KABANATA 1- PEACH MASK

325 47 7
                                    

Kabanata 1
Kahit Hindi Na Ako
#KHNA
LovieNot
★★★

"Eh kasi naman po DJ Leigh, binasted ko siya noong nanligaw siya sa akin. Hindi ko naman kasi inaasahang magugustuhan ko din naman pala siya eh. Ano pong gagawin ko para mapansin niya ulit? I need your advice for this," ani Den na siyang caller sa 'My Sad Leigh Story' ngayong araw. Isa na akong DJ sa DHK, isang sikat na radio station at itong bahaging ito ang pinaka-inabangan ng listeners sa programa kong 'Leigh-sen To Me'.

"Ay naku Den, mukhang ang hirap nga niyan. Binasted mo na kasi iyong tao eh, siyempre kung ako ang nasa sitwasyon ng lalaki ay matatakot na ulit akong sumubok. Hindi kasi madaling ma-reject ng taong gusto natin, diba?  May communication pa naman kayo?"

"Yes po. Nagkaka-chat or text naman po kami pero hindi na ganoon kadalas. Something's change, nararamdaman ko 'yon."

"At may nililigawan na siyang iba?"

"Iyon po ang nabalitaan ko pero hindi ko pa po alam kung totoo. May nagsasabi naman po kasing friends lang sila. Ewan."

"Okay. Ganito na lang, first huwag kang po nang po at masyadong nakakatanda."
Sabay pa kaming tumawa.

"Siguro ay dapat mo munang alamin kung totoo bang may nililigawan na siya, after that ay siguraduhin mo rin munang gusto mo talaga siya dahil baka masaktan mo na naman lang siya in case na may pagtingin pa siya sayo. Humanap ka ng pagkakataong masabi mo sa kanya ang totoong nararamdaman mo. Wala namang masama kung maging tapat o magtapat tayo ng nararamdaman sa mga lalaki. Uso naman nga ngayon ang babae na ang nanliligaw sa mga lalaki eh." Tumawa pa ako kasabay ang clapping effect para pagaanin ang usapan. Parang napupuruhan ako ngayon sa mga salitang lumalabas sa bibig ko mismo.

"Den nandiyan ka pa ba?" tanong ko.

"Opo, nakikinig po ako."

"Mukhang hindi eh, pino-po mo pa rin ako."
Natawa na naman ito.

"So 'yun na nga, pero kapag sa tingin mo ay wala na talagang pag-asa pa. Eh di move-on na lang tayo, Den 'no? Huwag nating ipilit ang mga bagay na hindi pwede. Kasi kung kayo talaga para sa isa't-isa ay mangyayari iyon ng kusa. Kahit gaano niyo pa nasaktan ang isa't-isa, kung kayo talaga ay kayo talaga."

"Maraming salamat  DJ Leigh, gagawin ko ang sinabi niyo."

"Wala ka namang choice kundi gawin ang advice ko, ano pa't tumawag ka rito?"
Tumawa na naman ako para magmukhang biro ang sinabi ko. Mukhang pati itong caller ay nahahawa na lang din sa kabaliwan ko. Araw-araw ba naman akong ganito.

"Maraming salamat sa pakikinig DJ Leigh. Sobrang idol ko po kayo at ang ganda-ganda niyo po sa personal."

"Ay enebe nemen. Huwag kang maingay dahil maraming nakikinig. Salamat din at isa ka sa naging callers sa programang ito. Sana ay may naitulong ako."

"Meron po. Maraming salamat ulit."

"Walang anuman, Den. God bless."

"God bless din po." At namatay na ang linya hudyat na dapat ko na ring isara ang programa.

"Isa na namang sad leigh story ang nabigyan natin ng pansin at oras para pagnilayan ito. Huwaw! Pinagnilayan ko ba talaga 'yon?" Tumawa ako sa sarili kong linya at kasabay din naman niyon ay ang laughing effect. Ganito talaga kapag DJ on air, para kang baliw. Kailangan mong magkaroon ng split personality.

"Maraming salamat sa mga walang sawang nakikinig sa boses at kabaliwan ko. Sa mga nagmamahal sa programang ito. Oras na para magsara ulit tayo! This is your DJ Carleigh saying please Leigh-sen To Me, every day! God bless everyone!"

Kahit Hindi Na Ako (LC SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon