Chapter 1

28 15 12
                                    

Hurricane

"Goodevening love." Josh said as he kissed my forehead.

I smiled and gesture him to seat beside me.

"Where's my chuckie?" tanong ko sa kaniya

"Seriously love? Hindi ba nasakit ang tiyan mo kakainom niyan?" tanong niya at iniabot sa akin ang dalawang chuckie na hawak niya kanina.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"How was your day, love?"

"Ayos lang. Kumpleto na dahil sa'yo." wika ko.

Ghad! I love this man so much, to the point na wala akong pake kahit ang cheesy na ng pinagsasasabi ko. But he loves it anyway.

He chuckled and pinch my both cheeks. Napasimangot naman ako dahil doon.

We're in the Red Lady Club right now. Nagpa-party kasi ang boss ko dahil balak daw niyang magbakasyon nang matagal.

"Hoy, tama na nga 'yan. Maawa naman kayo sa amin na mga walang jowa dito 'di ba?" saad ni Trisha.

Nagsitanguan naman ang iba kong katrabaho, samantalang ang iba naman ay papikit-pikit na dahil sa kalasingan. Napailing na lang ako at sumimsim sa chuckie na hawak ko.

"Oo nga. Ang swerte mo kay Eury, Josh. H'wag mo ng pakawalan 'yan." dagdag pa ni Leon sa seryosong tono.

Tinawanan ko ito at pinagsabihan.

"Hala, ang seryoso mo naman. Kaya ka tumatanda e." I said, teasing him.

He chuckled and answered back.

"Ikaw nga e, ang tanda mo na chuckie pa din ang iniinom mo." sagot niya sa pamang-asar na tono. Sinimangutan ko na lang siya at hindi na pinansin.

Hindi talaga papatalo 'to.

"Kailan niyo nga pala balak ikasal?" Napahigpit ang hawak ko sa Chuckie na wala na palang laman. Kawawang chuckie.

Napagawi ang tingin ko kay Josh na parang nawalan na ng gana at uminom sa beer na inorder niya.

Napabuntong hininga ako at ngumiti sa kaibigan ko.

"H-hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol diyan e. Marami pa kasing kailangan unahin." saad ko

"Aysus! Kung gusto talaga, maraming paraan." sagot nito habang nakatingin nang masama kay Josh.

Hinawakan ko ang kamay ni Josh para pakalmahin. Alam kong sa mga oras na ito'y nagpipigil na siya ng inis dahil sa tinuran ng kaibigan ko.

Hindi na talaga sila nagkasundo kahit kailan.

"Tigilan mo na nga 'yang magjowa. Uminom ka na lang d'yan."

--
Nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na dahil marami pa akong kailangang tapusin na reports mamaya.

Lakad takbo ang aking ginawa dahil nauna na si Josh sumakay sa kotse. Baka mamaya iwan niya ako, mahirap na.

"Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo." saad niya nang makasakay ako.

"I'm sorry, love. Hindi na mauulit, promise." sagot ko at akmang hahalikan siya ngunit pinaandar na niya ang kotse.

At dahil hindi pa ako nakapagseatbelt, ayun! Lumagapak ako sa harapan. Hala baka magasgasan 'to, lagot ako kay Josh!

"Ano ba Eury! Ang tanga mo talaga." naiinis na aniya at inihinto ang kotse. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at sinuot ko na kaagad ang seatbelt pagkatapos ay tumingin sa kaniya.

Hurricane (Red Lady Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon