Dominic's POV
Tahimik lang kaming dalawa habang nag da-drive ako upang ihatid siya.
Naninibago ako sa pakikitungo ni Ellizle sa'kin ngayon. Hindi na siya tulad ng dati na laging nakangiti at nag-papacute sa harap ko. Ngayon ay tahimik lang siya habang nakatingin sa labas ng bintana. Ramdam ko ding nahihiya siya sa tuwing magkaharap kami.
Nagbago na nga siya..
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nakaramdam ng pag-aalala upon hearing her say na mag-tataxi nalang siya kanina. That's why I told her that I will take her home.
Matagal ko nang alam na may gusto siya sakin and
I don't have any problem with her. actually she's kind, simple, beautiful and smart girl.Just like 'her'......
Damn I missed her so much!
While we were heading to their house, a sudden commotion happens at the road.
Maraming mga tao ang nagtakbuhan papunta sa harap ng sasakyan. Only to find out that there were accident that happened.
Nai-preno ko agad ang sasakyan dahil sa dami ng mga taong nagtakbuhan papunta sa dalawang sasakyan na nagsalpukan.
"Ellizle, are you okay?" agad akong lumingon sa katabi ko upang tingnan ang lagay niya.
"O-okay lang ako. Teka, anong nangyayari?" Thank God naka seatbelt siya.
"May nagbanggaang sasakyan kanina" I explained to her. Inihinto ko muna ang kotse ko upang hintaying maayos ng mga pulis ang aksidente sa harap namin.
Suddenly I felt something I can't explain.
Geez this is happening again...
~Flashback~
10 years ago
Naglalakad ako papunta ng school nang mapansin kong parang may sumusunod sa akin. I turn around but I can't see any thing other than those flowers on the pathway.
Kaya naman muli akong naglakad at ipinagsawalang bahala ang aking napansin. Suddenly, I heard a tiny scream that comes from my back, so I turn around.
"Ah... ouch ang sakit!"
Nakita ko ang isang batang babae na nakaupo sa sahig at hawak hawak ang kanyang paa habang umiiyak. Kaya naman dali dali akong lumapit sa kanya.
"H-hey are you okay?" may bahid na pag-aalalang tanong ko. May nakita akong medyo malaking bato na maaaring dahilan ng kanyang pagkatapilok.
Lumingon siya sa akin at literal na nanlaki ang mga mata niya. Napansin ko ding namumula ang kanyang pisnge.
Ang cute naman niya!
"Anong nangyayari sayo?" yumuko ako sa kanya upang tingnan ang kanyang paa, ngunit nanatiling nakatingin parin siya sa akin.
"Teka, may gasgas ang ankle mo" I said as I look at her wounded feet.
"A-ah...o-okay lang ako" utal na sagot niya at tsaka dahan dahang tumayo kaya tumayo narin ako.
BINABASA MO ANG
So Far to Reach You
Teen FictionIf the man you've waited for a long time happens to love you at the moment you'd already gave up. Would you still accept him in your life? Yan ang pinakamalaking katanungan para kay Afiyah Ellizle Villegaz, isang Hopeless Romantic na halos ilang tao...