KABANATA 9- NOTHING BUT PAIN

226 40 13
                                    

Kabanata 9
Kahit Hindi Na Ako
#KHNA
LovieNot


Matamlay ang katawan na naglakad-lakad ako sa park malapit sa La Conchita Condo Units. Madilim na ang paligid at malamig na din ang simoy ng hangin. Napatingala ako sa kalangitan. Mukhang uulan pa.

Naupo ako sa isang bench at napayuko. Sinipa ko ang may kalakihang batong nasa paanan ko. Nasaktan ako sa ginawa kaya aking na kumpirma na hindi ako nananaginip lang. Totoo ang lahat ng ito.

He fell in love first and I fell in love with him so hard at the end.  Biglaan lang at hindi ko man lang napaghandaan kaya heto ako, durog na durog at hindi alam kung paano pa ba bubuuin ang sarili ko.

"Totoo ngang magpapakasal na si Zeiroh Hernandez at iyong anak ni Mayor Lapid 'no?" rinig kong saad ng babaeng dumaan sa may gawi ko.

"Oo nga, iyon ang napapabalita eh. Saka meron pa akong nakitang post sa Facebook eh. Confirm, ikakasal na nga sila."

Tila nabato naman ako sa aking kinauupuan ng marinig iyon. Ang puso kong durog na durog ay tila tuluyang natunaw.

Mariin akong napapikit habang ang isang kamay ay nakahawak sa aking dibdib. Wala naman akong makitang masama at mali sa pangbabasted ko sa kanya, tama naman lahat ng naging rason ko kung bakit ginawa ko iyon pero bakit tila kinakarma ako ngayon?

Hindi karma ito Carleigh, baka kailangan mo lang tanggapin na hindi talaga kayo para sa isa't-isa.

Masyado akong nagpadala sa konsepto ng kung kami ang nakatakda ay mangyayari iyon ng kusa. Walang 'kusa' na mangyayari kung hindi ka kikilos.

Huli na ang lahat. Wala na siyang gusto sa akin kaya wala ring puwang pa kapag ipaglaban ko pa siya. Kung gusto niya ako, bakit hindi siya nagpakita sa akin sa loob ng anim na araw?

Wala nga kasi siyang pakialam sayo Carleigh, as simply as that.

Napatango ako at mapait na natawa dahil sa sinabing iyon ng aking isipan. Naramdaman ko ang patak ng ulan sa aking balat. Kasabay niyon ay ang pagragasa rin ng aking mga luhang ilang araw ko ring pinigilang kumawala. 

Mabuting umiyak ka sa gitna ng ulan para walang makapansin sa luhang pumapatak mula sa mata mo, walang makakaramdam sa pighating nagpaparusa sa iyo.

Ikakasal ka na pala? Wow, just wow. Ang sakit mo naman palang mahalin, Zeiroh. Grabi ka! Ang sakit-sakit! Bumalik ka lang ba para gantihan ako?

Napatingala ako para salubungin ang patak ng ulan. Lumalakas na ito. Basa na ang damit ko. Kahit gaano pa kalamig ang dulot ng hangin ay wala pa ring papantay sa sakit na nararamdaman ko.

"Pagkatapos mong makipaglandian sa Harryl na iyon ay ngayon naman ay sa dalawang adik na ito? Nag-iiisip ka ba talaga Carleigh!"

Malandi lang pala ako sa paningin niya eh. Grabi, hindi ko inaasahan na ganito pala talaga kasakit ang sinabi nilang heart break.

Naranasan ko rin sa wakas, thanks to you Hernandez!

"Leigh!"

Napapitlag ako dahil sa tumawag na iyon sa akin. Hindi ko alam kung bakit mas dumami pa ang luhang pumapatak mula sa aking mga mata.

"What are you doing, huh! Magkakasakit ka lang sa ginagawa mong 'yan eh!" sermon ni Hazel sa akin. Nasa harapan ko ngayon ang tatlo kong kaibigan at meron pa silang tig-iisang payong. Hindi na nakontento si Kyra at naka-raincoat pa talaga. 

Pinilit ko namang ngumiti at umaktong tila ayos lang ang lahat.

"Nandito pala kayo, may inuman na naman ba? Hindi yata ako inform ah?" Napabuga naman sila ng hangin pare-pareho.

Kahit Hindi Na Ako (LC SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon