Chapter 4

4 1 0
                                    

Hurricane

"Nakita niyo ba yung lalakeng bumuhat kay Eury kagabi? Shems ang pogi!"

"Oh Yes! Feeling ko nga nalaglag ang panty ko kagabi."

"Gaga, kadiri ka. Hindi pwedeng tumulo lang ang laway?"

"Shh, h'wag kayong maingay, baka magising natin si Rapunzel, hihi."

Kanina pa ako gising at pinakikinggan lang sila. Hindi ko maalalang may bumuhat sa akin kagabi, ang huling naaalala ko lang ay ang pag-ikot ng aking paligid.

Tama nga sila. Masarap ang alak, pero masakit sa ulo.

Kinusot ko ang aking mga mata at bumangon mula sa pagkakahiga. Sinamaan ko sila ng tingin dahil para silang tangang nakangiti sa akin.

Hinaplos ni Selena ang braso ko at akmang magsa-sign of the cross nang pinigilan siya ni Trisha.

"Gaga ka talaga." suway sa kaniya nito. Napasimangot naman si Selena at muling humarap sa akin.

"Para kang magnet." pagsingit ni Miles.

Taka ko siyang tiningnan ngunit hindi naman siya sumagot.

"Anong ginagawa ng dalawang 'to dito?" malakas na tanong ko kay Trisha, sinadyang iparinig kina Selena at Miles.

"Grabe ka! Ikaw lang ba ang may karapatang malasing kagabi ha?" sabat nanaman ng dalawa ngunit hindi ko na sila pinansin, bagkus ay tumayo na ako at dumiretso sa banyo upang maghilamos.

"Hoy, marami ka pang ikukuwento sa amin!" rinig ko pang saad nila. Wala naman akong maikukuwento sa kanila bukod sa ilang beses kong pagkakabunggo sa pader at mga tao.

"Even when you're wasted."

"Ay shete!" tili ko at napahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang gulat.

Nilingon ko ang tatlo at nakita ang mga mukha nilang nagpipigil ng tawa. Sinimangutan ko sila at ni-lock ang pinto ng cr.

Pagkatapos maghilamos ay nakita kong naghahanda na sila ng almusal. Napangiti ako dahil may alam pala sila sa pagluluto, buong akala ko'y puro pag-iinom lang ang alam nilang atupagin.

"Kain na tayo, Eury." pagyaya ni Selena kaya lumapit na ako sa kanila at nakisalo.

"Tsaka oo nga pala, sabi ni Josh sagutin mo daw ang tawag niya." kibit balikat na saad nito.

"Bakit? Anong meron?" kuryosong tanong ni Miles sa akin.

"Ehem. Wala, nagpapamiss lang ang bestfriend ko." si Trisha na ang sumagot sa kaniya dahil alam niyang baka maging emosyonal nanaman ako kung sakali.

"Ay pak! Bet ko 'yan." saad ni Selena habang sunod sunod niyang nilalantakan ang pagkain.

"Tsk. Baka nagsawa na si Josh sa'yo kaya humanap na ng iba." biglang singit ni Miles kaya sabay sabay kaming napalingon sa kaniya.

"What?" mataray na tanong niya at inirapan ako. Napaamang si Selena at nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin ni Miles.

"Ang boring mo kasi minsan." dagdag nito ngunit wala na sa akin ang kaniyang paningin.

Nginitian ko lang sila at kumain na. Maya maya ay nag-ring ang cellphone ni Miles. Awtomatikong nahagip ng aking mga mata kung sino ang tumatawag at dahil doon ay mabilis niya itong dinampot at dali-daling nagpaalam sa amin.

Namayani ang katahimikan, ramdam ko ang pangingilid ng luha sa sulok ng aking mga mata. Ngunit sa unang pagkakataon ay hindi ko hinayaang tumulo ang mga ito, kinalma ko ang aking sarili at uminom ng tubig.

"Pag-uusapan natin 'tong tatlo mamaya." saad ni Trisha. Bumuntong hininga na lang ako at ngumiti kay Selena. Nakatingin ito sa akin ng may pag-aalala.

"I'm going to talk to Miles later." aniya at napailing. Marahil ay nakita din nila ang nakita ko kanina.

"No need. Baka naman may pag-uusapan lang sila ni Josh." turan ko ngunit sabay nila akong tiningnan nang masama. Natatatawa ko silang tiningnan at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Food is life.

Nang matapos ay mabilis nila itong iniligpit at hinila ako paupo sa sofa.

"What's with that look?" tanong ko sa kanila.

"Ang sarap mong tirisin, Eury." naiinis na saad ni Selena.

Kumunot ang aking noo at napakamot ulo.

"You're aware naman siguro about Miles' issue, last month?" tanong niya ay naghihintay ng sagot ko.

"Ha? What issue?" Masyado akong naging abala nitong mga nakaraang buwan kaya wala akong oras para sa ibang bagay.

"Tsk. One of my cousins had seen Miles on a restaurant, with your boyfriend. Alam mo namang sikat 'yang boyfriend mo." aniya, diniinan ang huling salita.

"Wala naman sigurong problema dun? Naalala kong nagpa-alam si Josh sa akin na makikipagkita siya kay Miles that time." Sabay silang napasapo sa kanilang mga noo at naiiling habang nakapikit.

"Wala ka ng pag-asa, Eury. Ikaw na ang martir." saad ni Trisha sa akin.

"Hindi ako martir, okay? It's just that, they're bestfriends. I mean, bestfriends sometimes do friendly date right?" saad ko. Ngunit sa mga oras na ito ay hindi ko na alam kung sila ba talaga ang kinukumbinsi ko o ang sarili ko.

"Please don't make this a big deal, kaibigan din naman natin si Miles." I dismissed. Wala na rin namang saysay kung pag-uusapan namin ito. Josh and I already talk about this issue, which was not really an issue for me. They're bestfriends. I respect them, bago pa ako dumating sa buhay niya ay nandiyan na si Miles.

Sabay silang napabuntong hininga at tumango sa akin.

"It's okay. I'm fine, in fact parang mas gumaan nga ang pakiramdam ko since I agreed to the space that Josh asked for." ani ko.

"Sabi ko na nga ba may something e!" komento ni Selena.

"Yup. Ang magaling kong bestfriend, hindi na masyadong marupok." natatawang saad ni Trisha.

Mangha namang napatingin sa akin si Selena.

"You know what. I adore you so much, bihira na lang ang ganyang pagmamahal."

"Bakit? Nagmahal ka na ba?" pang-aasar sa kaniya ni Trish.

"Woah! Anong akala mo sa akin? Tao rin naman ako noh!" naiinis nitong saad.

"Oh? Hindi ako ang nagsabing hindi ka tao ah."

"Tsk. Eury, ireto nga natin 'to kay Leon." Pinanlakihan ako nito ng mata na parang sinasabi na sabayan ko nalang ang trip niya.

"Sige, sabihan ko kaagad si Leon bukas. Para naman magkaroon ng ibang pagkaka-abalahan si Trisha. Pfft."

"I don't like Leon! Hindi kami bagay ng lalaking 'yon!" biglang tanggi nito. Nagkatinginan kami ni Selena at sabay na natawa. Sinimangutan niya kami at napaisip.

"Hmm. Okay." aniya at ngumisi. 

Gulat man sa sagot niya ay nag-apir kami ni Selena dahil sa wakas, napapayag namin ang kaibigan kong bato na nagkatawang tao.

---

_isinagtala

Hurricane (Red Lady Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon