KABANATA 3- DAYDREAMING

217 43 7
                                    

Kabanata 3
Kahit Hindi Na Ako
#KHNA
LovieNot

"

Oh shit!" Mahinang pagmumura ang tanging nagawa ko dahil sa pakiramdam ko ay may nakasunod talaga sa akin eh. Kanina ko pa nararamdaman iyon mula ng lumabas ako ng Mall hanggang dito sa Coffee Shop.

Dali-dali akong pumasok ng CS at agad na naghanap ng makukublian. May taong nagbabasa ng libro sa isang sulok kaya naman hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, agad na pinuntahan ko ito at basta na lang na inagaw ang librong hawak niya at nagkunwari rin na nagbabasa. Ginawa kong pantakip sa mukha ko ang libro pero nakikiramdam pa rin ako. Pasimple akong sumisilip sa entrance door ng coffee shop.

Mula sa kinauupuan ko ay nakita kong pumasok ang lalaking nakacap at sunglass. Para akong nakakita ng gangster in real life sa katauhan nito. Bumilis ang tibok ng aking puso. Huli na ng namalayan kong napahilig na pala ako sa katabi ko na siyang may-ari ng librong na hawak ko.

"Sorry huh? I just need to hide from that guy, mukhang ako talaga ang sadya niyan eh." Bulong ko pa habang nasa lalaking nasa pinto pa rin ang aking paningin.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa naglakad pa ito papunta sa gawi namin. Napapitlag ako ng maramdaman ko ang kamay ng katabi ko na nasa balikat ko na. Inakbayan niya ako. Nakatulong iyon para mas maitago ko pa ang sarili ko. Thank you sa nilalang na nasa tabi ko ngayon. Nabawasan ang kaba at takot na nararamdaman ko.

Matunog ang naging paghinga ko ng lumabas na ang lalaki. Napagtanto kong madadaanan pala ang pwesto namin kapag palabas na ng CS.

"Shit, that was so nakakakaba," nakapikit ko pang saad pagkuwa'y umayos ng upo ng maalala ang taong inagawan ko na nga ng libro ay tinulungan pa ako para hindi makita ng lalaking sunod ng sunod sa akin kanina.

"Thank you," ani ko sabay siring ng tingin sa katabi ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Nakagat ko na naman tuloy ang dila ko ng makilala kung sino ito.

"Zeiroh?" hindi ko pa makapaniwalang tanong. He just smirked at me. Parang gusto kong sapuin ang ulo ko at iumpog sa pader na nasa likuran ko.

"I asked you to be careful Miss Quintos. In born na ba talagang matigas ang ulo mo?" asik niya pa sabay bawi ng libro sa kamay ko. Napamaang na lang ako. Ang kadaldalan ko ay para bang hindi gumagana kapag siya ang kaharap.

Inuunahan ng kaba sa aking dibdib... Naipilig ko ng pasimple ang aking ulo dahil sa lyrics ng kantang pumasok sa kukuti ko.

"Wala namang malambot na ulo kasi nga may skull. You know what skull is huh?" Kinuha ko ang cellphone ko at sinearch pa iyon sa Merriam Webster's Dictionary. Eh bakit ba? Sa nabobobo ako dahil sa kaba eh.

"It's the structure of bones that form the head and face of a person or animal." Binasa ko lang iyon sabay tingin sa kanya. Nakita ko kung paano gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Napatulala naman ako.

Sa iyong ngiti. Ako'y nahuhumaling... Ipinilig ko na naman ang ulo ko.

Ngumiti siya? Weh? Legit iyon? Am I just dreaming? Hindi marunong ngumiti ang alien ah? Kumurap-kurap pa ako pero seryosong mukha niya na ang nakikita ko.

"Are you bored? Pinagtitripan mo ba ako?" Pagsusungit niya pa. Pinilit ko naman na ngumiti pero hindi ko na itinuloy pa dahil pakiramdam ko ay mahahalata niyang nangangatal ang labi ko.

Ano ba, Carleigh? Bwiset ka! Umayos ka nga. Tumikhim ako at sumeryoso na din.

"Ako? Pagtitripan kita? Why naman? Eh hindi naman nga kita trip."

Napansin kong umiba ang timpla ng kanyang mukha. Nagtagis pa ang bagang nito. Nakaramdam na naman ako ng pagpapanic sa loob-loob ko.

"I mean Mr. Hernandez, hindi kita bet na pagtripan," paliwanag ko pa tsaka ngumiti.

"Thank you nga pala sa tulong mo, muntik na ako doon ah?" dagdag ko pa.

"Who's that guy?"

"I don't know. Basta naramdaman ko na lang na may nakasunod sa akin."

"Bakit wala kang suot na mask?" Napangiwi naman ako. Eh sa makakalimutin ako eh, bakit ba?

Tsaka I want a normal life. Iyong normal talaga, malaya at walang pinagtataguan. Wearing a mask is like I'm always in danger. Ang creepy sa pakiramdam. Nakakapraning.

"Nasu-suffocate ako eh. Tsaka para naman akong may pinagtataguan kapag lagi akong nakasuot ng mask."

"Dahil gano'n naman talaga Carleigh." Napalingon naman ako sa kanya. Is it the first time he called me by my first name? Iyong hindi buo?

"Because I like you Carleigh." No, hindi pala. Second time pala 'to.

"Anong gano'n?"

"Na may pinagtataguan ka. Your fans or so-called stalkers. Dalawang taon ka ng nagtatrabaho bilang DJ pero hindi mo pa rin maproseso ng utak mo na hindi ka safe na gumala kung saan-saan ng hindi naka disguise?" Nakatitig lang ako sa kanya. Bakit alam niyang dalawang taon na akong DJ?

"Nakikinig ka ba? Para kang walang alam sa mundo na pinasok mo." May halong panenermon niyang saad. Napakamot na lang ako sa noo.

"Alam ko naman iyon pero kasi... Ah basta, gusto ko lang naman mamuhay ng normal."

"Normal? Eh bakit hindi ka na lang naging magsasaka? Iyon ang pinaka normal na buhay sa mundo." Pinanliitan ko naman siya ng mata.

"Minamaliit mo ba ang mga magsasaka?"

"Of course not, why would..."

"Iyon ang dating sa akin ng sinabi mo eh. Parang nang-iinsulto ka or what? Tama ka, sana nga naging magsasaka na lang ako dahil talaga namang payapa ang ganong klase ng pamumuhay. Sana nga hindi na lang ako nag-aral sa mamahaling unibersidad at naging DJ kung mapapaaga din naman pala ang kamatayan ko. Sana pala ay sinamahan ko na lang ang tatay ko sa pagsasaka sa bukid. Tsk, kung alam ko lang talaga na ganito, sana nanatili ng lang ako sa probinsiya. Doon lang ako magkakaroon ng normal na buhay. Masayang maging normal lang. Malaya at walang mga epal sa buhay mo." Mahabang lintanya ko at napatingala pa sa kisame.

"May masama rin ba sa pagiging magsasaka? Wala naman eh, bakit iyon ang laging sinasabi nila kapag hindi ka nangangarap ng mataas at kapag gusto ko lang naman ng normal na buhay?"

"Talaga ba, Leigh? Eh di sana nagsaka ka na lang din at hindi na nag-aral sa mamahaling paaralang ito kung magsasaka lang din naman pala ang hanap mo, kaloka 'to."

"Normal? Eh bakit hindi ka na lang naging magsasaka? Iyon ang pinakanormal na buhay sa mundo."

"Eh ano naman kung magsasaka? Proud nga ako sa kanila eh. Proud ako sa mga magulang ko." Bulong-bulong ko pa. Nakakawalang gana ang araw na ito.

"I'm sorry for what I've said, that's not what I mean. "

"Bakit nagsosorry ka? Para mo ding inamin na minamaliit mo nga kami eh no?" Mukhang hindi niya naman alam kung ano ang isasagot. Dismayado ko siyang tiningnan. Minamaliit niya nga? Ha! Tama lang pala ang desisyon ko noon na huwag siyang bigyan ng pagkakataon na bilugin ang utak ko.

Wala rin naman pala siyang pinagkaiba sa ibang mata pobreng mayayaman eh. Pare-pareho lang sila.

Padarag na tumayo ako pero agad naman na nahila niya ako paupo ulit. Malamya at nagtatanong na tingin ang ipinukol ko sa kanya.

"Saying sorry doesn't mean that you're confirming an accusation or something, Miss Quintos."

Kahit Hindi Na Ako (LC SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon