Ellizle's POV
Hindi naman gaanong stressful ang first week ng school. Kaming mga estudyante ay nagpapakilala lang tuwing may mga bagong lecturer na pumapasok sa aming classroom in the first 2 days. And the rest, finalization na ng mga teacher sa aming mga sections at attendance's names.
"Anu ba yan tuwing break time na nga lang tayo kungmakapag-chika, hindi mo pa mabitawan iyang selpon mo Hyra!" Reklamo ni Ayah kay Hyra dahil kanina pa kasi ito busy kakatext sa bf niyang si Gab.
Kinausap din kasi namin si Teacher Tine last week na siyang aming Senior High School coordinator. Ngunit ang sabi niya ay susubukan nalang daw muna ni Ayah sa kanyang seksiyon kahit hanggang 1st Sem lang. Kaya wala na kaming nagawa. Mukhang hindi ata umepekto ang koneksiyon at pagpapa-cute niya.
"Ah, eh- hehe sorry..." Sagot ni Hyra habang binibitawan ang kanyang cellphone at nagsimula ng kumain ng kanyang meryenda habang pangiti ngiti ito. Tsk, palibhasa'y inlove !
"Puro ka kasi harot eh!" biro nanaman ni Ayah.
"Hindi ah!" Natatawang depensa ni Hyra. Samantalang ako, eto at tahimik na kumakain ng spaghetti habang iniisip kung anong clubs kaya ang sasalihan ko bukas.
"Aish... bakit hindi mo nalang kasi gayahin itong si Zelle na nananahimik lang jan kahit na hanggang ngayon, ay patay na patay parin kay Dominic." muli nanamang pagsasalita ni Ayah. Ang bunganga talaga ng ng chararat na to eh, at dinamapay pa talaga ako.
"Haha oo nga naman Zelle, bakit hindi ka nalang maghanap ng iba jan? Baka sakaling magkafor-ever ka din tulad ko!" tanong ni Hyra sakin. Hindi ko nalang siya pinansin.
Hayst, kahit talaga anong iwas ang gawin ko para iwasan ang topic about sa'kin ay isinisingit parin ni Ayah.
Well the thing about me and Khaleel was unexplainable. Hindi ko alam kung anong meron saaming dalawa, o kung meron nga ba?
I first met and saw him when I was in grade 5, isa siyang transfer student noon. Agad ko siyang napansin noon dahil sa pagiging tahimik niya. Gwapo siya,matalino, maykaya din ang kanyang family and at the same time talentado din siya.
At dahil nga crush na crush ko siya noon, lahat ay ginawa ko para lang mapalapit sa kanya.
Ginalingan ko sa lahat ng subjects ko para lang mapansin niya at maging contestants sa lahat ng subjects na alam kong kasali din siya.Katulad na lamang noong grade 6 kami, ako ang contestants ng Mathematics Quiz Bee at siya naman sa Tower of Hanoy.
Ako din ang tinalagang Science contestants at siya naman so Poster Making during the Yes-O Camp before.I've noticed na matalino si Khaleel and at the same time mahilig din siya sa mga sports. He is also one of our young basketball player back then.
"Hoy Zelle! ano at tulala ka nanaman jan?" pasigaw na suway sakin ni Ayah kaya naman gulat akong napatingin sa kanya.
"W-wala! may iniisip lang ako" sagot ko sakanya.
"Ayah kasi, gustong gusto mo talagang isali si Dominic sa Usapan eh! Alam mo namang ayaw ni Zelle" panunuway ni Hyra sa kanya.
Yeah, they were my friend. Si Ayah ang malakas man trip kungminsan at si Hyra naman ang tagapag tanggol sa akin. Magkakaiba man kami ng mga ugali nagkakasundo naman kami sa maraming bagay.
I'm happy that they are always supporting me and I love them so much because of that."Pshhh... e kanina pa kasi tahimik yang isa jan eh!" Pagtukoy ni Ayah sa'kin habang nakanguso ito.
"Zelle ano bang iniisip mo at ang tahimik mo?" Tanong nanaman ni Hyra. "Ahmmm... Iniisip ko kasi kung anong club ang sasalihan ko bukas" sagot ko sa kanilang dalawa.
"Ah! Oo nga pala, I forgot!!!" Ayah spit out after remembering it.
"Kailangang ako ang maging president ng Dance Troupe, ugh! I have to be ready" sabi niya at inilabas na ang kanyang make up kit upang mag-ayas.Sabi ko bukas pa eh!
"A Basta! Sa Theater Arts ako sasali. Ikaw Zelle?" Muling tanong ni Hyra.
Simula palang kasi noong junior high kami ay may kanya kanya na kaming mga clubs na sinasalihan.
Ayah was for Dance Troupe dahil talent niya ang pagsasayaw. She was a consistent club president since we were grade 7. At mukhang siya nanaman ngayong Seniors na kami.
Si Hyra naman ay sa Club of Theater Arts, dahil bukod sa maganda siya mahilig din siyang umarte. She was just a member of the club because she doesn't want a responsibility, mas gusto niya daw bigyan ng time ang boyfriend niya kesa sa iba.
Samantalang ako bilang tagahanga ng isang guwapong snob, siyempre kung nasaan siya nandun din ako. I've been joining Science club before since I was a junior high. Math is my number 1 favorite subject and science is just second. Pero hindi ko nalang inisip ang sarili ko dahil ang mahalaga lang noon ay ang nakikita at nakakasama ko siya araw-araw kahit sa school man lang.
Pero ngayon mukhang babaguhin ko na ito ng dahil sa kanya. Ngayon gusto ko na munang mas bigyan pansin ang sarili ko bago siya. Hindi naman dahil sa napapabayaan ko na ang pag-aaral ko kundi, dahil naisip kong baka ayaw at nagsasawa na siya sa ugali ko. Gusto ko pa rin siya. Pero ngayon, sa paraang hindi na ako mukhang tanga at kaawaawa sa mata ng iba. I have to change my actions but never my feelings.
"I-I think I'll join the Mathematics club" I answered.
Yes, hindi nawala ang pagkagusto ko kay Khaleel noong elementary palang kami. At mas lalo itong lumala noong nag high school na kami. Kahit hindi kami parehas ng section, I still did everything I know just to show how much I like him.
Yung tipong nireregaluhan ko siya sa lahat ng occasion like his birthday, Christmas day, Valentine's day at marami pang iba. I also gaved him a lot of love letters with a beautiful design scraped. And even chatted him on messenger every morning, every afternoon and every evening just to greet him. I told you, lahat ginawa ko.
But sad to say, he doesn't care at all. Lahat ng mga ginawa kong pagpapa-pansin sa kanya ay balewala lang. Ni hindi nga siya nagpasalamat eh. Yung tipong na ni-la-like zone lang niya ako sa messenger. He ignores me in every way he knew before. Pero lahat tinanggap ko dahil gusto ko siya. Despite of being him so heartless.
Ngunit nasasaktan parin naman ako dahil sa kabila lahat ng mga ginawa ko, parang may mali parin. Ilang beses ko ng tinanong ang sarili ko kung Pangit ba ako? May mali ba sa ugali ko? Mahirap ba kami o ano? Ang gulo! at ang sakit.
Ang sakit sakit. But what can I do?I'm drawn of loving him."Uy Zelle, Zelle are you listening?." pakiramdam ko ay may yumuyugyog sa balikat ko kaya naman unti unti akong bumalik sa ulirat.
"Zelle ano bang nangyayari sayo?" Hyra Ask. "Napapadalas na iyang pagkatulala mo ah!"
"Yeah right! We keep on asking you kung bakit sa Math club ka sasali? E dati namang sa Science ka!" Nakabusangot na reklamo ni Ayah.
"Oo nga Zelle,sigurabdo ka ba talaga?" si Hyra.
Hindi ko nalang sinagot dahil pakiramdam ko ay sumasakit nanaman ang ulo ko.
"kringg...kringg..kringg..."
Narinig kong nag-ring na ang bell kaya naman tumayo na ako at naglakad patungong classroom. Agad namang sumunod ang dalawa.
Please don't forget to vote,comment and follow. Thank you 💖

BINABASA MO ANG
So Far to Reach You
Teen FictionIf the man you've waited for a long time happens to love you at the moment you'd already gave up. Would you still accept him in your life? Yan ang pinakamalaking katanungan para kay Afiyah Ellizle Villegaz, isang Hopeless Romantic na halos ilang tao...