KABANATA 8- LOVE HURTS

202 41 12
                                    

Kabanata 8
Kahit Hindi Na Ako
#KHNA
LovieNot

"Natahimik ka diyan?" asik niya na naman ng hindi na ako nakasagot pa. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko.

Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Ang tanga ko sa part na inakala kong panaginip lamang iyon. Totoo pala ang nasa ala-ala ko. Nagtapat ako sa kanya kagabi. Baka noong nakatulog na ako ay dinala niya na lang ulit ako sa unit ko. Napayuko na lang ako tinampal ang sarili kong noo.

Shit, Carleigh! Ano na? Bahala na ito, tutal nasimulan ko na rin naman ito eh.

"Pagdating sa pag-ibig, anuman ang sinasabi ng puso mo 'nak ay iyon dapat ang sundin mo. Mas maganda kung hindi mo ito sasalungatin, kapag kasi sinusuway natin ang ating damdamin ay mas lalo lang tayong mahihirapan."

"Eh Ma, hindi po ba na malaki ang chance na masaktan tayo kapag lagi nating sinusunod ang gusto ng ating puso?"

"Natural lang naman na masaktan ka kapag nagmahal ka Carleigh. But trust me, kapag true love ang natagpuan mo, worth it lahat ng sakit o hirap na mararanasan mo."

Napangiti ako. Tama si Mama, mahirap salungatin ang nilalaman ng puso. Humugot ako ng malalim na hininga.

Akmang magsasalita na sana ako pero muli akong natameme at napatulala nang dumapo ang paningin ko sa pwesto niya. Tila ba nadurog ang aking puso nang nasaksihan ko na naman ang paglapat ng mga labi nila ni Marie. Umugong pa ang tuksuhan sa gawi nila.

The moment na magtama ulit ang paningin namin, hindi ko na maipagkakaila pa sa sarili kong mahal ko na siya at nasasaktan ako sa katotohanang iyon. Mahal ko ang lalaking pagmamay-ari na ng iba.

Unti-unti akong nagbaba ng tingin. Pinigilan kong magsilandas ang aking mga luha. Wala ako sa tamang lugar para magdrama. Pinatay ko ang linya at inilagay sa bag ang phone ko.

"Carleigh," untag sa akin ni Harryl. Tumingala ako para hindi ako maiyak sa harapan ng lalaking ito.

"Are you okay? What's wrong?" nag-aalala ang kanyang tono.

"I'm fine. Hang-over lang ito, nagkainuman kasi kami kagabi ng mga kaibigan ko eh." Natawa naman ito at napatango.

Sana nga gano'n lang.

"Sayang naman, yayayain pa naman sana kita ng inuman pero huwag na lang at baka hindi mo na kayanin. Juice na lang muna sayo," ani nito sabay abot nga sa akin ng basong may laman na juice. Nakangiting tinanggap ko naman iyon.

"Uhm... Saan na nga tayo kanina?" tanong ko at inilibot ang aking paningin, nagsisimula na talaga ang party.

May kalakasan na ang musika at maiingay na rin ang lahat. Hindi nga ako nagkamali, umuulan ng magaganda at gwapo sa lugar na ito

"Ahh, yeah. Sasabihin ko sana sayo kanina na gusto talaga kita."

Napamaang naman ako. Broken-hearted ako ngayon tapos heto at may umaamin na naman ng nararamdaman para sa akin.

Napatitig naman ako sa lalaki. He's handsome at mas lalo pang nagpapagwapo sa kanya ang kanyang kabaitan at pagiging gentleman. Pero my heart belongs to someone now. I think, I am inlove with someone I can't have.

Tsk. Lupit ng tadhana sayo, Leigh.

Gantihan lang ba ito? Noon ay ako ang nambasted at ngayon naman ay mukhang ako naman ang nabasted. No... Hindi lang ako nabasted, nadurog pa.

Kahit Hindi Na Ako (LC SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon