Chapter 01

93 65 3
                                    


---

"Okey na ba ang lahat ng yan? oh ito, saka ito pa ilagay mo narin diyan"

mabilis ko namang kinuha ang dalawang pares na kamisita at maikling short kay tiya Emma, isiniksik ko ang mga ito sa maliit na bag na dadalhin ko patungong mansyon ng mga Jeminnez, mansyong pagtatrabahuan ko simula sa araw naito.

Ang pamilyang Jeminnez ay kilala hindi lang sa sikat at matagumpay nilang kompanya kundi maging sa pagiging mabuti at matulungin nila sa kapwa.

Noong nakaraang taon namatay si Itay sa sakit na cancer sa baga, manginginom kasi at panay ang paninigarilyo araw-araw. Mga panahong iyon ay walang wala kami, walang pera pang burol at walang panggastus sa kahit na ano. Sa kabutihang palad may mag-asawang nagbigay ng malaking halaga kay nanay, siguro na sa higit 30 thousand din iyon, makapal kasi ang sobreng iniabot. Inialok din nila ang aking ina na mamasukan sa kanila bilang kasambahay, kaya nong araw naiyon halos lumuhud ako sa harap nila at sambahin silang dalawa sa kabutihan nilang pinagkaloob saaming pamilya, subalit hindi ko nagawa, ni lapitan nga'y wala sapagkat abala ako sa pag-aasikaso at sa nagsisidatingang mga bisita.

Ang perang inabuloy nila ang pinanggastus namin sa pagpapalibing kay Tatay, ibinayad sa mga utang at bill ng hospital, ang iba naman ay ipinagbili ng kasangkapan sa bahay.

Maliban sa tulong mula sa mag-asawang Jeminnez, nakatanggap rin naman kami ng kaunting tulong mula sa Gobyerno at kalapit barangay kaya naman nakahanap kami agad ng mauupahang bahay na malapit sa paaralang aking pinapasukan, wala kasi kaming permanenting tinutuluyan.

Subalit ganun nalang talaga siguro ang kamalasang meron ako sa buhay. Nitong nakaraang linggo lang kasi ay namatay din si nanay sa hindi ko malamang dahilan. Pagdating ko ng apartment namin nasa kabaong na si nanay at wala ng buhay, ang sabi ay nasagasaan daw ito ng hindi kilalang tao. Naniniwala naman ako sa sabi sabi nilang iyon dahil binalita ito sa radyo. Ang hindi kolang maintindihan kung paano nagsimula ang pangyayaring iyon na humantong sa masakit at masaklap na kamatayan, paanong walang may-alam gayong marami naman pala ang tao na nakapaligid at saksi sa nangyari? Ni plate number ng sasakyan hindi manlang nila nakita? Kumukulo ang dugo ko sa kanila tuwing maalala ang pagmumukha nilang lahat. Pati sa mga pulisya ay galit din ako sa kamangmangang taglay nila, tatlong araw palang ang lumipas mula nong naganap ang aksedente tinigil kagad ang imbestegasyon. Tyungina! Ano pa ang saysay ng CCTV cameras ng kalsada kung ganon lang din pala! Plate number lang 'di pa nakita, anong camera ba gamit nila at para yatang nasobrahan sa kalaboan, mas malabo paba sa tubig na pinapaliguan ng kalabaw?

Ganun paman pinilit ko paring hinagilap ang kasagutan saking katanongan ngunit sa kamalasan wala akong nalagap ni isang sagot manlang. Papano ko makakamtan ang hustisya para sa aking ina kung ni isa ay walang may idea. Maging sina Mr. at Mrs. Jeminnez ay wala ding kaalam-alam sa eksaktong pangyayaring naganap, hindi korin sila masisisi dahil day off ni nanay ng araw naiyon at pauwi na samin ng maganap ang aksidenti.

Hindi ko alam kong papano magsisimula, wala naman akong kilalang pamilya na pwedeng matakbuhan saking problema, mabuti na ngalang at ako ang ipinalit nila sa trabahong nakaatas saking ina ng sagayo'y makapagpatuloy ako saking pag-eskwela.

"Naku Ineng, pagpasensyahan mona at ito lamang ang maitutulong ko sayo" kinuha ni tiya Emma ang mga kamay ko at lihim na isinuklip sa mga palad ko ang limang daang peso, nahihiya ma'y tinanggap ko narin dahil kakailanganin ko ito, isa pa sengkwenta pesos lang ang meron ako sa bulsa.

"Napakalaking tulong na po ito tiya, saka ako ang dapat mong pagpasensyahan, inilibre mona nga ako sa renta ko ngayong buwan, may padagdag kapang limang daan" masuyo kong hinawakan ang kaniyang mga kamay at dahang dahang ipinakita ang pulido kong pagpapasalamat, tinitigan sa mata at saka ko siya niyakap bigla.

Si Roli at Ako (Filamerian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon