KABANATA 2- RUMORED BOYFRIEND

252 44 8
                                    

Kabanata 2
Kahit Hindi Na Ako
#KHNA
LovieNot

Nakabusangot na bumangon na ako. Hindi ko alam kung bakit ang sama ng gising ko. Halos mapatili pa ako ng matapat ako sa salamin ng banyo. Akala ko zombie, iyon pala ay sarili ko mismo, tsk.

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi eh at hindi ko alam kung bakit puro mukha ni Zeiroh ang nasa isipan ko. Tsaka nagpapaulit-ulit din sa aking kukuti ang sinabi niyang wala daw 'nice' sa pagkikita namin. Eh di wow. Just wow. Di man siya gwapo ba, batig nawong!

Naiinis ko na dinuro ang sarili sa salamin. "Please naman Carleigh, maawa ka sa kaluluwa mo, huwag mong iisipin ang kugtong na iyon, okay? Maligno ang lalaking iyon! Maligno!"

Sinampal-sampal ko pa ang aking sarili at bigla na lang binuksan ang shower. Napatili na naman ako dahil sa lamig.

"Sus, ginoo! Katugnaw ba!" Sinabi ko iyon sa minasbate accent at umaktong talagang ginaw na ginaw. Sobrang lamig ngang talaga. Mabilis lang naman akong maligo. Araw-araw naman kasi akong naliligo, twice or thrice a day pa nga, depende iyon sa kung anong ganap ko sa araw-araw kaya bakit ko pa paaabutin ng isang oras ang pagliligo? Ten minutes ay sapat na iyan. Wala namang makakaalam na ganyan ako kabilis maligo dahil mabango naman ako lagi eh.

Araw-araw akong nasa radio station kaya naman nakasanayan ko ng maaga gumising. Ala-una ng hapon naman ang pasok ko kaya may panahon pa ako para sa sarili ko kapag umaga. Isang oras lang din naman ang programa ko.

Minsan ay may mga event rin akong dinadaluhan at madalas ay celebrity ang nakakasama ko. Iyong comedian actress or actor. Merong ding mga sakit na loveteam. Immune naman na ako sa mga magaganda at gwapo pero bakit iba ang dating sa akin ng hitsura ni Zeiroh? Oh, pesteng kugtong! Bakit ba Zeiroh na naman? Bwiset ka din talaga Carleigh!

Habang nasa unit pa ako ay nanunod na lang muna ako ng mga music videos sa YouTube. Iyong bago at sikat sa panahon ngayon para hindi ako ma out-of-place kapag may mga request na new songs ang mga listeners ko.

Kinaugalian ko na rin na i-search ang DJ Carleigh para i-check ang mga bagong videos ng programa ko na nilalabas ng station namin. Napahinto ako sa isang video kung saan talagang tumaas ang presyon ng dugo ko nang mabasa ang parang headline.

DJ Carliegh and her rumored unknown boyfriend spotted.

"What?!" malakas kong usal. Dali-dali kong pinanuod ang nasabing video. Compilation iyon ng mga litrato na kuha kahapon. Iba't-ibang anggulo at lahat ng nasa litrato ay kami ni Zeiroh. Kung titingnan ay para nga talagang magkahawak kamay kami dahil sa mga blurred shots na iyong iba.

Duh? Siya lang naman ang may hawak sa akin nun eh? Tsaka sa pulso-pulsohan lang din naman. Anong problema ng mga taong ito? Mga fake news spreader!

Sa inis ko ay nireport ko ang video na iyon.

"Ha?! Boyfriend huh? Mga ulo nila!"
Naiinis kong isinara ang aking laptop. Maya-maya pa ay nasa caller ID ko na si Hazel.

"Yes? Anong atin dear?" bungad ko agad. Hindi uso sa amin ang hello, hi na iyan.

"May boyfriend ka na pala?" nang-aasar nitong sambit. Napataas kilay na lang ako.

"Psss! Fake news. Paano mo na know ang issue na iyan?"

"Hello? Trending ka kagabi sa twitter, inday. Baka mamaya ay trending ka na naman, kaloka!"

Napaismid na lang ako. Hindi na bago sa akin ang pag-usapan sa twitter. Sa dalawang taon ko sa trabaho ay immune na rin ako sa chisimis, may katotohanan man o wala.

Kahit Hindi Na Ako (LC SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon