Unti-unti na ring dumadami ang mga estudyanteng pumapasok dito sa club room kaya naman unti-unti ding napupuno ang mga silya.
"Students please fill those empty chairs. Magpaharap pa kayong mga nasa likod" litanya ng aming Science club adviser na nasa aming harapan. Buti nalang talaga dito ako sa harap umupo kaya hindi ko na kailangang lumipat pa.
"You" agad akong nag-angat ng tingin kay Teacher Sarah sa pag-aakalang ako ang tinatawag niya ngunit hindi pala. Nakaturo ang kamay nito kay Khaleel na nakatingin din sa kanya. "You can move beside Miss. Villegaz, may isa pang space dito." Utos nito kay Khaleel at tumingin pa sa bakanteng upuan kung saan nakaupo si Paris kanina.
Aangal pa sana ako pero tumayo na si Khaleel at lumipat sa tabi ko. Gulat akong napatingin sa kanya ngunit katulad kanina ay seryoso parin siyang nakaharap sa kanyang cellphone.
Teka! Bakit wala pa si Paris eh magsisimula na ang election? Lumingon ako sa likuran upang hanapin siya ngunit nakita ko agad siyang papasok sa may pintuan. Dali dali siyang naglakad papunta sa gawi namin upang dito sa harap maupo.
"Hey Miss sexy. Ako ang nakaupo dito kanina" nakangiting tugon nito sa isang babaeng nakasalamin, kulot ang buhok at medyo may katabaan na akmang uupo sana sa upuan kung saan nakaupo si Khaleel kanina.
Psshh nambola pa kasi!
Nagugulat namang napatingin yung babae kay Paris at tumayo ng matuwid. "I-ikaw pala yan France. S-sige ikaw na dito" Utal na litanya nito na animoy kinikilg pa dahil sa impit no itong pag ngiti. "Sa likod nalang ako" pagpapaalam niya sa pinsan ko at nagtungo na sa likod.
At nagpabola ka naman gurl !
"Haay buti na lang at nakaabot pa ako" masayang saad nito at inisonteng tumingin sa amin ni Khaleel. Pinaningkitan ko naman siya ng mata tch, parang hindi ko nakita yung nangyayari ah!
"Oo nga" sagot ko nalang sa kanya at muli akong tumingin sa harapan.
Sakto namang andun na din si Teacher Sarah."Okay guys, I think ready na ang lahat. So let's now start the election." Teacher Sarah said.
"We begin, the table is now open for the nomination of Science club president. Any nomination class?" pagpapatuloy ng aming guro. Nagtaasan naman ng mga kamay ang mga kapwa ko estudyante kasama na din ang pinsan kong si Paris kaya naman binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin but he just wink at me.
"You Mr. Villegaz" turo ni teacher Sarah kay Paris na agad namang tumayo "I respectfully nominate my friend Dominic right here to be the Science club president Teacher Sarah." litanya nito na nakaturo kay Khaleel na amin namang ikinagulat.
Anong trip mo cous'? nananahimik yung tao eh!
"What the heck France!" pabulong na reklamo ni Khaleel kay Paris ngunit narinig ko pa rin. I looked at my cousin but he just shrug. Tinawag na ni Teacher Sarah si Khaleel para tumayo sa harapan. As usual, seryoso parin ang mukha niya, ngunit hindi ko maitatangging ang gwapo parin niya sa looks na yun. Gosh self!
May mga ibang estudyante na ring na-nominate kaya halos anim na ang mga nominees na nakatayo sa harap. "Okay class who's in favor for Mr. Roshan?" tanong ng aming guro. Nagtaasan naman ng kamay ang halos kalahati ng mga estudyante. Nag-aalinlangan parin ako kung iboboto siya ngunit sa huli ay nagtaas na din ako ng kamay.
Halos tumagal din ng limang minuto ang pagbibilang ng votes. Ngunit sa huli nanalo si Khaleel!
"So our club President is Mr Khaleel Dominic Roshan, pls clap for him." masayang anunsiyo ni teacher Sarah. We clapped for him even if it seems like he wasn't happy. At bumalik na sila sa pagkakaupo. Well, ikaw ba naman ang ma-nominate kahit ayaw mo? Pshhh
BINABASA MO ANG
So Far to Reach You
Teen FictionIf the man you've waited for a long time happens to love you at the moment you'd already gave up. Would you still accept him in your life? Yan ang pinakamalaking katanungan para kay Afiyah Ellizle Villegaz, isang Hopeless Romantic na halos ilang tao...