Chapter 02

74 62 4
                                    

---

Maaga akong nagising kinabukasan, napakatahimik pa ng bahay.

Hinalungkat ko ang refrigerator nila para tumungin kong anung pweding lutuin. I just cook pancakes, fried rice, itlog at hotdog since hindi ko naman alam ang gusto nilang agahan. Sa amin kasi ay tinapay at kape lang kontento na, ang importante may laman ang tiyan sa umaga.

Maya maya'y nagsidatingan rin silang lahat maliban ngalang sa isa, yung panganay ay wala. Hanggang ngayo'y hindi kopa ito lubusang nakikita't nakikilala. Oo sa paaralan nama'y nakita kona ito minsan pero iba parin kapag makita ko ito, dito mismo ng harapan.

Si ma'am Sol at Sir Rey ay bihis na pang opisina, si Grayson naman ay naka pajama pa

"Whaaaaaa! Baby E"

"Ump..."

dO.ob

Nanlalakihan ang mata ko sa gulat ng bigla nalang  akong niyakap ni ma'am Sol, masyado yatang mahigpit kaya halos habol ko ang aking hininga ng bitiwan niya

"Thank you, thank you at tinanggap mo ang alok kong di-dito ka baby" patalon talon niya pang sabi, naiilang man ay napangiti ako. Medyo nabawasan din ang kaba ko don, isa lang kasi ang ibig sabihin non, masaya siyang makita't nandirito ako sa pamamahay nila. Pero kataka taka namang baby ang tawag niya sakin, samantalang amo ko siya at magiging kasambahay ako nila.

Halos papuri ang aking natanggap mula ng simulan nilang tikman ang niluto ko hanggang sa maubos ito. Ika nga ay unang beses daw nilang magkaroon ng fried rice sa agahan, gulat ma'y hindi kona itinanong kung papanong first time nila gayong chef si ma'am Sol at Hotel and Restaurant naman ang negosyo nila. Isa pa sinangag naman talaga ang kadalasang kapareha ng niluto kong itlog at hotdog tuwing umaga.

"Naku iha, magkakasundo talaga kayo nitong asawa ko dahil hilig niyo ay parehong pagluluto" napangiti ako sa sinabi ni sir Rey, sana nga ay magkasundo kami dahil gusto kong matuto ng iba pang level up na putahe mula sa pinakamahusay na chef at tinitingalang babae

"Masaya kasi Sir at nakakagaan ng kalooban tuwing nagluluto lalo pag na appreciate ng mga tao"

"True" pag sang-ayon ni ma'am Sol

"Napakapormal naman yata ng Sir na yan, tawagin mo nalang akong tito"

"Po?" namilog nanaman ang mga mata ko, ang we-weird naman nilang pareho, isang hamak na katulong lang naman ako dito.

Natawa si tito sa naging reaction ko, pati sina ma'am Sol at manang Selya ay nahawa rin sa pagtawa maliban kay Grayson na abala parin sa pagsubo ng hotdog

"Baby... ang totoo niyan ay hindi naman kita pinapunta dito para magtrabaho" nakangiting sambit ni ma'am Sol habang nagpipigil ng tawa

"Po? Kung ganun ay anung dahilan?" tanong ko sa kanya ng nagtataka

"Hehe... baby mamaya kuna ipaliwanag ha? Usap tayo later, we need to hurry may meeting kami ng tito mo"

"Auhh... cge po ma'am ingat kayo"

"Baby naman eh... tita nalang itawag mo o di kaya'y mommy nalang? hehe"

"ahh... hehe, c-cge po t-tita" nauutal kong tugon sa kanya

"Oh siya, kayo na munang bahala dito ni manang wala namang pasok dahil linggo at paki gising nalang si Roli sa itaas mamaya baby, iyong pang tatlong kwarto sa kanan 'yonh sa kanya"

"Opo"

Yun lang at umalis agad sila ni tito, mukhang busy silang dalawa, ganun talaga siguro kapag nasa larangan ng negosyo laging abala kung sa bagay sikat at kilala kasi ang companya nila.

Si Roli at Ako (Filamerian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon