya sa kanyang course.
Kaya eto, pumapasok ang kumag ng 'magang-maga para hindi siya mapag-iwanan sa Dean's Lister. Tahimik ang naging umagahan namin ni Mommy at umuna na akong pumasok muna sa banyo para mag-ayos ng sarili.
Isang malakas na agos ng tubig ang nagsimulang umingay dito sa loob ng banyo at nagsimula na akong maghilamos para mahimasmasan ako ngayon. I was already in the middle of my skin care routine nang biglang may kumatok sa pinto ng banyo.
At dahil may sabon pa sa may mata ko, hindi ko magawang maimulat ang mga mata ko. "Ano po 'yun?" Tanong ko habang nakatungo pa rin.
"Ano ba naman 'yan, Janella. Ang kupad mong gumalaw!" Napatigil ako sa pagbanlaw ng aking mukha nang narealize ko kung sino ang umimik nun.
BINABASA MO ANG
xoxo, Janella [revamped]
Conto"Lord, pwede po bang magbigay ka sakin ng sign kung magkaka-boyfriend po ako? Thank you po!" Some wishes will never be the same after Janella's dream revealed if she will have a boyfriend in the future. Will she accept the love of her bestfriend and...