Ellizle's POV
Masaya naming ipinagpatuloy ang aming pagkain kaya naman hindi ko na namalayang mag-aalas otso na pala. "So how's your school sweetie? are you doing it right?" tanong ni mommy habang kumakain ng kanyang dessert. "Ayos naman mommy, marami kaming paperworks pero kayang kaya ko naman. Ako pa!" masyang sagot ko naman kay mommy kaya natuwa silang dalawa. "That's my girl" my dad exclaimed.
"Oh I forgot, tumawag pala sakin si mareng Shello, mag babakasyon daw muna sila dito sa Cebu next month." Nagulat ako sa sinabi ni mommy. "You mean ninang Shello mom?" I asked excitedly. She's my closest ninang before.
"Yes anak, at isasama daw niya si Brent. You remember him?" mas lalo pa akong natuwa dahil sa sinabi niya. "Of course mom, he was my childhood friend." close kaming dalawa ni kuya Brent before, he was 5 years older than me kaya naman para narin kaming magkapatid noon.
"Really hon? I'll bet Brent had already graduated" singit naman ni Daddy."Well I guess." my mom shrug.
Lumipat kasi siya ng school when we were in elementary. I was grade 3 while he was grade 6 back then. Ang sabi niya sa'kin noon ay pinapapunta sila ng lolo niya sa Macau para dun na sila tumira at asikasuhin ng parents niya ang mga companies ng grandfather niya doon.
Lumipas ang mga araw at weekends nanaman. Bumangon na ako sa aking higaan at nag-ayos muna ng konti bago lumabas ng aking kwarto upang mag-almusal. Wala sina Daddy at Mommy ngayon dahil may pinuntahan daw silang seminar. Actually, kahapon pa pala at bukas daw silang uuwi. Kaya naman ang mga katulong lang namin ang kasama ko ngayon.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik ulit ako sa kwarto ko ng may bigla akong naalala.
Oo nga pala, ngayong sabado na kami gagawa ng research proposal!
Shems nakalimutan ko! dali dali kong hinanap ang cellphone ko para tawagan ang pinsan kong si Paris upang tanungin kung saan kami gagawa.
"Yes, cous'?" tanong nito sa kabilang linya matapos sagutin ang tawag ko, mukhang bagong gising palang siya dahil sa kanyang boses. "Hello Paris? diba ngayon tayo gagawa ng Research Proposal?" tanong ko sa kanya. "Oo daw sabi ni Dominic eh! haha" alam kong sa tono ng boses niya ay nang-aasar na naman siya.
Gosh, paano na?makakasama ko nanaman siya ngayon!
Haayst bahala na. "Psshh whatever, o e saan naman daw tayo gagawa?" naiinis kunyaring tanong ko sa kanya.
"I suggested na dito nalang sa bahay namin para may ma-i ambag naman ako hehe, 10 o'clock daw ang call time."
"Aba! dapat lang na mag ambag ka, dahil kung hindi ikaw ang magpe-present!" singhal ko sa kanya ngunit narinig kong tumawa lang siya.
"Oo na, sige na cous' magsisipilyo pa ako"
"wth! hindi ka pa nagsesepilyo Paris? Kadiri ka!" nandidiri ang boses na tugon ko sa kanya.
"Haha Oo, kaya bye na!" tumatawang sagot niya tsaka ibinababa ang kanyang cellphone.
Psshh baliw!Tinignan ko muna ang oras at 8:30 na pala. Naligo agad ako at nag-ayos ng todo para kay Khaleel. Of course I have to look fabulous in front of him.
I get my bag and went downstairs, pero naalala kong wala pala si tito Ben ngayon dahil day off niya! Paano na ako aalis ngayon? Bawal pa naman akong mag-drive because I'm still 17. Gosh, ka stress naman.

BINABASA MO ANG
So Far to Reach You
Teen FictionIf the man you've waited for a long time happens to love you at the moment you'd already gave up. Would you still accept him in your life? Yan ang pinakamalaking katanungan para kay Afiyah Ellizle Villegaz, isang Hopeless Romantic na halos ilang tao...