Chapter 2

18 9 3
                                    

Hurricane

"Bakit ka ba kasi pumayag?" inis na tanong sa akin ni Trisha. Nanatili akong walang imik. Maya maya'y naramdaman kong dumaloy nanaman ang mga luha sa aking pisngi.

"Aish! Para kang timang, Eury. Pumayag payag ka sa space space na 'yan tapos iiyak iyak ka ngayon? Nakakagigil ka ha." aniya at padabog na umupo sa aking kama.

"Oh, ano? Magmumukmok ka nalang diyan buong araw? Maawa ka naman sa mga mata mong namamaga na sa kaiiyak. Parang kinagat ng napakalaking ipis, ang panget mo na!" dagdag niya. Mas lalo akong naiyak dahil sa kaniyang tinuran.

"Totoo ba?" parang bata kong tanong at suminga sa panyong iniabot niya sa akin kanina.

"Syempre joke lang, pero yuckkk! Ang ganda mo pero kaderder ka. Dahan dahan naman at baka maisinga mo na pati 'yang utak mo, naku." Sinimangutan ko siya at inirapan.

Buwisit na 'to, imbis na pinapagaan ang loob ko'y mas pinili pang mang-asar.

"Oh, h'wag mo akong mairap-irapan diyan, baka tusukin ko 'yang mga mata mo." saad niya at tiningnan ako nang masama.

"Grabe ka naman." sagot ko at naiyak nanaman.

"Tama na nga 'yan. Ang mga lalaking katulad ng jowa mo ay hindi dapat iniiyakan. You're too sweet, too kind, too beautiful, and too innocent para sa kaniya noh. He's a jerk for treating you that way. If I were him, hindi na ako magpapatumpik tumpik pa, pakakasalan na kita kaagad at hindi na pakakawalan pa." seryoso at madiing aniya. Humiga siya at ngayo'y nakatingin na sa kisame.

"E hindi naman ikaw siya." saad ko ngunit inirapan lamang ako nito.

I breathed heavily and lay down beside her. Ilang minuto din ang lumipas bago ako tumigil sa pag-iyak. Pinakikinggan lang niya ako hanggang sa wakas ay kumalma na ako.

Tumagilid siya at humarap sa akin. She looked at me with a sad expression.

"To be honest, Eury. Matagal ko ng ramdam na may kung ano diyan kay Josh e." Tiningnan ko siya nang may pagtataka. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at saka muling ibinaling sa akin ang tingin.

"Remember the first time I introduced you to Josh?" tanong niya. Hindi pa ako nakakasagot nang magpatuloy na siya sa pagsasalita.

"Actually that time, kakakilala ko pa lang din sa kaniya. Kaibigan siya ng pinsan ko, noong una ko siyang makita, hindi na talaga maganda ang kutob ko sa lalaking 'yan. Parang mukha pa lang, naghuhumiyaw na sa katarantaduhan, something like that." Tiningan ko siya nang masama pero hindi niya ako pinansin.

"Grabe ka naman, Trish! Parang sinabi mo na din na panget si Josh, e ang guwapo guwapo nga nung tao." ani ko.

"Aish! That's not what I mean, bes. What I'm trying to say is parang may dala dala siyang masamang aura palagi, ganun. Kaya simula noon at hanggang ngayon, kumukulo talaga ang dugo ko 'pag nakikita ko siya. If it's not because of my cousin's request, hindi ko talaga kayo ipapakilala sa isa't-isa. Biruin mo, ang mala-anghel kong kaibigan, nahulog sa siraulong 'yon?" mahabang litanya niya.

Kamot ulo ko siyang tinitigan. May pa aura aura pang nalalaman 'tong kaibigan ko. Saan niya kaya nakuha 'yan?

"Pero balik tayo ha. Kung mahal ka talaga niya, hinding hindi niya ikakagalit na pag-usapan ang tungkol sa kasal nyo. Nandun na tayo sa pwedeng nappressure siya, pero hindi rin. Dapat nga mas matuwa siya dahil siya ang gusto mong makatuluyan. Nung una, okay pa sa akin e. Pero habang tumatagal, kahit hindi mo sabihin sa akin, Eury. Alam kong puro problema ang ibinibigay ng lalaking 'yan sa'yo." napaiwas ako ng tingin sa kaniya kaya't sarkastiko siyang tumawa sa akin.

"See? Baka may ibang babae 'yang jowa mo kaya nanghihingi ng space sa'yo? E kung ihampas ko kaya sa kaniya ang space sa keyboard ko?" Natawa ako at hinampas siya sa balikat. Nang dahil doon ay gumanti siya sa akin. Rinig na rinig ang ingay namin sa buong kuwarto.

Magkaibigan nga talaga kami.

Nang mapagod ay muli kaming napahiga sa aking kama.

Napaisip ako sa kaniyang sinabi. Kahit kailan ay hindi ko pinagdudahan si Josh. Siguro, yun ang problema sa akin. Ibinigay ko sa kaniya ang buong tiwala ko. Pero kahit ganun, hinding hindi ako magsisisi na pinagkatiwalaan ko siya. At kung totoo mang may iba kaya kami nagkaganito, siguro patunay lang 'yon na hindi siya karapat dapat sa pagmamahal ko.

"So...anong balak mo?" kuryosong tanong niya.

"Ha? Magtatrabaho pa rin syempre!" Alangan namang magmukmok ako dito araw-araw? Kailangan kong kumita para tustusan ang sarili ko. Nag-iisang anak lang ako, nang makatapos ng pag-aaral ay napagdesisyunang magtrabaho dito sa Makati. Secretary of Mr. Levis Wyatt at the same time ay kanang kamay. Mas magiging abala ako ngayon dahil magbabakasyon ang boss ko, kaya hindi ako pwedeng magmukmok lang dito.

"Wala ka man lang balak na magbakasyon? Papatayin mo ba ang sarili mo? Para kang si sir, e. Hindi naman siguro malulugi ang kompanya kung mawawala ka kahit saglit 'di ba?" nanlalaking matang saad niya.

"Magbabakasyon din si Sir. Kaya oo, malulugi ang kompanya kung mawawala din ako. Saka na ako uuwi sa Surigao pagkabalik ni Sir Levis." natatawang sagot ko.

"Ay oo nga pala. Sorry na agad, nakalimutan ko, epekto ng walang jowa."

"Anong connect?" kamot ulong tanong ko. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang babaeng 'to.

"Kailangan ba connected palagi? Hindi ba pwedeng gusto ko lang isingit na wala akong jowa at gusto kong magkaroon? Ha, ha? hindi ba pwede 'yon?" Napatakip ako sa aking tenga dahil sa pagsigaw niya.

"Ayaw mo ba kay Leon? Single 'yun." saad ko at tinaas baba ang aking kilay. Bigla siyang napaiwas ng tingin at natahimik.

"Ikaw ah, may hindi ka sinasabi sa akin. Akala ko ba walang sikre-sikreto?" kunwaring nagtatampong turan ko.

"S-si Leon? Haha! Panget panget nun. Mabuti kung kasing gwapo siya ni Sir, baka patulan ko pa siya." saad niya at pinaypayan ang sarili gamit ang kaniyang kamay.

Nginitian ko na lamang siya at mahigpit siyang niyakap. Kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko dahil nandito ang kaibigan ko.

---

Thanks for Reading!
_isinagtala


Hurricane (Red Lady Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon