Chapter 1

36 8 2
                                    

Ellizle's POV

Kasalukyan ako ngayong nakaupo dito sa bench ng aming gymnasium. Hinihintay ko kasi ang mga kaibigan kong kung umasta ay parang tapos ng nakapagpaganda, ayun naman pala ay pinaghintay lang ako dito ng halos trenta minutos ngunit wala pa sila.

Shems!,anyways first day of school namin bilang mga Senior High dito sa West Ward Integrated School, isa sa pinakasikat na public school Nationwide here in the Philippines.


Grabe ang tagal talaga nila!

"Zellllllllllllllll" halos mapatayo ako sa gulat dahil sa lakas ng sigaw ni Ayah ang voice diva kong kaibigan, salamat sa malaki niyang bungaga jk.

"Ano ka ba naman Hayasen ang lakas ng boses mo!" sita ko sa kanya habang inaayos ko ang aking mga notebook upang makapunta na kami sa aming classroom.

Inilabas ko kasi ang mga ito kanina dahil nabobored ako kaya naman isinilid ko na ulit ang mga ito at tumayo na.

"Hey hey... Don't call me that name!" Angal niya matapos marinig ang pangalan niya. Hayst, ewan ko ba sa chararat na to, ang ganda ganda na nga lang ng pangalan niya  eh Smith Hayasen Lopez o diba? Awits, bahala nga siya sa buhay niya!

"O siya siya Ayah! Nasan na pala si Hyra, bakit di mo siya kasama?" tanong ko sa kanya matapos mapansing wala pa ang isa naming kaibigan.

"Hay naku wag nalang daw natin siyang hintayin"

"Huh bakit daw?"

"E kasi nga po, sumama nanaman siya sa boypren niyang saksakan ng kakornihan. Konting banat lang sa kanya, ayun at iniwan na agad ako sa ere este sa gate kaya mag-isa akong nagpunta dito teh!" paliwanag ni Ayah.

Umalis na kami sa gym at nagtungo sa aming classroom. Well, this is our first day bilang mga Seniors dito sa Campus.

Kinakabahan ako na ewan, hindi ko alam kung tama ba talaga ang Science Technology Engineering and Mathematics (STEM) na strand ko. Hindi pa kasi ako sure kung anong kukunin kong course for college. Kung Civil Engineering ba o Mathematics Instructor, pero pwede ring Medicine. Haayst bahala na.

"H- Hell no way! Zelle hindi pwede!" Angal ni Ayah matapos basahin ang aming mga pangalan sa postcard na nasa likod ng pintuan kalakip ng aming strand at section na STEM/Eucalyptus.

"Bakit nanaman Ayah?" tanong ko rito.

"Bakit wala akong pangalan dito sa list?"

"Huh, wala ba?" Tanong ko ulit kay Ayah.

Muli kong binasa ang listahan ng aming mga pangalan, ngunit totoo ngang wala ang pangalan niya. Dalwa kasi ang sections ng Stem kaya naman maaaring sa kabilang section napunta si Ayah.

"Wala nga! Pero bakit si Hyra meron dito? So it means hindi ko kayo maka-klasmeyt na dalawa? Unfair!" parang naiiyak na reklamo niya.

Napaisip din ako sa sinabi niya. Tsk, kawawa naman tong kaibigan ko. Madalang pa naman siyang magkaroon ng mga kasundo dito sa campus dahil sa kanyang kaartehan at kaingayan. Hindi tulad namin ni Hyra. Pareho kaming tahimik, mahiyain at pareho din ng mga gusto.

"Huwag kang mag-aala, pareho parin naman tayo ng floor. Nasa gitna lang ang classroom niyo at dito naman kami sa dulo." Pagpapakalma ko sakanya dahil panay ang reklamo niya.

Magkahiwalay kasi ang buildings ng mga Junior high at Senior high dito sa campus. Sixth Floor ang taas ng aming building, and there were 5 classrooms each. Kaming nga Stem Students ay andito sa third floor.

"No, kakausapin ko Teacher Tine. Kailangang ilipat niya ako dito sa seksiyon niyo!" Dagdag pa nito "Naku ka Ayah! wag mo nanamang gamitin ang mga connections niyo, grabe unang klase pa naman!" Suway ko naman sa kanya.

Mayaman kasi sina Ayah, mga negosyante ang mga parents niya kaya naman marami silang koneksiyon. Hindi na ako nakikialam kay Ayah dahil wala nang makapagpipigil sa chararat na yun.

"Oo na, oo na! Bahala ka kung anong gusto mong gawin. Sige pasok na ako, dun ka muna sa room niyo. Mamaya nalang natin kausapin si Teacher Tine." Pagpapaalam ko sa kanya.

Palibhasa unang araw palang ng klase kaya naman tulad ng aming nakasanayan, halos 9 am na pumapasok ang aming teacher.

"Tse! Sige na nga!" Sabi niya sabay talikod sakin.
Papasok na sana ako sa room namin nang biglang hatakin ni Ayah ang braso paharap sa kanya na parang may isinesenyas sa likod .

"Kyah!!!! Zelle yung crush mo !!!" Nagpipigil kilig na sabi niya. Agad naman akong kinabahan at ramdam ko ring namula ang pisngi ko. "Huh??? Asan?" Aligaga kong tanong kay Ayah.

"Ayan na , ayan na!" Sagot niya habang tumatalon paharap sa dalawang lalaking naglalakad papunta sa gawi namin. "Ayah huwag ka ngang maingay" Suway ko nanaman sa kanya.

"Haha girl, chill ka lang jan. Ako bahala." Pabirong tugon niya. Tsk, ano nanaman kayang trip neto! Gusto ko ng pumasok sa loob ng classroom namin kaya lang ramdam kong andito na sila sa harap namin. Nag-iwas kasi ako ng tingin sa kabilang side upang hindi ko makita. Gosh! I am not ready for this. Tsk tsk tsk tsk.

"Oh Dominic, France! Hello there" masayang wika ni Ayah sa kanila nung tumapat na sila sa'min.

"Hey Ayah, kayo pala?" Sagot ni Paris  sa kanya. "Stem?" Tanong nito.

"Yeah right, pero sa kabiliang section ako. Nakakainis, buti pa tong si Zelle klasmeyt sila ni Hyra" sagot naman ni Ayah.

Patuloy lang ang pag-uusap nina Ayah at Paris. Samantalang itong si  Khaleel naman ay nakayuko at parang may kinakalikot sa kanyang cellphone, hinihintay ang kanyang barkada. While me? Heto at palingon lingon lang sa paligid habang humihiling na sana ay umalis na tong mga mokong na to sa harap ko ng makapasok na sana ako. Gosh!

"What's zup cous'! baka naman gusto mong magsalita jan?" Tanong ni Paris sa'kin. "Walang makausap tong kasama ko eh" dagdag pa nito sabay tingin kay Khaleel na may pangiti ngiti pa.

"Whatever Paris, umalis na nga lang kayo" nagpipigil inis na sagot ko sa kanya.

"Ayieee ikaw Zelle ah! O siya mauna na ako ah, later nalang yung lakad natin ah?" Ayah said and left me with a wink. "Bye France, Dominic.." pagpapaalam niya sabay tapik sa braso ni Khaleel.Maka trip talaga tong taong to ah, umagang  umaga.?

Pagka-alis na pagka-alis ni Ayah ay agad na rin akong pumasok sa loob ng aming classroom at iniwan sila sa labas.

"Hey cous'! Zelle! I told you I'm not Paris!" Pahabol pang singhal ng pinsan ko pero hindi ko na siya pinansin.

With that nagsimula na ang klase. As usual, every first day of class hindi talaga mawawala ang itroduce yourself thinggy na yan.

So Far to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon