Ellizle's POV
Agad na natahimik ang kaninang maingay kong mga classmates kasama na din si Hyra nung pumasok ang aming guro para sa aming subject na Basic Calculus na aming first period.
"Good morning Class" bati ng isang may katamtamang tangkad na lalaki na nakatayo sa aming harapan. "Good morning Teacher Rich" sagot naman namin kay Teacher Richard o kilala sa palayaw na Rich. Single pa si sir Rich because he's just 24, matalino siya and at the same time mabait at friendly naman sa kanyang mga estudyante. Pero ang hindi alam ng iba ay sobrong strikto naman niya kapag oras na ng klase. Ayon nga sa kanya "kapag oras ng klase, oras ng klase!" Iyan ang paulit ulit na linya ni Sir Rich sa tuwing may mga classmates akong nakikipag kuwentuhan sa kanya.
"So for today, we will not be going to have any activities because at this time pupunta na kayo sa inyong mga chosen clubs for the election of officers." Pag-aanunsiyo ni Sir Rich.
"Say whuttt? Really!
now na is the time Teacher Rich?" Exited na tanong ng bakla kong classmate na si Tim. Ang iba naman ay nagsimula nanamang nag-usap kung anong club sila sasali kung kayat muli na nanamang umingay ang klase."Bast ako sa Filipino club!"
"Ako naman sa Music"
"Haayyy bahala na sakin"
"Class silent, I'm not done yet!" Galit na sigaw ni Sir Rich saamin. "Be sure that you are really capable on what club you are choosing, Ang dinig ko ay magkakaroon ng patimpalak sa magaganap muling West Ward Students Day" pagpapatuloy ng aming guro.
Ang West Ward Students Day ay isang programa ng aming mga Campus Faculties na nakaugalian na naming gawin every first month of the school year. This is for welcoming all the students of West Ward Academy as we start the whole school year.
"But before you go,. I have to check your attendance first."
Pagkatapos mag check ng attendance, ay agad kaming lumabas ni Hyra upang sunduin si Ayah. Ngunit nasa labas na pala siya at hinihintay kami.
"Zelle, Hyra sabay na tayo! Gosh exited na ako sa Variety show!" Ayah said while we were heading to the first floor kung saan naroon ang mga club rooms.
"A-nong variety show?" Takang tanong ko sa kanya. "Oo nga Ayah, para saan yun?" Nalilito ding tanong ni Hyra."Basta sa West Ward Program yun...malalaman niyo din mamaya!" pambibitin na sagot ni Ayah.
Tchh! hindi ako exited.
"Pero Zelle, kaya ka ba sasali sa Science club dahil gusto mong iwasan si Dominic?" Pag-iiba ni Hyra ng usapan. Heto nanaman at nagsisimula na ang pagiging Boy Abunda ng mga Ito. Ang daming tanong.
"Hindi naman, mas gusto ko na kasi ngayon ang Science" Simpleng sagot ko sa kanila at ngumiti ng kaunti.
"Hindi daw....." Pangiinis naman ni Ayah. "If I know ayaw mo na sa Math Club dahil andon yung crush mong magaling mag Tower of Hanoy!"
"Oo nga" pagsang-ayon naman ni Hyra
Alam niyo naman pala eh! Nagtatanong pa kayo?
"Diba napag-usapan na natin ang tugkol dito?" Huminto ako sa paglalakad at hinarap silang dalawa. Andito na kasi kami sa first floor, baka kasi may masabi pa sila at marinig ng iba. Mahirap na.
BINABASA MO ANG
So Far to Reach You
Novela JuvenilIf the man you've waited for a long time happens to love you at the moment you'd already gave up. Would you still accept him in your life? Yan ang pinakamalaking katanungan para kay Afiyah Ellizle Villegaz, isang Hopeless Romantic na halos ilang tao...