---Nakasunod lang ako sa likuran niya papasok ng bahay, walang imikan, tanging tunog ng sapatos at tsinelas naming dalawa ang gumagawa ng ingay hanggang makarating sa kusina. Matapos niyang bigkasin ang huling salita kanina ay bigla nalang itong tumalikod at iniwan akong nagtataka. Nakakapanibago ang inaasta niya, papanong sinungaling ako? Anong batayan niya para akusahan ako ng ganun? I'm not a damn liar for god sake!
Nilapag ko ang pagkain sa lamesa at umupo sa bakanting silya. Tinapunan ko siya ng masamang titig pero agad koding binawi ng makitang nakatingin din ito sakin. Hanggang ngayon hindi matagalan ng sarili kong mga mata ang tumitig sa kanya, kahit sandali nga minsan ay 'di ko kaya.
Merong kakaibang pakiramdam ang naiidulot sakin ng mga mata niya, hindi ko lang mawari kong nangingilabutan ba ako o nasisiyahan sa tuwing madadapuan ko ang napakaganda subalit mesteryosong mga mata niya.
"So... How's your date with that kissing monster"
Napabaling ako sa kanya sa tanong niyang iyon, kasalukuyan itong nagsasalin ng tubig sa baso. Instead of answering, I choose to stay silent. Hindi kona sinagot ang walang ka kwenta kwenta niyang tanong, aksaya lang ng laway.
Ngunit agad kodin itong pinagsisihan dahil nang wala itong nakuhang sagot, nagsimula itong lumakad papunta sa aking direksyon. Ang kaninang natutulog na mga kabayo saking dibdib ay biglang nabuhay at nagsipagtakbo ng mabilisan. Ramdam ko ang matatalim niyang titig, kung may lakas lang ako ng loob ay hinding hindi ako magdadalawang isip na salubungin at makikipaglaban ng titigan sa kanya ng matagalan. Subalit kahit anong pilit at subok ko nanghihina ako sa presensya niya lalo sa mga titig niyang hatid ay pagkabasa ng mga gulay sa ibaba.
Pastilan, saan galing ang mga gulay? Jusmaryusep nahahawa na marahil ako sa kabastosan ni Nicca
"Bakit hindi ka makasagot? Tell me, how does it feel being kissed and hugged by that monster?" tuluyan na itong nakalapit saking harapan, walang atubiling ininom ang basong laman ay tubig habang sakin padin ang paningin. I look at him, hindi sa mata kundi sa kaniyang mukha.
I wouldn't deny the fact that he is so damn handsome, even if in a simple dress up. And I can't blame those bunch of girls for admiring and got obsessed with this guy, I mean look at him, a perfect example of Cha Eun-Woo.
May makakapal na kilay, matangos at magandang hugis na ilong, ang manipis at mapupulang mga labi niya na pinangsasabikan mahalikan ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya sa eskwelahan at ang mga matang kulay tsokolate nito na pagkatitigan mo lang, mawawala na ang pokos at ulirat mo panandalian. Ganon ka lakas ang kagwapohang taglay niya, animo'y ginahuma ka.
" Please tell me Eshina.... 'di monaman gusto ang halik niya diba? Sabihin mong Oo"
My lips parted, ibang iba ang tono ng pananalita niya kumpara kanina na halos magliliyab ito sa apoy na dala-dala, napakahina at nagsusumamo ang boses niya
"W-What are you t-talking Roli? Anong halik? anong monster?" mapakla itong natawa at muling uminom ng tubig, pinanood ko ang bahagyang paggalaw ng adams apple niya pataas, pababa.
Ang labi nito ay mas tumingkad ang pagkapula dahil sa namasa masa. Hindi ko maitatangging na a-attract ako sa kanya mula pa umpisa, lalo na ang upo niyang hanggang ngayon nasa isipan koparin naka ukit na, hindi mawala wala. Wala lang akong kakapalan ng mukha para purihin siya.
At isa pa hinding hindi ko aamining nagwagwapohan ako sakanya. NEVER!
"And now you're acting like you don't know what I'm talking hauh?"
![](https://img.wattpad.com/cover/227317533-288-k652523.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Roli at Ako (Filamerian Series #1)
Teen FictionRoli Einz Jeminnez, a perfect ideal man of all girls - lady rather, out there. A man who was deeply inlove with his girl best friend slash mutual understanding. But sadly he was left behind when the girl chose to live over the seas to pursue her dre...